ni MC @Sports | July 25, 2023
Idinagdag ang Esports sa listahan ng events na lalaruin sa 2023 Palarong Pambansa sa Marikina sa Hulyo 29. Tanging isang titulo, Mobile Legends Bang Bang (MLBB) ang itatampok sa inaugural Palaro esports tournament.
Ang mismong alkalde ng Marikina ang nagsagawa ng anunsiyo sa national meet's press launch sa Marikina Sports Center noong nakaraang Biyernes. Ang Esports ay magsisilbing demonstration sport.
"We chose the most accessible game for the Palaro. Most of the Filipinos right now use their mobile phones to actually play the game, so Mobile Legends muna ang ni-recommend namin sa board (so it is the first game we recommended to the board)," ayon kay Marlon Marcelo, ang executive director ng Philippine Esports Organization (PESO).
Ang PESO ang babalikat para tulungan ang Marikina City government, ang Department of Education, at ang Philippine Sports Commission sa pag-organisa ng Palaro MLBB event.
Idinagdag pa ni Marcelo na ang ibang esports titles, tulad ng Defense of the Ancients (DOTA) 2 at Valorant ay idadagdag sa event oras na ang esports ay maging opisyal nang bahagi ng Palaro, maaring sa susunod na torneo sa isang taon.
Nagbi-bid na ang Cebu City, Antique, at Negros Occidental para makuha ang hosting rights ng 2024 Palaro habang kinokonsidera ang kakayahan ng kanilang ekonomiya.
Ang capital city ng Cebu at Negros Occidental - ang Bacolod ay maaring magpagamit ng mas malaking venues ng esports event at marami pang titulo ang lalaruin.
Sa ngayon, ayon kay Marcelo, ang layunin ay mapagtagumpayan ang pagdaraos ng 2023 Palaro MLBB event. "Since this is a demo sport, we would want to make sure that everything is smooth as possible on the first try. Mas madali kasing i-organize yung MLBB, to be honest, just because Valorant and DOTA 2 require PCs (personal computers) and a very stable Internet connection, so it's really one of the optics na kailangang ayusin (that we have to fix)," aniya.