ni Rey Joble @E-Sports | March 27, 2024
Nanatiling wala pa ring bahid ang paborito sa titulong AP Bren Sports at ipakita ang kanilang hangaring makuhang muli ang kampeonato ng MPLPH Season 13.
Winalis lahat ng AP Bren ang kanilang mga katunggali sa walong laro upang mapanatili ang liderato.
Sa ikaapat na pagkakataon, ipinakita ng AP Bren ang kanilang pagdomina sa torneo matapos walisin ang isa na namang kalaban – ang Minana Evos, 2-0. Pumapangalawa sa AP Bren ang Echo Express na may natipong walong panalo sa siyam na laro habang nasa ikatlong panalo ang Onic na may nakolektang anim na panalo sa walong laro.
Naiposte ng Echo ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos blangkahin ang TNC Pro Team, 2-0.
Ito ang ikaanim na talo sa siyam na laro ng Minana na kasalukuyang umuokupa sa ikalimang puwesto sa torneo na kinabibilangan ng walong koponan. Ipinoste naman ng Onic ang kanilang ikatlong panalo sa isang serye matapos dominahin ang Minana.
Inilabas ng Onic si Duane “Kelra” Pillas’ Freya na siyang naging susi sa kanilang panalo.
Sa laban kontra Minana, tila walang awat ang Onic at nadala pa nila ito sa laro kontra Omega. Halos perpektong laro ang ipinamalas ng Onic kung saan walang nasalanta sa mga manlalaro laban sa Omega.
Sa ikalawang laban, gumawa ng kanilang bagong estratehiya ang Omega kung saan nagkaroon ng palitan ng mga manlalaro kabilang dito sina John Paul “H2wo” Salonga, CJ “Ribo” Ribo Jr., Dexter “Exort” Martrinez, Nowee “Ryota” Macasa, at Jomari “Jown” Pingol, pero lumabas na mas handa ang Onic.
Sa isa pang laro, nakabawi ang Echo kontra RSG, 2-1. Matatandaang tinalo ng Raiders ang Echo sa kanilang MPL Invitational sa Indonesia noong Nobyembre ng nakaraang taon.