ni Fely Ng @Bulgarific | Dec. 19, 2024
Hello, Bulgarians! Pormal na isinagawa kamakailan ng Pag-IBIG Fund ang partnership nito sa Office of Transportation Cooperatives, upang palawakin ang financial and housing opportunities para sa mga trabahador sa buong bansa.
Dumalo sa ceremonial signing sina Rizal Transportation Cooperatives Chairperson Arcadio Inso, Pag-IBIG Fund Deputy CEO Alexander Aguilar, Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega, Office of Transportation Cooperatives Chairperson Misael Melinas, at National Federation of Transport Cooperatives Chairperson Reymundo De Guzman, Jr.
Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, layunin ng Pag-IBIG Fund at ng Office of Transportation Cooperatives na tulungan ang mga transport worker na magparehistro sa Pag-IBIG, bumuo ng ligtas na ipon para sa kanilang kinabukasan, at makamit ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng bahay sa pamamagitan ng accessible at abot-kayang home financing.
Ang partnership na ito ay nagsisilbing testamento sa pangako ng Pag-IBIG Fund na iangat ang buhay ng mga manggagawang Pilipino, na sumasalamin sa ika-44 na anibersaryo na may temang, Isang Pag-IBIG: Kasama sa Pagtupad ng Pangarap.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.