top of page
Search

ni BRT | February 1, 2023




Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga bumibili ng ‘frozen eggs’ bilang alternatibo sa mahal na presyo ng sariwang itlog sa merkado. Ayon sa DOH, maaaring food poisoning ang kabagsakan dahil sa Salmonella at E. coli bacteria.


“Alam n’yo po, ang itlog kapag na-subject siya sa extremes of temperature, puwede po siyang magbreed ng organismo na maaaring makasama sa ating katawan,” babala ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire.


Sinasabing kinukuha sa inipong basag na itlog ang laman ng supot ng frozen eggs sa merkado. Mabili ito lalo na sa mga panaderya.


“Hindi po namin sinasabi na lahat ‘yan ay magkakaroon ng kontaminasyon, pero ‘yung probabilidad at saka ‘yung risk para kayo ay magkasakit dahil na-contaminate ‘yung itlog ough this freezing process, ay maaari pa hong maging harm kaysa maging good sa inyo,” dagdag pa ni Vergeire.


 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 6, 2022


Hello, Bulgarians! Mahilig ka ba magmerienda? Narito ang sagot ng Mang Inasal, the country’s “Ihaw-Sarap” expert, magkakaroon ng special Empanada Blowout ngayong Oktubre 10!


Gawing kakaiba ang araw na ito sa pamamagitan ng pag-avail ng eksklusibong deal, kasama ang iyong mga kaibigan at miyembro ng pamilya. Mag-enjoy sa ₱20 na diskwento ng malutong, chunky, at chicken-sarap na Empanada sa halagang ₱29 lamang kada piraso via dine-in, takeout o delivery sa Mang Inasal stores nationwide.



Gayundin, ang mga voucher para sa 10.10 Empanada Blowout ay available sa Share Treats, Shopee at Lazada website and apps. Available ang redemption sa pamamagitan ng dine in, regular takeout, Call & Pick up, at Park, Order & Go -- valid sa loob ng 60-araw lamang mula sa araw na matanggap ang mga voucher.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 30, 2022



Itinanghal bilang ‘best rated soup in 2021’ ang Sinigang na Baboy, ayon sa food and travel website TasteAtlas.


Inilabas ang listahan noong Biyernes kung saan No. 1 ang sinigang na baboy sa top 100 list sa soup category na may rating na 4.7 out of 5.


Ito ay inilarawan bilang “a unique soup that is a true representative of Filipino cuisine” na may “sour lightness perfectly matching the harsh tropical heat of the country.”


“This variety of sinigang—Filipino savory and sour soup—consists of various pork cuts that are simmered along tamarind fruit. Tomatoes, onions, garlic, okra, white radish, water spinach and green long peppers are also commonly used for this soup,” ayon sa TasteAtlas.


Samantala, ang pambato ng Pilipinas na sinigang ay kabilang din sa No. 3 list ng vegetable soup na may rating na 4.6.


“Sinigang is a sour Filipino soup consisting of sampalok (fruits of the tamarind tree), water spinach, green pepper, cabbage, broccoli, eggplant, diced tomatoes, sliced onions, ginger, green beans, water, and salt. The basic broth usually consists of rice washing, with the addition of a souring agent,” ayon pa rito.


Nakalahad din sa website na ang sinigang ay “traditionally served hot and steaming as a main dish, with rice as its accompaniment. It is an often seen dish at special occasions such as birthdays or weddings, and over time, as the dish became more popular, there were new variations that used guava or raw mango instead of sampalok and each region developed their own version of the popular soup.”


Maliban sa sinigang, ang mga pagkaing Pinoy na tampok din sa TasteAtlas Awards 2021 ay lumpia, na No.2 best-rated side dish, at sisig at adobo na rank 72 at 81 sa listahan ng 100 best dishes in the world.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page