ni Thea Janica Teh | July 6, 2020
Hook na hook ang mga Pinoy ngayong quarantine sa mga Korean dramas. Isa na rito ang CLOY, The King at marami pang iba. Kaya naman siguradong natakam kayo sa mga food na kinakain nila especially sa kimchi!
Kaya don’t worry mga bes, dahil kahit nasa ‘Pinas tayo ay matitikman natin ang kimchi na favorite ng ating K-drama Lodi. Ito ang mga list ng store na maaari nating mabilhan ng kimchi sa Metro Manila:
This Kimchi- Ang Kimchi na ito ay all natural, lacto-fermented at vegan-friendly. Maaari kang mamili sa Classic Vegan Spicy Kimchi, White Vegan Kimchi, Cucumber Kimchi, Radish Kimchi at Bok Choi Kimchi. Para makabili, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page sa https://www.facebook.com/ThisKimchi/.
L’Shef- Bukod sa masarap at healthy ang kanilang Kimchi, kilala rin ang L’Shef sa pag-donate nito sa mga farmer at fisherfolk sa bawat bili ng kanilang produkto. Nakakain ka na ng masarap na kimchi, nakatulong ka pa sa kapwa mo. Ito ay mabibili via Lalafood, Grabfood, Zomato at Meals.ph.
Assi Fresh Plaza- Bukod sa home-maid version nito ng kimchi, available din sa kanila ang Jongga Yeolmoo kimchi at Jongga fermented kimchi. Ito ay mabibili sa GrabMart.
Sachi Kimchi- Mayroon itong “secret kimchi paste” na inihahalo sa repolyo na lalong nagpapasarap at naiiba sa lahat ng kimchi. Ito ay mabibili ng P180/300 grams; P300/500 grams at P600/one kilogram. Para makabili bisitahin lamang ang kanilang Instagram Account sa @sachikimchi.
Appa Kim PH- Ito ay gawa sa original family ng kanilang pamilya kaya naman “Appa” o daddy ang tinawag dito. May iba’t iba itong flavor tulad ng Baechu kimchi, traditional napa cabbage kimchi at Oi Sobagi o stuffed cucumber kimchi. Para makabili, i-message lamang sila sa kanilang Instagram account na @appakimph.
Siguradong magiging perfect ang agahan tanghalian at hapunan niyo kung ipa-partner sa kimchi. Mashisoyo!