ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Apr. 9, 2025
Nitong nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, hinggil sa Forecast 2025, itutuloy na natin ngayon ang pagtalakay sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036 ikaw ay mapapabilang sa animal sign na Dragon.
Ayon sa Western Astrology, ang Dragon ay may zodiac sign na Aries at may ruling planet na Mars. Ibig sabihin, punumpuno ka ng sigla at sigasig sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Dagdag dito, dahil ang zodiac sign na Aries na siya ring ngang Dragon sa Western Astrology na nagtataglay ng elementong fire o apoy, kaya naman masasabing bumubuga ka rin ng apoy.
Ang problema nga lamang sa aktuwal na karanasan, may dalawang uri ng Dragon. Isang Dragon na isinilang noong panahon ng tag-araw o tag-init at isang Dragon na isinilang sa panahon ng tag-ulan.
Pinaniniwalaang higit na mahusay at makapangyarihan ang isang Dragon na isinilang sa panahon ng tag-araw, kumpara sa isang Dragon na isinilang sa panahon ng tag-ulan.
Dagdag pa rito, sinasabing kung ang isang Dragon ay isinilang sa panahon ng tag-ulan, asahan mong tutulug-tulog siya sa pansitan. Kaya kung minsan, tutulug-tulog din ang kanilang kapalaran, palaging nagdadalawang isip at takot makipagsapalaran.
Ang mga negatibong katangian ng Dragon ay pagiging antukin, mahilig magpuyat at tila laging kampante at walang pinoproblema sa buhay.
Pero kahit na ganu’n, batid nila na may magandang kapalaran pa rin para sa kanila.
Kaya naman, ang mga Dragon na ito ang mas kinakatakutan. Dahil sa sandaling nagising na ang natutulog na Dragon, na umuusuk-usok pa ang dalawang butas ng ilong, kasabay nu’n ay magigising na rin ang natutulog nilang kapangyarihan at napakagandang kapalaran.
Gayunpaman, taglay naman nila ang napakalaki at napakagandang kapalaran na sa saktong salita, itinadhana ng langit ang kapalarang ito para sa kanila.
Kaya sadyang masarap magkaroon ng kaibigan, anak, magulang, kakilala, kapatid, kasama sa bahay na Dragon, dahil batid mong biglang susuwertehin ang nasabing Dragon na ito, anuman ang kalagayan ninyo sa buhay, at kapag nagising na ang natutulog nilang suwerte, makakatanggap sila mula sa langit ng suwerte at pagpapala.
Ibig sabihin, kaya tutulug-tulog ang mga Dragon, dahil may napakalaking suwerte ang naghihintay sa kanilang buhay at ang suwerteng ito ay sadyang malaon o matagal nang nakalaan sa kanila.
Ayon sa librong Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford hinggil sa kapalaran ng isang Dragon, “Those born under the animal sign of the Dragon are said to wear the horns of destiny.”
Ibig sabihin, bago pa isilang ang isang Dragon, nakatakda na sa kanila ang positibo at negatibong kapalaran, lalo na ngayong 2025.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Itutuloy…
“TAONG KUNEHO”, MAY CHANCE MAKABILI NG HOUSE AND LOT NGAYONG 2025
Apr. 7, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023 at 2035 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rabbit o Kuneho.
Sinasabing may tatlong mahahalagang kaganapan ang maaaring mangyari sa mga Kuneho at ito ay ang mga sumusunod:
Kung isang kang binata o dalaga, malaki ang tsansa mo na makapag-asawa at habambuhay lumigaya. Subalit, kung may asawa ka na at wala pang anak, ngayong taon ka na rin magkakaroon ng isang maganda at matalinong babaeng anak.
At ang pangatlong pangyayari na halos kasing ganda rin ng naunang dalawa, sinasabing ngayon taon ka rin maaaring makabili ng house and lot.
Pero kung may sarili ka ng bahay, maaari mo pa itong ma-extend o mapalakihan. O kaya naman, ngayon ka rin makakabili ng magara at mamahaling sasakyan.
Dagdag dito, sa aspetong career at pangkabuhayan, tuluy-tuloy ka na ring sisigla at aangat. Kaya asahan mo na ang pagtaas ng iyong kita.
Gayunpaman, dahil likas ang maganda mong kapalaran, hindi mo na kailangan pang madaliin ang lahat ng bagay, lalo na pagdating sa salapi at pagpapayaman.
Sa halip, dapat nakaplano ang lahat at hindi ka rin dapat ma-excite, bagkus ang dapat mong isaisip, kung talagang para sa iyo ang isang bagay, hindi ka na dapat kumilos o magsumikap. Sa halip, ang tamang attitude kung talagang para sa iyo ang
magagandang kapalaran, konting kilos at kembot lang, tulad ng naipaliwanag na - isa-isa nang malalaglag sa sanga ng tadhana ang lahat ng magagandang pinapangarap at inaambisyon sa buhay.
Kaya tulad ng sinabi na, hindi ka dapat manggigil o magmadali na makuha ang isang bagay, dahil kusa rin naman itong ipagkakaloob sa iyo ng langit.
Pagdating naman sa pag-ibig, mapalad ngayon ang Kuneho, dahil tulad ng nasabi na sa itaas, kung ika’y isang binata o dalaga, maaari mo na ngayong ma-meet o makilala ang isang lalaki na nakalaan para sa iyo.
Ang kinaganda pa rito, ang lalaking ihuhulog sa iyo ng langit ay hindi basta-basta, bagkus ang lalaking ito ay maaaring manager, supervisor o professional. Kapag na-meet o nakilala mo na siya at naging kaibigan – ‘wag mo na siyang pakawalan pa, dahil walang duda, siya na nga ang saktong nilalang na ibinigay sa iyo ng langit upang makasama mo sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.
Samantala, ang mga mapalad namang kulay ng Kuneho ay ang blue, green, grey at black, habang mananatiling suwerte ang numerong 2, 17, 26, 34, 43 at 52, higit lalo sa araw ng Lunes, Huwebes at Linggo.
Sa buong taong ito ng 2025, likas at sadyang magiging buwenas din ang Kuneho mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-28 ng Marso, mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-28 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Disyembre.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Knows mo ‘yun? “TAONG KUNEHO”, MASARAP MAGING KAIBIGAN AT KAPAMILYA
Apr. 5, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023 at 2035 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rabbit o Kuneho.
Sa aspetong pandamdamin at pakikipagrelasyon, Kuneho ang pinakaromantiko sa 12 animal signs.
Kaya hindi kataka-taka na bago siya pumasok sa isang relasyon, pinag-iisipan muna niyang mabuti kung makakatulong nga ba ito upang magkaroon siya ng peace of mind at payapang pamumuhay.
Kaya sinasabing maingat na maingat ang isang Kuneho sa pagpili ng isang lalaki o babaeng kanyang mamahalin, dahil ayaw na ayaw niyang magkamali sa desisyon o pagpili, kung saan hindi mapahahalagahan ang kanyang pagmamahal.
Bagama’t madalas na nagpapabagu-bago ang kanyang damdamin, ang isa sa iniiwasan ng Kuneho ay ang masuong sa isang magulong relasyon.
Kaya tulad ng nasabi na, dahil sa pagiging maingat sa pagpili ng mamahalin, kadalasang natatagpuan ang Kuneho na hirap makapag-asawa at magkaroon ng seryosong commitment. Kaya naman, madalas silang matagpuang matandang binata at dalaga.
Kung minsan, akala ng iba ay umiiwas lang siya sa isang relasyon, subalit ang totoo ay tinitiyak lang niya ang pagpili ng kanyang mamahalin, kaya medyo mailap siya sa pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan sa ka-opposite sex nito.
Sinasabi rin na ang isang Kuneho ay iwas makisalamuha sa iba at ayaw na ayaw niya ring nakikipagtalo.
Kaya kung minsan tuloy ay napagbibintangan siyang mahiyain, boring at walang kabuhay-buhay.
Pero sa katunayan, kapag nahulog na ang loob ng isang Kuneho sa kanyang kasama, nagiging madaldal at palakuwento na ito. Kung saan ay magagawa na niyang ikuwento at ibunyag ang lahat ng kanyang mga pangarap, ambisyon, gustong gawin at lahat ng mga pantasya niya sa buhay.
Bagama't likas na malapit sa kanyang pamilya, sinasabing kapag nasa bahay ay tahimik at para silang walang pakialam sa mundo, pero sa totoo lang, ang Kuneho ay sobrang matulungin at mapagmahal na miyembro ng kanyang pamilya.
Kaya naman, kapag nakapag-asawa at nagkaroon na ng sariling pamilya, tinitiyak ng isang Kuneho na magiging areglado ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya bago siya umupo sa sala.
Gayunpaman, higit na mas umaandar ang kanyang guni-guni at pangarap kesa sa aktuwalidad, minsan hindi niya rin na ipo-provide ang lahat ng mga pangangailangan ng kanyang pamilya at lihim niya itong ikinalulungkot.
Kaya patuloy siyang nagsisikap at nagpupursiging paunlarin ang kanyang career o anumang bagay na kanyang pinagkakakitaan.
Bukod sa masarap na kaibigan at mabuting miyembro ng pamilya ang Kuneho, kilala rin sila bilang romantiko at mapagmahal na asawa, higit lalo kung hindi mo gaanong pinapakialaman ang kanilang privacy.
Ang pinakamahalaga sa lahat para sa isang Kuneho ay pakinggan mo lang nang pakinggan ang lahat ng kanyang ikinukuwento, kahit malayo sa katotohanan at kahit imposibleng mangyari, tiyak na magkakasundo kayo, magsasama at habambuhay na lumiligaya.
Katugma at ka-compatible naman ng isang Kuneho ang isang Sheep o Tupa na tinatawag ding Kambing o Goat. Kung saan, kapwa sila nagmamahal sa isang tahimik, kampante, masarap at maligayang pamumuhay.
Samantala, nagiging mas productive, maligaya at masagana naman ang pagsasama ng Kuneho at Aso, ganundin ang Kuneho at Baboy o Boar.
Habang ang pagsasama ng Kuneho at Ahas ay itinuturing ding tugma, compatible at habambuhay na liligaya.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
MGA LARANGANG MAGHAHATID NG TAGUMPAY SA MGA KUNEHO, ALAMIN!
Apr. 4, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023 at 2035 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rabbit o Kuneho.
Bukod sa pagiging matulungin at mabait, mahusay rin umayos ng gulo ang Kuneho. Kung saan, nagagawa niyang pagbatiin ang dalawang panig na ‘di magkaunawaan.
Ang isa pang mahusay na katangian ng Kuneho, kakaiba rin siya mag-ayos ng gulo o anumang gusot, dahil sinisigurado niya na naaapi at less fortunate ang higit na makikinabang.
Dagdag dito, hinggil naman sa career at aspetong pangkabuhayan, sinasabing suwetung-suweto sa isang Kuneho ang mga gawaing may kaugnayan sa paglalakbay, malapit sa nature at arts o sining.
Tunay ngang sa mga ganu’ng gawain, liligaya at magtatagumpay ang isang Kuneho. Kaya kung kasalukuyan siyang nasa ganu’ng mga larangan, hindi na siya dapat umalis, dahil doon siya mismo yayaman at habambuhay na liligaya.
Dagdag dito, dahil likas na mapanuri sa mga likhang sining at may mataas na pagkilatis sa kultura at sa mga sinaunang sibilisasyon, bagay na bagay sa isang Kuneho ang negosyo o career na nangongolekta ng mga antique na gamit at mga sinaunang kasangkapan, ganundin ang gawaing may kaugnayan sa arts collector at dealer.
Dagdag dito, dahil ayaw ng isang Kuneho sa magulong buhay, maraming stress at iniisip, may mga panahong nalilibang siya sa kanyang mga maluluhong pangarap at mga plano.
Gayunpaman, kung kikilos lamang ang isang Kuneho base sa kanyang mga iniisip, pinapangarap, inaambisyon at pinapantasya, tunay ngang magtatagumpay siya.
Kaya kung ikaw ay isang Kuneho at alam na alam mo sa iyong sarili na marami kang mga plano, ambisyon at pangarap na gustong mangyari, wala kang dapat gawin ngayon kundi kumilos nang kumilos.
Tunay ngang ngayong 2025, susubaybayan at bebendisyunan ng langit ang mga Kuneho upang ang nasabing mga pangarap at ambisyon sa buhay ay tiyak na mangyari.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa
inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
“TAONG KUNEHO”, ISA SA MAY PINAKAMAHABANG BUHAY
Apr. 3, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ang pagtalakay sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Kuneho o Rabbit ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023 at 2035 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rabbit o Kuneho.
Ang kinaganda pa sa isang Kuneho, sinasabing kung pahabaan ng buhay ang labanan, isa ang Kuneho sa 12 animal signs na may pinakamahabang buhay, dahil bukod sa pinahahalagahan nila ang pagmamahal sa nature, higit din nilang pinahahalagahan ang preserbasyon ng kanilang sarili.
Madalas din sila magkaroon ng isang komportable at masayang karanasan, higit lalo sa panahon ng kanilang pagtanda.
Gayunpaman, mas pinipili naman nilang mag-retire at manirahan sa gitna ng bukid o kaya sa kabundukan na malapit sa nature, du’n din nila mas gustong gumawa ng magandang bahay at magtanim ng gulay at halaman.
Sinasabi pa na kung ang Kuneho lamang ang masusunod at tatanungin, mas nanaisin at pipiliin talaga nila ang komportableng buhay sa probinsya na malayo sa siyudad kesa sa mga kumplikado at maraming pakikipagsapalaran na karanasan.
Iyan din ang dahilan kung bakit likas na sa pagkatao ng isang Kuneho ang pagiging tahimik, walang kibo, kampante at pa-easy-easy lang, na tila walang gaanong mabigat na problemang iniinda o dinadamdam.
At dahil nga mas pinipili ng Kuneho ang tahimik at kalmadong pamumuhay, napagkakamalan tuloy silang sobrang mapagmahal sa pribadong buhay, takot sa lipunan at hindi masyadong nakikihalubilo sa kanyang mga kasamahan at kapitbahay.
Kumbaga, kung hindi mo tatanungin ang isang tahimik na Kuneho, tiyak na mapapanisan siya ng laway at hindi talaga magsasalita sa loob ng maghapon.
Bagama’t likas na tahimik at mapag-isa, maaaninag mo naman sa kanilang pagkatao ang kabutihan ng kanilang puso at kalooban. Sa katunayan, mas nagiging maligaya sila kapag nakakatulong sa mga mahihirap at nangangailangan, lalo na sa kanilang inaaruga at minamahal na pamilya.
Ang pagtulong sa pamilya ang isa pang dahilan kung bakit mahaba ang buhay ng isang Kuneho. Kung saan, hindi nila alam, habang tumutulong sila sa bawat miyembro ng kanilang pamilya na naghihikahos o naghihirap, bilang ganti ng nasa itaas, sa mabuti nilang puso at pagtulong sa kanilang mga kapamilya, dinaragdagan na pala ng langit ang kanilang buhay at kalusugan.
Kapag sila naman ay may mabigat na problema, nananatili pa rin silang kalmado. Kung saan, tila laging relaks at hindi nai-stress ang isang Kuneho. Kaya naman mababakas sa kanya ang isang malalim na espirituwalidad, dekalidad at dalisay na pagkatao.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Itutuloy…
Dahil sa taglay na kasuwertehan… “TAONG KUNEHO”, PUWEDENG MAGKAROON NG SARILING KUMPANYA
Apr. 2, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ang pagtalakay sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Kuneho o Rabbit ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023 at 2035 ikaw ay napapabilang sa animal sign Rabbit o Kuneho.
Sinasabing isa sa pangunahing katangian ng Rabbit o Kuneho ay ang pagiging masunurin. Kaya naman masarap at mahusay sila maging tauhan.
Subalit, saan nga ba nanggagaling ang pinakamagagaling na leader at manager? Siyempre, sa mga tauhan na dati na ring sumunod at may mababang ranggo.
Ganu’n ang buhay at magiging kapalaran ng Kuneho. Magsisimula muna sila sa pagtitiis at pagtitiyaga. Ngunit matapos ang ilang taon, agad din naman siyang aasenso, magiging supervisor at manager.
Dahil likas ngang suwerte ang mga Kuneho, tiyak na yayaman talaga sila at nagiging may-ari ng napakalaking kumpanya.
Samantala, dahil sa pagiging likas na malalim, kung minsan ay napakahirap arukin at unawain ang ugali ng isang Kuneho. Nangyaring ganu’n, dahil sila ay naiimpluwensiya ng planetang Neptune. Kaya naman kahit sarili nila mismo ay hindi rin nila maunawaan.
Kadalasan pa nga ay marami silang pangarap na hindi masimulan at madala sa reyalidad o sa katotohanan. Bagkus ito ay nananatiling pangarap at pantasya na lamang nila habambuhay.
Sinasabing kapag ang isang Kuneho ay natutong mag-concentrate sa isang larangan o isang bagay, mas madali siyang magtatagumpay at magiging maligaya.
Kadalasan pa nga ay hindi rin nila alam kung ano ang gusto nila.
Kaya kung ikaw ay isang Kuneho, alamin mo na ang dapat mong gawin upang magtagumpay at lumigaya ka, hindi lamang ngayong Wood Snake, kundi sa buong taon ng buhay mo upang mas madali kang umunlad, magtagumpay at lumigaya. Isa pa, matuto ka ring tumutok at mag-concentrate sa iisang gawain. Kapag natutunan mo na ang mga gawaing iyan, madali mo nang mapagtatagumpayan ang mga pangarap at nais mong gawin.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Bukod sa Dragon... “TAONG KUNEHO”, ISA SA PINAKAMASUWERTENG ANIMAL SIGN
Apr. 1, 2025
Nitong nakaraang araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ngayon ang pagtalakay sa pangunahing ugali at kapalaran ng Kuneho o Rabbit ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023 at 2035 ikaw ay napapabilang sa animal sign Rabbit o Kuneho.
Ayon sa Western Astrology, ang Rabbit o Kuneho ay siya ring Pisces na may ruling planet na Neptune, na naglalarawan sa imahinasyon, magandang plano, pangarap at pantasya.
Sinasabing higit na mapalad at aktibo ang isang Kuneho kung siya ay isinilang sa panahon ng tag-araw, kesa sa kapatid niyang isinilang sa panahon ng tag-ulan.
Likas na mapalad ang mga Kuneho tuwing sasapit ang alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga, higit lalo sa direksiyong east o silangan.
Sa 12 animal signs, sinasabing ang Kuneho ang isa sa tunay na nagmamahal at mas gusto manirahan malapit sa nature o kalikasan. Pribado rin ang kanilang buhay at hindi rin sila mahilig makihalubilo sa lipunan. Kaya naman, karamihan sa kanila ay mas gustong gugulin ang ang oras sa nature.
Gayunpaman, kadalasan sa mga Kuneho ay nagiging sikat na artista, mananayaw, mang-aawit at entertainer. Kung saan, sa pagpe-perform nakikita ang kanilang galing at likas na talento.
Dagdag dito, pinaniniwalaan din na kung ang Dragon ay isa sa mapalad na animal sign sa Chinese Astrology, sinasabing ang Rabbit o Kuneho ang siya namang pangalawa sa masuwerte at mapalad sa lahat ng aspeto ng buhay. Kaya naman, sila ay tunay ngang lapitin ng suwerte at magagandang kapalaran kahit na minsa’y tinatanggihan o inaayawan pa nila ito.
Bukod sa likas na mabait, kilala rin ang Kuneho bilang isang magaling na negotiator at diplomatic. Kung saan, madali niyang napapasang-ayon ang kanyang kausap. Gayunpaman, dahil nga mabait at iniiwasan nila ang pressure at stress pagdating sa negosyo, kung minsan ay napagbibintangan sila na mahina ang loob, duwag at tatamad-tamad, na hindi naman laging ganu’n.
Samantala, umiiwas at ayaw lang talaga ng mga Kuneho na ma-involve sa kahit na ano’ng isyu o kaguluhan, dahil mas gusto nila ang tahimik na buhay, kaya sadyang iniiwasan talaga nila ang gulo o pakikipag-debate sa mga bagay na wala namang kabuluhan.
Ang isa pa sa pinakamagandang katangian ng isang Kuneho ay kapag binigyan mo siya ng assignment o task na dapat tapusin, tunay ngang ang isang Kuneho ay sobrang masunurin sa nasabing assignment o gawain na ibinibigay. Kaya naman, ang Kuneho ay maituturing din na isa sa mga pinakamagaling na empleyado, sundalo o subordinate.
Tunay ngang sa ganu’ng paraan, sunod lang nang sunod, may amo man o nag-uutos, mas umuunlad ang buhay ng isang Rabbit o Kuneho.
Kaya kung ikaw ay isang Kuneho, masasabing simple lang ang susi upang ika’y tagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Sumunod ka lang nang sumunod sa mga taong nakakataas sa iyo, makikita mo ang isang malaking karangalan at bonggang-bonggang tagumpay ang aanihin mo, hindi lamang sa taong ito ng Wood Snake kundi sa buong taon ng buhay mo.
Itutuloy….
Dahil sa taglay na kakulitan… ISINILANG SA YEAR OF THE TIGER, LAHAT NG PANGARAP AY NAKAKAMIT
Mar. 29, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ngayon ang pagtalakay sa pangunahing ugali at kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Tiger o Tigre.
Ang Tigre ay sobrang kulit din at may mga sitwasyong hindi siya pumapayag na hindi niya makuha ang isang bagay na gustung-gusto niya.
Dahil sa kakulitang ito, madalas niyang mapahinuhod ang langit. At minsan pa nga ay kahit hindi nakatakda, gumagawa na lamang ng paraan ang nasa itaas upang mangyari at pagbigyan ang makulit na Tigre.
Kaya ang nagiging resulta, nagiging matagumpay ang mga Tigre sa kanilang pangarap at nilalayon sa buhay sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagdarasal at walang sawang pamimilit sa kalangitan.
Kaya kung ikaw ay isang Tigre, napaka-simple lang ng gagawin mo upang magtagumpay at makuha mo anumang gusto mo.
Oo, hindi lamang sa taong ito ng 2025, bagkus maging sa buong buhay mo. Kaya naman, kulitin mo lang nang kulitin ang nasa itaas sa pamamagitan ng pagdarasal at walang sawang paghiling – tulad ng nasabi na, dahil sa ganyang paraan, tiyak na matutupad mo na ang iyong mga pangarap.
Samantala, sinasabi ring kapag naman ginalit mo ang isang Tigre, tiyak na agad kang sasakmalin nito, at kung sakaling nakaligtas ka sa una niyang galit at pagkainis sa iyo, kukuha lang ito ng buwelo at pagpaplanuhan muna niya kung paano ka mapaghihigantihan upang masigurado niya na hindi ka na makakalusot o makakaligtas pa.
Sa 12 animal signs, Tigre ang isa sa masamang magalit, kaya hindi mo siya dapat na galitin.
Subalit, kapag nailabas naman na ng Tigre ang kanyang galit at sama ng loob sa kanyang mga nakatampuhan, nakagalit at kahit na sa kanyang mga nakaaway, unti-unti na ring huhupa ang galit niya – ‘yun din ang magiging daan upang muli kayong magkaayos, pero hindi na tulad noon.
Bukod sa pagiging maramdamin, ang isang Tigre ay sensual din pagdating sa romansa. Kumbaga, masarap humaplos, marunong mag-massage at mainit magmahal. Kaya sa tuwing natatagpuan niya ang tunay na pag-ibig, ite-treasure niya talaga ito nang husto.
Gayunpaman, ang Tigre ay seryoso at tunay rin kung magmahal. Kaya sa tuwing nabibigo sila, nakakaramdamn talaga sila ng labis na kalungkutan, lalo na’t ibinibigay nila ang kanilang 100% na pagmamahal.
Sa madaling salita, sa tuwing umiibig ang isang Tigre, wala silang tinitira para sa kanilang sarili. Kaya kapag nasasaktan sila, gumugulo ang kanilang mundo.
Dagdag dito, ang Tigre ay madali namang ma-fall sa mga bata at magaganda. Sa katunayan, ito ang nagpapasaya sa isang Tigre, at madalas din siyang humanga sa mga matatalino.
Sa pakikipagrelasyon, sinasabing “Tigers are compatible with Horse, each both love activity and living life to the fullest.”
Kaya tugma rin sa Tigre ang isang Baboy na tiyak na gagawa ng way upang ma-develop ang kanilang relasyon.
Ang isa pang ka-compatible ng Tigre ay ang praktikal at mahilig din sa kasiyahan na Aso. Kung saan, sinasabing ang Aso ang lubos na nakakaunawa sa magulong isip, ma-adventure at malikot na buhay ng isang Tigre.
Samantala, swak din sa Tigre ang Daga, Tupa, at Tandang.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Para wa’ pagsisihan… ISINILANG SA YEAR OF THE TIGER, DAPAT MAG-INGAT SA MGA MANLOLOKO
Mar. 26, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ngayon ang pagtalakay sa pangunahing ugali at kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Tiger o Tigre.
Pagdating sa emosyon at pakikipagrelasyon sinasabing sa 12 animal sign, ang Tigre ang higit na mas nangangailangan ng simpatsa at atensiyon. Nais nila ang tunay at totoong pagmamahal, dahil kadalasan nararamdaman nila sa kanilang sarili na kulang sila nito.
Gayunpaman, hindi naman dahil pakiramdam lang nila ‘yun, dahil ito ay totoo at hindi nila gaanong nararamdaman ang init at pagmamahal ng mga taong nasa paligid nila.
Kaya naman, higit na napapalapit ang mga Tigre sa mga taong mahilig mag-advice o magbigay ng genuine suggestion sa kanila.
‘Yun bang totoo ang sinasabi at talagang nakikisimpatsa at nagmamalasakit sa kalagayan ng isang Tigre — ‘yung mga ganu’ng tao ang higit na nagugustuhan, minamahal at tine-treasure ng mga Tigre.
Bagama’t likas na maramdamin at matampuhin, agad naman silang nakaka-recover sa panahong sila ay labis na nagtatampo o naiinis sa kanilang kasuyo o kasama.
Oo nga’t mabilis silang magtampo, pero mabilis din naman itong nawawala, lalo na sa sandaling inutu-uto mo sila.
Tunay ngang madaling mauto ang mga Tigre, kaya karamihan sa kanila ay nagiging biktima ng mga manloloko. Sinasabing karamihan sa mga Tigre ay madalas maloko ng malaking halaga.
Kaya kung ikaw ay isang Tigre, lalo na ngayong Year of Snake, na usung-uso ang utakan, dayaan at lokohan, kailangan mong mag-ingat sa paglalabas ng pera, lalo na ng malaking halaga ng salapi, dahil may tsansa na madaya o maloko sila.
Samantala, ang isang Tigre ay sinasabi ring may mga pagkakataong inaatake sila ng sobrang kasipagan, anuman ang mapag-trip-an nilang gawin ay gagawin at gagawin nila iyon, hanggang sa sila ay mapagod nang husto. Ang ugaling ito, ang kadalasang nagiging problema ng isang Tigre at hindi nila alam kung paano aawatin ang kanilang sarili.
Kaya kung minsan, matatagpuan ang isang Tigre sa mga gawaing hindi naman gaanong makabuluhan, pero dahil nga gusto niya itong gawin, tuluy-tuloy at walang tigil niya itong aaturgahin nang aaturgahin hanggang sa siya ay mapagod na nang husto.
Sinasabing kung tungkol lamang sa pagkakaperahan o materyal na bagay ang gagawin nang gagawin ng Tigre, walang duda, ito ang magiging daan upang unti-unti silang umunlad hanggang tuluyan na ring yumaman.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Para tuluy-tuloy na umunlad… ALAMIN: MGA PROPESYONG SWAK SA “TAONG TIGRE”
Mar. 25, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ngayon ang pagtalakay sa pangunahing ugali at kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Tiger o Tigre.
Kilala ang Tigre sa pagiging unconventional o hindi basta-bastang sumusunod sa mga umiiral na kaayusan.
Tunay ngang ang isang Tigre ay hindi agad naniniwala sa isang batas o kasalukuyang sistemang umiiral. Sa halip, para sa kanya, mas magandang gawin at sundin ang mga bago at pambihirang patakaran.
Dahil sa kakaiba niyang pagkatao at panlasa, ‘di mo aakalaing keri niyang lusutan ang mga mahihirap na problema, at minsan ang mga problemang kanyang nalulutas ang nagiging pabor o nagbibigay ng suwerte at magagandang kapalaran para sa kanya.
Kaya naman, sinasabing sa 12 animal signs, isa ang Tigre sa pinakamasuwerte at ang suwerteng dumarating sa kanya ay sadyang pabigla-bigla, pambihira at sadyang malalaki talaga.
Ang nakakatuwa pa rito, kadalasan ang nagiging karanasan ng isang Tigre ay bigla sinusuwerte, pero ‘yung suwerteng hawak niya ay bigla ring mawawala.
Minsan naman, sa sitwasyong malas na malas ang isang Tigre, du’n naman sa sitwasyong din iyon, huhugot ang langit upang bigyan siya ng malaking suwerte.
Sa madaling salita, tunay ngang masasabing, “unpredictable” at hindi talaga kayang sukatin o hulaan ang kapalaran ng isang Tigre.
Maaaring suwerte siya ngayon, pero mamalasin at mamalasin pa rin siya. Bagama’t likas na optimistic at nakatingin lang siya sa magagandang bagay, deep inside, siya rin ay madalas mag-alinlangan.
Gusto niyang mag-isip nang mag-isip ng kung anu-ano’ng mga bagay na kakaiba at hindi pangkaraniwan. Kaya naman ang pagiging writer, manlilikha o manlililok, fine arts, pagpipinta, architect, interior designer, director at iba pang propesyon ay sadya namang tugma sa panlasa at pagkatao ng isang Tigre.
At dahil sobrang hilig ng Tigre sa travel, adventures at pakikipagsapalaran, angkop at bagay na bagay rin sa kanya ang mga gawaing may kaugnayan sa extreme and adventure sports, tulad ng stunt at race-car driver.
Oks din sa isang Tigre ang propesyong may kaugnayan sa pag-aartista, pagpipinta, antique and arts collector, public entertainment, mga gawaing tumutulong sa kapwa at ang pagsali sa mga kakaibang uri ng kulto at samahang pang-ispirituwal na magbibigay kiliti sa malawak at malikhain niyang imahinasyon.
Ang mga nabanggit din ang magbibigay sa mga Tigre ng masarap at kakaibang tagumpay.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Kung gagayahin lamang ang “Taong Tandang”... ISINILANG SA YEAR OF THE TIGER, TIYAK NA MAGTATAGUMPAY
Mar. 24, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, itutuloy na natin ngayon ang pagtalakay sa pangunahing ugali at kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Tiger o Tigre.
Dagdag dito, ang isa pang likas na katangian ng isang Tigre ay ang pagiging aligaga. Ibig sabihin, lagi siyang nagmamadali at parang laging maraming ginagawa na halos walang katapusan.
Ang kumilos nang kumilos, maghabol ng oras at laging magmadali, ang likas na katangian ng mga Taong Tigre.
Kaya naman, kung matutunan lamang ng Tigre na i-manage nang mabuti ang kanyang oras at iskedyul, walang duda, sa ganu’ng paraan higit na mas magtatagumpay at mas marami siyang matatapos.
Sinasabi ring ang isa pang katangiang dapat isaalang-alang ng Tigre ay ang mabilis na pagpapasya. Kaya minsan ay nawawala sa lugar ang kanyang mga kilos, proyekto at inaaturga.
Kung matutunan lamang ng isang Tigre ang ugali ng isang kaibigan niyang Tandang na mahusay magplano, tiyak na makakaranas din siya ng tagumpay, kasaganaan at kaligayahan.
Dagdag dito, sinasabi ring sadyang masigasig ang isang Tigre sa anumang layunin sa buhay.
Subalit, habang tumatagal ay mas umiiral sa kanya ang pagiging sawain at mainipin, kaya naman wala siyang gawaing hindi natatapos.
Sinasabing kung matutunan lamang ng isang Tigre na i-priority at tapusin ang mga sinimulan niyang gawain bago gumawa o humawak ng panibagong gawain, tiyak na mabubuo ang isang maunlad at matagumpay na Tigre, hindi lamang ngayong taon, kundi maging sa buong buhay niya.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
DOS AND DON'TS NG MGA “TAONG TIGRE” NGAYONG 2025
Mar. 23, 2025
Nitong nakaraang mga araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tiger o Tigre ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay mapapabilang sa animal sign na Tiger o Tigre.
Tandaan, kung ikaw ay isang Tiger, ikaw din ay naiimpluwensiyahan ng zodiac sign ng Aquarius na may ruling planet na Uranus. Kaya naman likas kang mapalad, tuwing sasapit ang alas-3:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng umaga, habang ang mapalad mo namang direksiyon ay ang east o silangan, ganundin ang east-northeast o hilagang-silangan.
Ayon sa matandang paniniwala sa bansang China, sinasabing kapag ang isang bahay na may naninirahang Tigre, sila ay tiyak na maliligtas sa halos lahat ng uri ng panganib, maging sa kalamidad, higit lalo sa sunog, magnanakaw at mga multo o lamang lupa.
Ang pagiging malikot, mabilis kumilos, laging nagmamadali at nagpapapansin ay ilan lamang sa mga pangunahing ugali ng isang Tigre. Dagdag dito, lagi niya ring iniintindi ang mga sinasabi ng ibang tao, kaya naman kadalasan ay “at ease” siya sa kanyang sarili. Tulad ng nasabi na, nauuna niyang isipin ang sasabihin ng isang tao o ng mga tao kesa sa personal niyang objective o layunin. Dahil dito, hindi tuloy siya gaanong nagiging masaya.
Kaya kung ikaw ay isinilang sa animal sign na Tiger, mas mainam na ‘wag mo gaanong intindihin ang sasabihin ng mga tao o ng mga nasa kapaligiran mo. Sa halip, ang dapat mo munang unahin ay ang personal mong layunin o gusto kesa sa ibang tao. Sa ganyang paraan, kapag inuna mo ang iyong sarili o pamilya kesa sa ibang tao, higit kang magiging maligaya.
Bukod sa taglay na pang-akit, sinasabing likas na mabait ang isang Tigre, magaling makisama at masayahin.
Ang problema lamang sa isang Tigre ay ang likas niyang pagiging rebellious o iyon bang ayaw niyang sumunod sa kalakarang umiiral. Sa bagay, sa puntong ito ay hindi natin masisisi ang isang Tigre, dahil para sa kanya, ang gusto niya ay magkaroon lagi ng pagbabago at kakaiba. Madali kasing nagsasawa ang isang Tigre sa mga kumbensiyonal o makalumang mga pamamaraan, kaya para sa kanya isa lang ang pinakamagandang diskarte upang maayos ang mundo, ang baguhin ang sistema ng gobyerno, relihiyon at pamahalaang umiiral.
Sa kabila ng pagiging rebellious sinasabing ang isang Tigre ay optimistic pa rin naman sa kanyang buhay. Sa madaling salita, para sa isang Tigre, walang negatibong pangyayari dahil iniisip niya ang lahat ng sitwasyon ay mauuwi rin sa isang maganda at masarap na pamumuhay.
Kaya naman, walang ibang ginagawa ang isang Tigre kundi kumilos nang kumilos at dahil gusto niya laging maareglo ang lahat ng bagay, kaya minsan ay madali siyang makaramdam ng pagkainis at burnout.
Sa ganitong sitwasyon, kapag naguguluhan na ang Tigre sa mga nangyayari sa kanyang paligid, dapat na siyang mamasyal sa mga lugar na malapit sa nature.
Sa sandaling napanatili ng Tigre ang likas niyang mapang-akit na personalidad at taglay na kakaibang karisma, tiyak ang magaganap, makakaani siya ng mas maraming suwerte at malalaking tagumpay na may kaugnayan sa damdamin, lipunan at maging sa materyal na mga bagay.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Kung minalas man noon… “TAONG BAKA”, UULANIN NG PAGPAPALA AT OPORTUNIDAD NGAYONG WOOD SNAKE
Mar. 20, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009. 2021, at 2033, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Ox o Baka.
Dagsa at maraming magandang oportunidad ang darating sa isang Baka ngayong Wood Snake, lalo na sa larangan ng negosyo, career, pangangalakal at sa lahat ng aspeto o mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan.
Kaya naman kasunod nito, sa sandaling sinunggaban ng Baka ang nasabing mga oportunidad, kusang lalago ang kanilang kinikita nang higit sa kanilang inaasahan. Kaya ang taong 2025 ang itatalang maunlad na taon para sa mga Baka, higit lalo sa larangan ng salapi at materyal na bagay.
Sinasabi ring ang mga promosyon o mga naudlot na transaksyon noong nakaraang taon ay tiyak na magaganap ngayon. Ibig sabihin, dadami ang pera at kita ng isang Baka ngayong 2025, subalit hindi ru’n natatapos ang kuwento. Sa halip, ang dapat ipatupad ng Baka ngayong Wood Snake ay ang ipagpatuloy ang dati niya nang ginagawang pag-iipon, nang sa gayun ay hindi lamang itala ang taong ito bilang masagana at maunlad na taon, kundi bilang panimula rin sa pagyaman.
Kaya nga tulad ng nasabi na, habang nagpapakasipag ang Baka, palago naman nang palago ang laman ng kanyang salapi.
Bukod sa regular na kinikita, magkakaroon din ng karagdagang income ang Baka nang hindi niya inaasahan na tulad ng nasabi na, lalong ikalalago ng kanyang kabuhayan, kaya ngayong 2025 lalong dodoble ang ipon niyang materyal na mga bagay, hanggang sa kusa na rin niyang maramdaman sa kanyang sarili na siya ay payaman na nang payaman.
Pagdating naman sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung ang Baka ay single, wala pang boyfriend o girlfriend, dahil ka-tugma ng Baka ang Snake sa triangle o affinity na tinatawag, tiyak at malamang na matatagpuan na niya ang babae o lalaking magbibigay sa kanya ng sarap at habambuhay na ligaya, na tinatayang kung sino ang makakarelasyon niya ngayong 2025 ay maaaring ito na rin ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
At tulad ng nasabi na katugma naman ng Baka ang isang Daga, Ahas at Tandang, kung saan, sa sandaling sila ang nakatuluyan ng Baka, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Kung ikaw naman ay isang Baka na may asawa o karelasyon na, dahil nga itatala na maunlad, masagana at mapera ang taong ito, hindi ka dapat na mabuhay sa luho at pagtatapon ng salapi.
Sa halip, tulad ng paulit-ulit na naipaliwanag na, anuman ang animal sign ng iyong kapareha, sa taong ito ng 2025, dapat kayong mag-ipon, upang hindi masayang ang masaganang taon sa inyong buhay. Ibig sabihin, hindi n’yo rin dapat sayangin ang mga biyaya at magagandang kapalaran na darating sa taong ito, na halos ubusin at lustayin ang inyong mga malalaking kinikita, dahil kapag ganu’n ang nangyari, masasayang ang taong ito na masagana, dahil hindi mo iningatan ang nasabing minsang suwerte.
Kaya tulad ng nasabi na, kung kayo ay mag-asawa o magkapareha, wala kayong dapat gawin ngayong Wood Snake, kundi ang mag-ipon pa nang mag-ipon upang yumaman pa kayo.
Sa taong ito ng 2025, likas namang magiging mapalad ang isang Baka mula sa ika-5 ng Mayo hanggang sa ika-5 ng Hunyo, mula sa ika-28 ng Agosto hanggang sa ika-28 ng Setyembre, mula sa ika-25 ng Nobyembre hanggang sa ika-28 ng Disyembre at mula sa ika-28 ng Disyembre hanggang sa ika-25 ng Enero 2026.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
“TAONG BAKA”, PUWEDENG SUWERTEHIN AT MALASIN HABAMBUHAY
Mar. 19, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009. 2021, at 2033, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Ox o Baka.
Sinasabi ring sa 12 animal signs na dumating sa palasyo ni Lord Buddha matapos silang ipatawag, ang Baka ang pinaka-conservative o makaluma. Bukod sa kanyang tradisyonal na pananaw sa buhay, malaki rin ang pagpapahalaga ng Baka sa kanyang pamilya. Kumbaga, isa siyang family-oriented.
Kaya nagsisipag ang Baka, dahil gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya at magiging pamilya sa hinaharap. Sa madaling salita, mapagmahal ang isang Baka sa kanyang pamilya, kaya’t ang kanyang tagumpay at kaligayahan ay hindi lang nasusukat sa yaman kundi pati na rin sa masaya at maunlad na pamilya.
Kung tahimik at may harmony sa kanilang tahanan, tiyak na maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa isang Baka, hindi lang ngayong Wood Snake, kundi sa buong buhay niya. Subalit, kung magulo at puro intriga ang set-up ng kanilang pamilya, maaari itong makaapekto hindi lang sa kanyang emosyon kundi pati na rin sa kanyang kapalaran. Sa halip na umunlad, gugulo at hihina pa ang kanyang magandang kapalaran, hindi lang ngayong 2025, kundi sa buong buhay niya.
Bukod sa pagiging mahusay sa negosyo at pangangalakal, inaasahang magtatagumpay din ang Baka sa larangan ng pakikidigmaan dahil may pambihira siyang lakas ng loob. Pagdating naman sa propesyon, maaari siyang maging mahusay na hukom dahil sa kanyang angking talino at kakayahang magpasya ng patas at makatarungan.
Maaari din siyang magtagumpay bilang bangkero, dahil sa tiwala ng mga negosyante at kakayahan niyang humikayat ng investors. Maganda rin ang magiging kapalaran ng isang Baka sa negosyong insurance, dahil nauunawaan niya ang natural na batas ng mundo, na walang kasiguraduhan sa buhay at ang lahat ay pansamantala lamang. Dahil dito may kakayahan din siyang hikayatin ang iba na tiyakin ang kanilang seguridad sa hinaharap.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
ANIMAL SIGNS NA SWAK AT ‘DI COMPATIBLE SA “TAONG BAKA”, KILALANIN
Mar. 18, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009. 2021, at 2033, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Ox o Baka.
Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, Baka ang pinakamadalang o bihirang-bihira makaranas ng tinatawag na “love at first sight” at “true love”.
Pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na sila marunong magmahal, kumbaga matagal o madalang lang talaga sila mainlab at sadyang pihikan lamang sila.
Sa katotohanan, nagiging inosente sila pagdating sa pakikipagrelasyon. Kung saan, parang namahika o tila nahipnotismo ang kanilang damdamin na sadyang napakatagal bago maglaho o mawala.
Kaya naman, masasabing umiibig din ang mga Baka ng mahabang panahon, lalo na kung ‘di pa siya nagigising sa katotohanan.
Pero tiyak na magigising din siya sa katotohanan at mapapasabing, “Hindi lang pala emosyon o damdamin ang prayoridad ko sa buhay, kundi salapi at pagpapayaman din.”
Kaya kapag ang partner ng isang Baka ay hindi nakakatulong upang umunlad ang kanilang kabuhayan, malamang mawala agad ang pagmamahal niya rito. Sa kabilang banda, tuwang-tuwa naman ang kaluluwa at inner self ng isang Baka kapag ang babae o lalaking kapareha o naging asawa niya ay tulad niya ring malakas kumita ng pera.
Dagdag dito, bagama’t hindi romantiko ang isang Baka kung ikukumpara sa isang Aso, umiibig pa rin naman siya ng tapat at totoo, ‘yun nga lang ay sobrang bagal bago niya ito maiparamdam sa kanyang kasuyo. Kumbaga, hindi talaga “showy” ang mga Baka, lalo na pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Nangyaring ganu’n, dahil sa taglay niyang elementong “lupa o luad” ng isang Baka.
Kaya naman, bagay sa mga Baka ang awiting “Pusong Bato”, dahil minsan ay nakakabato talaga silang kapareha o kasama. Ngunit nakakamanga pa rin sa Baka, kahit na may pagka-pusong bato sila, tapat pa rin silang magmahal at wala sa bokabularyo nila ang mangaliwa at magloko.
Ang siste pa nga rito, habang umiibig ang isang Baka, lalo silang nagiging tapat at totoo sa kanilang minamahal.
Sinasabi ring mabagal magmahal at umibig ang isang Baka, kaya naman kapag nagkasala ang kanyang pareha, asahan mong sobrang tagal niya itong mapapatawad.
Gayunpaman, bagay na bagay sa Baka ang Tandang na katulad niyang seryoso at masipag sa lahat ng bagay. Daga na sobrang mapagmahal at ang tusong Ahas.
Ang maharot na Aso ay hindi naman tugma sa seryosong Baka dahil mabo-boring lang ang Aso kapag kasama ang napakatahimik na Baka.
Lalong namang hindi sasakto sa panlasa ng isang Baka ang pabagu-bagong isip at pabagu-bagong damdamin ng Kambing o ng isang Tupa. Hindi rin maaaring magsama ang Tigre at Baka sa iisang bubong, dahil pagbabawalan lamang umalis ng Baka ang lakwatserang Tigre.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
“TAONG BAKA”, MAS PINAPAHALAGAHAN ANG PERA KESA LABLAYP
Mar. 17, 2025
Nitong nakaraang mga araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Daga o Rat.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009. 2021, at 2033, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Ox o Baka.
Sinasabing ang mga Baka ay mahusay rin tumanaw ng utang na loob. Kaya kapag natulungan mo ang isang Baka, umasa kang pahahalagahan niya ang nagawa mong tulong kahit lumipas pa nang lumipas ang mahabang panahon.
Kaya naman, sa sandaling siya naman ang tumulong sa iyo, doble sa naitulong mo ang ipagkakaloob at igaganti niya sa iyo.
Dagdag dito, kung ang ibang tao ay hindi nagbabayad ng utang at ang masaklap ay nagtatago pa, pwes ibahin mo ang Baka. Kung saan, kapag may utang siya sa iyo, siya pa ang kusang magbabayad sa takdang panahon na napag-usapan, at kung sakali man sumablay siya sa takdang panahon na napag-usapan, kahit hindi mo sabihin o i-suggest, siya pa rin ang kusang magbibigay sa iyo.
Pagdating naman sa pananamit at fashion, hindi gaanong pinapansin ng Baka ang mga nauusong bagay at damit. Sa halip, gagawa siya ng sarili niyang style o panlasa na iba sa karamihan. Minsan tuloy nagmumukha silang baduy at makaluma sa paningin ng iba.
Dagdag dito, ang Baka ay praktikal din pagdating sa lahat ng aspeto. Kaya handa silang isakripisyo ang kanilang emosyon o damdamin. Dahil para sa kanila, higit na mas mahalaga ang maunlad na negosyo at maraming salapi, kesa sa emosyon o damdamin na madali namang naglalaho at lumilipas.
Bukod pa ru’n, alam kasi ng mga Baka ang tunay na halaga ng salapi. Kaya naman, kung papipiliin sila, pag-ibig o salapi, walang pagdadalawang-isip, tiyak na salapi ang pipiliin nila.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka sa larangan ng negosyo, pangangalakal, at pera, sinasabing hindi lang matatag na kabuhayan ang kaya niyang buuin at itayo. Sa halip, kaya rin niyang makapagpatayo ng isang dynasty at patung-patong na kayamanan.
Nangyaring ganu’n, dahil isa ang Baka sa pinakamahusay humawak ng pera at negosyo.
Kaya nga tulad ng nasabi na, kung ikaw ay isang Baka o Ox, hinahamon ka ng kapalaran mo na magnegosyo o mangalakal ngayong 2025. Kapag nagawa mo ‘yan, tiyak na ngayong taon ay magsisimula na ang pag-unlad ng iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ka na ring yumaman.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
ALAMIN: MGA DAHILAN KUNG BAKIT SINUSUWERTE ANG MGA OX
Mar. 16, 2025
Nitong nakaraang mga araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Daga o Rat.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka ngayong Wood Snake.Kung ikaw ay isinilang noong taong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009. 2021, at 2033, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Ox o Baka
Ang masuwerteng direksiyon ng Ox o Baka ay ang direksiyong hilaga at hilagang-silangan – sa mga lugar na nabanggit, maganda magtayo ng negosyo o business site at mapalad din dito mapagawa o magpatayo ng bahay.
Bukod sa pagiging masipag at masikap, ang mga Taong Baka ay sinasabi ring maaasahan, maayos sa kanilang ginagawa at kalmado sa buhay, dahil pinaghahandaan nila lagi ang kanilang future o kinabukasan, lalo na pagdating sa salapi at pangkabuhayan.
Kaya karamihan sa mga Ox o Baka ay makikitang maunlad ang kabuhayan na may naitatabing savings na puwede nilang mahugot sa future o sa biglaang pangangailangan.
Bukod sa maaasahan ang mga indibidwal na naiimpluwensiyahan ng Ox, kilala rin sila sa pagiging makatarungan. Hindi sila nagpapabaya sa pangako na kanilang binibitiwan. Dahil mahalaga sa mga Ox ang “word of honor” lalo na pagdating sa pagnenegosyo at kalakalan, kaya karamihan sa kanila ay umuunlad at yumayaman.
Dahil nga masipag at praktikal, kung minsan kinukulong din nila ang kanilang sarili sa imahinasyon, pagpaplano at pangarap. Ngunit, hindi naman talaga ganu’n. Sa halip, ang ibig sabihin lamang nito ay gusto lang nila kung ano ang kanilang ginagawa sa ngayon at nasimulan nilang gawin.
Kaya ang akala ng iba ay kulang sa imahinasyon at pagpaplano ang mga Baka dahil para sa mga Baka, mas simple at mas madaling gawin ‘yung tumpak at makakapagbigay sa kanila ng kasaganahan at kaligayahan sa kanilang buhay.
Dahil ang Baka ay hindi gaanong mahilig sa komplikado at mabusising mga gawain, tulad ng nasabi na, marami silang mga accomplishment at madali nilang natatapos ang mga gawaing nakaatang sa kanilang mga balikat.
Kaya naman, kung ikaw ay isang manager o supervisor at nagkaroon ka ng isang tauhan na isinilang sa animal sign na Ox, tunay ngang mapalad ka, dahil nagkaroon ka ng kasama o tauhan, na bukod sa masipag ay talaga namang maaasahan at sunod lang nang sunod sa anumang bagay na ipag-uutos mo.
Bukod sa maaasahan, sila ay nagtataglay din ng kakaibang kasipagan at sadyang mapagmahal sa pribado at tahimik na buhay.
Ang Baka ay sinasabi ring hindi masyadong mahilig sa lipunan at mas pinahahalagahan nila ang trabaho at mga bagay na pagkakaperahan.
Wala rin sa bukabularyo ng isang Baka ang salitang pagyayabang o kayabangan, iniiwasan din nila ang maluho at marangyang pamumuhay, kaya naman sinasabing karamihan sa mga Baka bukod sa masipag, tuso at may pagkamateryoso ay madaling umuunlad ang kabuhayan hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Itutuloy…
IBA’T IBANG KAPALARAN NG “TAONG BAKA” BASE SA KAPANGANAKAN
Mar. 15, 2025
Nitong nakaraang mga araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Daga o Rat ngayong 2025.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Ox o Baka, sa taong ito ng Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009. 2021, at 2033, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Ox o BakaSa Western Astrology, ang Year of the Ox o Baka ay iniuugnay sa Capricorn, na pinamumunuan ng planetang Saturn.
Ang impluwensiya ng Saturn ay sumisimbolo sa pagiging praktikal, materialistic, at matibay sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
Dahil dito, karamihan sa mga ipinanganak sa ilalim ng animal sign na Ox ay hindi lamang nagtatagumpay kundi umaabot pa sa matinding kayamanan matapos malampasan ang iba’t ibang hamon ng kapalaran.
Sinasabing mas maraming pagsubok ang maaaring maranasan ng isang Baka na isinilang sa panahon ng tag-ulan, kumpara sa kapatid niyang ipinanganak sa tag-init o tag-araw. Gayunpaman, kahit na maraming hamon ang dumaan at sumubok sa kapalaran ng isang Baka, pinaniniwalaang madali niya lang itong malulutas at malalampasan habang siya ay nagkakaedad.
Sa kabilang banda, mas magaan at masarap naman ang buhay ng isang Baka na isinilang sa panahon ng tag-init.
Habang mas tahimik at kalmado naman ang mga Baka na isinilang sa gabi, kumpara sa maingay at agresibong Baka na madalas mag-ingay, lalo na ‘yung mga isinilang ng umaga o tanghaling tapat. Dagdag pa rito, dahil ang Baka ay pinamumunuan ng planetang Saturn at elementong lupa, sinasabing simple lamang ang kanilang kapalaran, subalit madali lang para sa kanila ang umunlad at umasenso sa buhay. Bukod sa pagiging masipag, likas na matatag ang mga Baka, kaya nilang tiisin at lampasan ang anumang pagsubok na darating sa kanilang buhay nang may lakas at determinasyon.
Kung ikukumpara sa isang tunay na baka, kahit bumabagyo, o tirik ang araw, patuloy pa rin ang itong nag-aararo. Anumang hamon o hadlang ang dumating, hindi nila ito alintana dahil ang nakatakda sila upang magsikap, magtiyaga, at patuloy na umunlad.
Kaya naman hindi na nakakapagtaka na ang isang Baka ay madalas matagpuan sa isang maunlad at masaganang buhay.
Kaya naman, kung magpapatuloy ka sa iyong sipag, tiyaga, at pagpapalago ng iyong kabuhayan, lalo na ngayong taon ng Wood Snake, na siya namang ka-compatible ng Baka sa tinatawag na “triangle of affinity”, walang dudang magsisimula nang umangat ang iyong pamumuhay ngayong 2025.
At sa hindi mo namamalayan, darating ang panahon na makikita mo na lang ang iyong sarili na hindi lang basta mayaman, kundi ubod ng yaman. Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
“TAONG DAGA”, ‘DI DAPAT MAGPADALUS-DALOS SA CAREER AT PAG-IBIG
Mar. 13, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rat o Daga.
Ngayong 2025, sinasabing maraming malalaking pagbabago ang magaganap sa buhay ng isang Daga, higit lalo sa career, negosyo at materyal na bagay.
Ang mga pagbabagong ito ay magbubunga ng pag-unlad. Gayunpaman, kahit anumang pagbabago ang maganap, pinapaalalahanan ang Daga na hindi naman dapat sila magmadali o magpadalus-dalos ng pagkilos ngayong taon.
Nangyaring ganu’n, dahil may babala na sa sandaling nagmadali ng desisyon o pagpapasya ang isang Daga, at hindi nag-ingat sa kanyang mga hakbang at pagkilos, mas malaking halaga ng salapi ang agad na matutunaw at mawawala.
Kaya naman, ang paalala para sa mga Daga ay ‘wag basta maglalabas ng malaking halaga ng salapi. Sa halip, ang mas magandang gawin ay pag-isipan munang mabuti, kung dapat bang bitawan ang perang hawak sa isang negosyo o sa isang venture na hindi mo naman kabisado kung ano bang transaksiyon ang papasukan.
Ang epektibong pormula na dapat ipatupad ng isang Daga sa taong ito, higit lalo sa career, negosyo at sa aspetong pagkakaperahan ay ang diskarteng slowly but surely, kumbaga hinay-hinay lang. Dibaleng maliit lang ang tubo, makakatiyak ka naman na maibabalik ang pera mo.
Gayundin pagdating sa pakikipagrelasyon, hindi ka dapat magmadali, dahil kapag minadali mo ang pag-ibig, madali rin itong mawawala at maglalaho.
Sa halip, hayaan mong kusang mahinog ang pagkakaibigan, hanggang sa unti-unting maramdaman ang isang tunay at wagas na pagmamahalan.
Kapag ganyan ka, maiiwasan mo ang kabiguan sa taong ito ng 2025 at mas madali mong matatagpuan ang isang lalaki o isang babaeng nakalaan sa iyo na makakasama mo habambuhay.
Kaya tandaan, kapag hindi ka nagmadali, tiyak ang magaganap sa buong taong ito ng Year of the Wood Snake, walang duda, aani ka ng tagumpay hanggang sa unti-unti na ring madoble ang iyong ipon at kabuhayan.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
MGA MASUWERTENG BUWAN NG “TAONG DAGA”, ALAMIN!
Mar. 11, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rat o Daga.
Sa propesyon, sinasabing ang Daga ay higit na umuunlad, nagtatagumpay at lumiligaya kung ang kanyang magiging trabaho ay isang manunulat, teacher, historians, at troubleshooters.
Nangyaring ganu’n, dahil para sa isang Daga, kapag may problema ang isang kumpanya o personal niyang mga kaibigan, madali siyang nakakatulong o nakakatugon dahil mahusay siyang umisip ng unique o kakaiba pero epektibong paraan upang malutas ang anumang uri ng suliranin.
Dagdag dito, sa panahon ng krisis o kaya ay may mabigat na problema, maaasahan din ang Daga dahil sa panahong mas mahirap solusyunan ang mga suliranin, lutang na lutang naman ang husay at galing ng isang Daga sa pagdedesisyon at diskarte.
Kaya naman ang isang Daga ay sinasabing magiging mahusay na manager o kaya’y CEO, dahil may kakayahan din siyang pamahalaan ang maraming mga tao, at kaya rin niyang patakbuhin ang isang opisina o kaya’y isang malaking kumpanya.
Pagdating naman sa pag-ibig, tahimik lang ang isang Daga, at sa maraming pagkakataon, nahihirapan siyang i-express o ihayag ang kanyang nararamdaman.
Kaya kadalasan, ang mga Daga ay matagal o medyo nale-late ang edad bago makapag-asawa at kung minsan hindi rin nila gaanong nalalasahan ang masarap at nakakabaliw na karanasan.
Iniiwasan din kasi ng Daga na mahulog sa nakakabaliw na tunay at hangal na pag-ibig. Subalit, ang nakakagulat kapag nabuhay mo na ang damdamin ng isang Daga o nahuli mo na ang kanyang kiliti, tunay namang todo-bigay siya.
Katugma naman ng Daga ang masipag at masikap na Baka, tapat at maangas na Dragon at positibong Ahas. Natutulala rin ang Daga sa masayahin na pagkatao ng isang Unggoy.
Gayundin sa Daga, Tigre, Baboy at kapwa niya Daga.
Hindi naman katugma ng Daga ang makasarili at aburidong Kabayo, ganundin ang mayabang na Tandang.
Sa taong ito ng Wood Snake, likas namang magiging masuwerte ang Daga mula sa ika-5 ng Abril hanggang ika-5 ng Mayo, mula ika-1 ng Agosto hanggang ika-29 ng Agosto, mula sa ika-16 ng Nobyembre hanggang sa ika-25 ng Disyembre at mula sa ika-26 ng Disyembre hanggang sa ika-24 ng Enero 2026.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
KARANGYAAN, NAKAGUHIT SA KAPALARAN NG “TAONG DAGA”
Mar. 9, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032, ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rat o Daga.
Bukod sa pagiging mabait at matulungin, ang isa pang napakagandang balita para sa isang Daga, sa lahat ng animal signs na pinatawag ni Lord Buddha, ang Daga ay isa sa mga yumayaman.
Sinasabing kahit na minsan ay may pagkabulaksak at galit sa pera, nakapagtatakang yumayaman pa rin ang mga Daga. Nangyaring ganu’n, dahil tulad ng nasabi na, ang mga Daga ay likas na masuwerte. Hindi lamang sa pagnenegosyo, dahil suwerte rin sila sa aspetong pangmateryal na bagay.
Kaya bihirang-bira ka makakakita ng isang Daga na mahirap at kung sakaling makakita ka ng isang Daga na mahirap, ang karanasang ito ay tiyak na panandalian lang, dahil walang duda, darating at darating din ang eksaktong panahon na itinakda ng kapalaran na uunlad din siya hanggang sa tuluyang yumaman.
Ganito ang kapalaran ng Daga, dahil pinaniniwalaang pinapatnubayan sila ng napakasuwerteng planeta na Jupiter.
Ang kinaganda pa nito, kapag ang Daga ay maunlad na, mas lalo niyang naa-appreciate ang value o halaga ng salapi, kaya naman lalo siyang yumayaman.
Ginagawa niya ang magpayaman nang husto, dahil alam niya ang kahalagahan ng pera.
Ang nakakatuwa pa sa isang Daga, sinasabing kapag nararamdaman niyang sumosobra na ang kanyang kayamanan, hindi pa rin siya nagiging gahaman sa salapi. ‘Yung iba kasing napakayaman o super-yaman, lalong nagiging sakim at gahaman sa pera, pero hindi ganu’n ang Daga. Sa halip, mas nagagawa niyang mamigay, lalo na sa mga taong alam niyang may malalim na pangangailangan.
Kaya naman, mas lalo pa siyang yumayaman, dahil ang pamimigay na ginagawa nila ay binabalik lang din sa kanila ng langit.
Bukod sa yumayaman, madalas din silang matagpuan ang Daga na naaabot nila ang lahat ng kanyang maluluhong mga ambisyon at pangarap, tulad ng paglalakbay, pagpapagawa ng maganda at magarang bahay, nakakapag-asawa ng sikat at sinusuwerte rin sila sa aspetong panlipunan.
Kaya kung isa kang Daga at kasalukuyan kang naghihirap, ‘wag kang mawawalan ng pag-asa, dahil tiyak na yayaman at uunlad ka rin, lalo na sa career at pangkabuhayan.
Naniniwala ang mga sinaunang Chinese Astrologers, na sadyang ipinanganak ang Daga, hindi para mabigo o malungkot sa buhay, bagkus bago pa sila isinilang, kakambal na nila ang suwerte at magandang kapalaran, hindi lamang sa salapi kundi sa halos lahat ng aspeto ng kanilang buhay.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Itutuloy…
ALAMIN: DAHILAN KUNG BAKIT SINUSUWERTE ANG MGA “TAONG DAGA”
Mar. 8, 2025
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rat o Daga.
Kilala ang mga Daga bilang ambisyoso at may mataas na pangarap. Kaya kung isa kang Daga, huwag ka mangarap ng simple, dapat mangarap ka ng mataas dahil tiyak na matutupad ang mga ambisyon mo sa buhay.Kung gusto mo namang yumaman, itodo mo na, dahil malaki ang posibilidad na mangyari ito. Samantala, kung nais mo namang ma-promote sa trabaho, pangarapin mong makuha ang pinakamataas na posisyon, dahil tiyak na matutupad ito.Kaya ngayong Wood Snake, anuman ang pangarapin mo, tiyak na maisasakatuparan mo ito ngayong 2025. Gayunpaman, dahil patuloy na umaangat ang posisyon ng Daga, hindi maiiwasang may mga taong maiinggit sa iyong tagumpay, maging katrabaho, kaibigan at kamag-anak.
Subalit, ang katotohanan na hindi alam ng karamihan, kahit gaano kataas ang narating ng isang Daga, sa kaibuturan ng kanilang puso, hangad pa rin nila ang tumulong sa kanilang kapwa, lalo na sa mga mahihirap.
Kaya lumalabas ang Daga sa kanyang lungga upang mamahagi ng kanyang suwerte, namimigay ng pera at kadalasan ay tumutulong din siya sa mga taong labis na nangangailangan at walang maaasahan.
Sa madaling salita, mababait ang mga Daga, lalo na sa mga taong napapamahal sa kanila. Mapag-aruga at maunawain ang mga Daga, lalo na pagdating sa kanilang pamilya at sa mga taong alam nila na walang ibang maaasahan sa buhay, tulad ng mga batang iniwan na ng kanilang mga magulang, mga pulubi na namamalimos at mga matatanda na halos nakalimutan na ng kanilang mga anak.
Dahil sa pagiging mabuti ng isang Daga sa mga taong kapus-palad at pinagkaitan ng magandang buhay, ang dahilan kung bakit patuloy pa rin silang pinagpapala at binibigyan ng mga biyaya at suwerte, higit lalo kapag ang isang Daga ay nasa kalagitnaan na ng kanyang edad, lalo silang nagtatagumpay sa career at sumasagana sa aspetong pangkabuhayan at sa materyal na mga bagay.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
Itutuloy…
“TAONG DAGA”, YAYAMAN NANG BONGGA
Mar. 7, 2025
Nitong nakaraang mga araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging sadlakang kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong Wood
Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rat o Daga.
Bagama’t mahilig mag-shopping ang mga Daga, hindi naman iyon nangangahulugan na
gastador sila. Sa katunayan, sila pa nga itong matitipid at sobrang masinop pagdating sa pera.
Parang bahagi na ng kanilang hilig ang pamimili, ngunit kapag pera na ang usapan, lalo na kung uutangan mo sila, hindi sila basta-basta nagpapahiram, kahit pa matalik mo silang kaibigan.Mauunawaan mo naman kung bakit labis na pinahahalagahan ng mga Daga ang kanilang pera, dahil alam nila ang tunay na halaga at hirap nito.
Kaya naman, kapag may nahawakang malaking halaga ang Daga, hirap na hirap silang gastusin ito, lalo na kung may mangungutang o manghihiram na hindi naman marunong magbayad.
Sapagkat, alam ng mga Daga na ang naipong pera ay hindi lang basta yaman kundi simbolo rin ng seguridad at kapangyarihan. Kaya naman, kapag marami silang naitabi, napapanatag ang kanilang kalooban, relaxed at lubos ang kanilang kasiyahan. At siyempre, hindi rin dapat kalimutan na sa taong 2025 at sa buong buhay ng isang Daga, ang kanilang likas na kakayahan sa paghawak ng pera ay isang dahilan kung bakit marami sa kanila ang yumayaman.
Ang mga Daga kasi ay praktikal, medyo kuripot at may pagkamateryoso na habang tumatanda ay mas lalo pa silang nagiging mas maingat sa pera.
Kaya kung ikaw ay isang Daga, tulad ng nabanggit, garantisado sa taong ito ng Wood Snake, magkakaroon ka na ng limpak-limpak na salapi. Ipunin at itabi mo ito, dahil ang perang mahahawakan mo ngayon ay tiyak na madodoble sa loob ng anim hanggang pitong taon. Ibig sabihin, ang taong 2025 ay isang malinaw na hudyat na ito na ang simula ng iyong pag-asenso, hindi lang basta pagyaman, kundi posibleng maging ubod ng yaman.
Tulad ng Dragon… YEAR OF THE RAT, SUWERTE SA LAHAT NG ASPETO
Mar. 6, 2025
Nitong nakaraang mga araw ay natalakay na natin ang magiging kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy.
Sa pagpapatuloy ng ating diskusyon, tatalakayin naman natin ngayon ang pangunahing ugali at magiging sadlakang kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong Wood Snake.
Kung ikaw ay isinilang noong taong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020 at 2032 ikaw ay napapabilang sa animal sign na Rat o Daga.
Sinasabing ang Daga o Rat ay siya ring zodiac sign na Sagittarius sa Western Astrology na may ruling planet na Jupiter.
Para sa kaalaman ng lahat, ang Jupiter ang isa sa pinakamasuwerte at mapalad na planeta, higit lalo sa larangan ng salapi, pakikipagsapalaran, career at lahat ng uri ng promotion at expansion.
Kaya kung ikaw ay isang Daga, umasa kang magtutuluy-tuloy na ang iyong pag-unlad at pag-asenso, higit lalo sa larangan ng salapi, materyal na bagay at pati na rin sa larangan ng pamumulitika, social recognition at achievement na tinatawag.
Dagdag dito, “smooth” din ang magiging kapalaran ng mga Daga ngayon, ‘yun bang wala gaanong sagabal o problema sa tinatahak niyang pangarap, lalo na kung sila ay isinilang sa umaga hanggang sa katanghaliang tapat.
Kaya kung ikaw ay isang Daga na umaga ipinanganak, walang duda, tiyak na mas magiging maunlad, masuwerte at maganda ang iyong kapalaran kung ikukumpara sa kapatid mong Daga na isinilang sa hapon o gabi.
Subalit, kung ikaw naman ay isang Daga na isinilang sa gabi at madaling araw, sinasabing may mga mabibigat na pagsubok ka munang hahawiin bago mo tuluyang mapitas o makamit ang mga gintong pangarap at ambisyon mo sa buhay.
Dahil ang Daga ang unang nakarating sa palasyo ni Lord Buddha, sinasabing bukod sa energetic at talaga namang napakasigla – ang Daga ay kilala rin sa pagiging matalino at optimista.
Kumbaga, lagi silang nakapokus sa magaganda at masasayang bahagi ng kanilang buhay.
Kaya naman, naoobliga tuloy ang langit na sila ay bigyan ng suwerte at magagandang kapalaran.
Kaya bukod sa Dragon, ang Daga ay isa rin sa laging sinusuwerte at pinapalad sa kahit ano’ng eksena, pangyayari at pangarap.
Bukod sa pagiging masayahin, mahilig din sila makipagkaibigan at gustung-gusto nilang inaaya sila ng kanilang mga kaibigan sa galaan at lakaran, lalo na sa mga pamamasyal at pagsha-shopping.
Nakakatuwa namang kahit pa mag-shopping nang mag-shopping ang mga Daga at mamili pa ng mga bagay na walang kabuluhan, tila pinagpapala talaga itong mga Daga ng mismong langit, dahil nakapagtatakang hindi sila nauubusan ng pera. Oo, kapag malapit nang maubos ang kanilang budget, may darating pa rin na biyaya sa kanila at kadalasan ay hindi na nula alam kung paano at saan nanggaling ang nasabing grasyang iyon na tila bigla na lang ibinalibag talaga sa kanila ng langit.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
ALAMIN: ANIMAL SIGNS NA SWAK SA PERSONALIDAD NG MGA “TAONG BABOY”
Mar. 5, 2025
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2025 o Year of the Wood Snake.
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy.
Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.
Bagama't may mararanasan na panandaliang kabiguan sa pag-ibig ang isang Baboy, hindi rin naman ito magtatagal, dahil nakalaan para sa isang Baboy ang isang maligaya, masarap, at panghabambuhay na pag-ibig sa piling ng kanyang minamahal na pamilya.
Ibig sabihin, kahit na makaranas pa ng maraming kabiguan sa pag-ibig ang isang Baboy, makakatagpo pa rin siya ng isang panghabambuhay na pag-ibig – dahil ang bagay na ito ay sadyang nakatakda sa kapalaran ng isang Baboy.
Ka-compatible naman ng Baboy ang Tigre, kung saan tuturuan siya nito upang lalong tumapang at magkaroon ng dagdag-kulay at pakikipagsapalaran sa kanyang buhay.
Samantala, katugma rin ng Baboy ang mabait at tahimik na Tupa, gayundin ang sopistikadong Kuneho.
Kapag kasama ng Baboy, Tupa at Kuneho, siya ay magiging kampante at masaya, gayundin, tiyak na mauunawaan ng Tupa ang ugali ng Baboy na sobrang mapagbigay dahil halos ganundin ang ugali niya. Tugma rin sa Baboy ang Daga, Baka, Dragon, Kabayo, Tandang at Aso dahil ang lahat ng animal signs na ito ay uunawain ang pagiging masayahin at pa-easy-easy na buhay ng Baboy. Gayunman, hindi lang makakasama ng Baboy ang mga ito kundi lagi pa sasang-ayunan ng nasabing animal signs ang kagustuhan at hilig ng Baboy, kaya sila ay makatitiyak ng masarap at maligayang pagpapamilya habambuhay.
Samantala, kung ikaw ay isang dalaga o binatang Baboy, may babala na sa taong 2025, matapos na umibig at makipagrelasyon sa una, may darating na namang ikalawa, ikatlo, at marami pang masasarap ngunit panandaliang relasyon lang.Kaya ngayong 2025, hindi dapat masyadong seryosohin ng Baboy ang anumang pag-ibig at pakikipagrelasyon, dahil ang relasyong mabubuo sa taong ito ng Wood Snake ay maaaring hindi naman magtagal.
At para naman sa mga Baboy na may kani-kanya ng asawa, may pahiwatig din na maaaring mabuntis o makabuntis kayo ngayong Wood Snake, sinadya man o hindi ng Baboy na magkabeybi – tiyak namang magdadala ng suwerte at ligaya ang isisilang na sanggol, hindi lang sa pang-araw-araw na buhay, kundi sa lahat ng aspeto.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2025 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2025.
Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong taon.
YEAR OF THE PIG, HANDANG TUMULONG SA MGA KAPUS-PALAD
Mar. 4, 2025
Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy.
Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.
Pagdating sa pakikipagkapwa-tao, higit na mapagbigay ang Baboy kung ikukumpara sa iba pang animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo.
Kaya kung meron talaga siyang maibibigay, hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa, dahil handa ang Baboy na tumulong sa sinuman.
Ang nakakatuwa pa sa ugali ng isang Baboy, mas willing pa siyang magbigay kesa tumanggap, dahil nga napaka-generous ng puso at pagkatao ng isang Baboy, lagi tuloy siyang binibiyayaan ng magagandang kapalaran ng langit.
Ang isa pang magara sa pagkatao at kapalaran ng isang Baboy, bagama’t bigay siya nang bigay sa mga nangangailangan at sa mga taong malalapit sa kanya, hindi naman siya nauubusan ng suwerte at mga pagpapalang galing mismo sa langit.
Sinasabi ring sa 12 animal signs na pinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, ang Baboy ang nag-iisang sobrang close at mapagmahal sa kanyang mga magulang.
Kaya naman, kapag siya ay nagkaanak, grabe rin ang pagmamahal na ipaparamdam niya, na kung saan handa niyang ibigay ang lahat na halos hindi niya napapansin na nai-spoiled niya na pala ang kanyang mga anak.
Pagdating naman sa pag-ibig, madaling umibig at magmahal ang Baboy, subalit kung ang pagmamahal na ito ay hindi naman gagantihan ng kapwa pagmamahal – hindi ka na niya patuloy pang mamahalin.
Sa halip, ang mas madalas mangyari, dahil wala kang gusto sa kanya, oo nga’t mananatili ang pagtingin niya sa iyo, subalit unti-unti na siyang didistansya sa mga taong ‘di naman siya pinapahalagahan.
Ayaw na ayaw din ng Baboy na hindi sila pinagtutuunan ng pagmamahal o pagkalinga.
Kapag ganu’n ang nangyari, ‘yun bang napansin na ng Baboy na binabalewala mo lang siya, habang siya’y nagsasakripisyo at nagmamahal – tunay ngang wala sa bokabularyo ng isang Baboy ang magtiis ng mahabang panahon. Sa halip, ang tiyak at siguradong mangyayari ay kukuha lang siya ng tamang timing o pagkakataon upang agad na niyang mawakasan ang relasyong siya lang ang nagpapahalaga, nag-iingat at nagmamahal.