ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 22, 2025
Photo: Jennylyn Mercado, Bea at John Lloyd - Instagram
Sa GMA Network YouTube (YT) channel, masayang binalikan ni Jennylyn Mercado ang panahon na nakatrabaho niya si John Lloyd Cruz (JLC) sa isang pelikula.
Hindi pa raw siya sumasali noon sa StarStruck, at talent o extra lamang siya sa isang Bea Alonzo at John Lloyd movie.
Hindi rin niya akalain na may dialogue siya at pagseselosan pa ni Bea.
Dahil baguhan pa lang siya noon, sobrang excited si Jen na makasama si JLC na super-sikat na noon.
Naikuwento rin ni Jennylyn ang paglahok niya noon sa StarStruck. Sila ni Mark Herras ang nanalong first female and male SS Survivor.
Dalawampung taon nang bahagi ng GMA Network si Jennylyn. Marami na siyang nagawang serye rito. Ang huli niyang serye ay ang Love, Die, Repeat (LDR).
Ngayon, sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa GMA-7, natutuwa ang kanyang mga tagahanga dahil certified Kapuso pa rin si Jennylyn Mercado.
Sobra rin siyang thankful sa muling pagtitiwala ng network sa kanyang kakayahan.
Masaya sila ng kanyang asawang si Dennis Trillo dahil magkasama pa rin sila sa iisang network.
Tall, dark and handsome na national athlete…
DEAN ROXAS, BAGONG BF NI GENEVA
MAY bagong boyfriend ngayon si Geneva Cruz pagkatapos ng limang taon na pagiging single at pagpapahinga ng kanyang puso.
May dalawang anak na si Geneva sa magkaibang karelasyon - ang panganay ay si Heaven na anak nila ng singer na si Paco Arespacochaga, bunso naman niya si London Cruz, na anak niya kay Lee Paulsen.
Ngayon, ang national athlete na si Dean Roxas (jiu-jitsu) ang bagong boyfriend ni Geneva. Muli siyang umibig dahil sa mga katangian ng atleta.
Bukod sa pagiging “tall, dark, and handsome”, matalino, funny, sexy, respectful, at mahal ni Dean ang kanyang pamilya.
Sobrang na-inspire si Geneva sa nobyo dahil napaka-supportive raw nito at tinutulungan siyang maging better person.
Wish naman ng mga kaibigan ni Geneva Cruz na mahanap na niya ang kanyang “one true love” sa katauhan nito. Nabigo man siya noon sa mga unang karelasyon, marami ang umaasang matatagpuan na niya si Mr. Right.
ANG aktor at dating konsehal ng QC na si Hero Bautista ang nahalal na bagong pangulo ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) ngayong taon.
Last year, si Imelda Papin ang namuno sa KAPPT. Pero dahil sa kanyang appointment bilang isa sa Board of Directors sa PCSO, kinailangan niyang iwanan ang kanyang puwesto sa “Actors Guild”.
Si Hero, na dating VP for Internal Affairs ng KAPPT ang successor ni Papin batay sa by-laws ng asosasyon, kaya siya ang mamumuno ngayon sa samahan.
Nangako naman si Imelda Papin na makakaasa ang mga miyembro ng KAPPT ng tulong (medical assistance) mula sa PCSO kung kailangan nila ito.
Ngayon masusubok ang leadership ni Hero sa Actors Guild na dating pinamunuan nina FPJ, Rudy Fernandez, German Moreno, Phillip Salvador, ER Ejercito, atbp..
Sana naman ay makiisa at makipagtulungan ang lahat ng members ng KAPPT para sa mga makabuluhang proyekto para sa lahat.
ONGOING ngayon ang paghahanap at pagpapa-audition ng WaterPlus Productions para sa bubuoin nilang P-Pop girl group na D’ Bodies: Next Gen.
Siyam na lucky ladies na makakapasa sa final round ang ite-train sa singing at dancing skills, at ilo-launch pagkatapos ng final selection.
Maraming young ladies ang nag-audition at masasabing talented at may future.
Mismong ang lady producer ng WaterPlus Productions na si Marynette Gamboa at si Direk Efren Reyes, Jr., kasama sina Direk Armando Reyes, composer na si Boy Christopher, at ilang media people, ang sumaksi sa audition at nagbigay ng score sa mga aplikante.
Mala-BINI ang gagawing build-up sa mapipiling bubuo ng D’ Bodies: Next Gen. Agad din silang bibigyan ng exposure sa Thailand at isasama sa cast ng bagong movie ng WaterPlus Productions, ang Marawi.