ni Lolet Abania | July 13, 2020
Sa patuloy na pananatili sa bahay, hindi natin namamalayan ang paglaki ng katawan lalo na ang ating belly. Hindi maganda sa kalusugan ang pagkakaroon ng belly fat o bilbil. Kaya narito ang mga pagkaing ipinapayo ng mga nutritionist para maging malusog at hindi bilbilin kahit stay-at-home lang.
Avocado. Puno ng nutrients at nagbibigay ng good fat na may fiber, antioxidants, vitamins at minerals, kasama dito ang postassium na sumusuporta sa puso at nagre-regulate sa blood pressure. Ang avocado ay nag-aalis ng sobrang sodium at fluid sa ating katawan. Ang madalas na pagkain nito ay nakababawas ng visceral belly fat o bilbil na lumalabas lalo na pag nagkakaedad.
Mani. Mayroon itong healthful fat na nagbibigay protein, antioxidants, fiber at maraming vitamins at minerals. Para sa adults mainam na kumain nito dahil may magnesium ito na sumusuporta mental health at pagtulog. May mga pag-aaral na ginawa na ang pagkain ng iba't ibang klase ng nuts ay nakakababa ng BMI at blood pressure kesa hindi eaters nito. Makikita rin na maliliit ang waist line nila na nagpapatunay na walang malaking belly fat.
Salmon. Importante ang Vitamin D lalo na sa immunity, bone-density regulation at mental health. May research na lumabas na ang pagkakaroon ng low blood vitamin D level ay kasabay ng paglaki ng buong katawan at pagkakaroon ng visceral belly fat sa babae ganundin sa lalaki. Ang wild salmon o salmon ay isa sa pinagmumulan ng vitamin D na kahit four ounce lang nito ang kainin ay magbibigay ng 80% na kailangan daily na vitamin D. Sakaling walang salmon, may ibang alternatibo tulad ng plant milks o vitamin D supplement na mayroong 800-1000 IU ng vitamin D.
Whole grain. Ito ay health-protective na nakababawas pa ng belly fat. May pag-aaral na ginawa sa Framingham Heart Study sa 2,800 participants, nagresulta na ang pagkain ng whole grains ay nakatulong ng husto sa subcutaneous at visceral belly fat na hindi lumaki kesa doon sa eaters ng refined grains, white bread, rice, pasta na nagkabilbil. Ang corn o mais ay isa ring whole grain.
Lentils. Pamilya ito ng monggo, na nutritious at gluten-free. Puno ng protein, minerals, vitamins, antioxidant at higit sa lahat may pinakamaraming fiber. May soluble fiber ito na tina-track ang belly fat. Nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng regular bowel movement at lower cholesterol.
Maging conscious palagi tayo sa ating kalusugan at pangangatawan para may panlaban tayo sa anumang sakit o karamdaman.