ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 15, 2021
Siyam na kabayo ang inihahanda sa nalalapit na pagsagupa sa 2021 Philracom Triple Crown na magaganap sa alinmang karerahan ng Metro Manila Turf Club,Inc (MMTCI), Manila Jockey Club,Inc (MJCI) at Philippine Racing Club, Inc.(PRCI).
Kahapon nagharap ang mga kalahok sa MMTCI, ang 3 Year Old Maiden Trial Race na magsisilbing batak sa mga kabayong sasali sa karera.
Maghaharap ang mga kalahok na sina Roll Da Dice, Kain Touch Me, War Cannon, Gold Rush, Alamat ni Manda, Moment of Truth, Impressive Victory, Club Havana, at Momod Ok Falls.
Binibigyan ng panalo ang Alamat ni Manda na pag-aari ni Horse owner Atty.Benhur Abalos,na inaasahan na makukuha ang korona ng Triple Crown ngayong 2021.
Si Abalos din ang nakakuha ng 2020 Triple Crown kung saan nanalo ang Heneral Kalentong makaraang manalo ng tatlong sunod na karera sa magkakahiwalay na okasyon sa MMTCI, MJCI at PRCI.
Magaganap ang unang karera sa 1st Leg Triple Crown sa kalagitnaan ng Mayo sa karerahan ng Malvar,Batangas, masusundan sa buwan ng Hunyo at Hulyo.
May susundan na tayaan sa susunod laban ang Nuclear Bomb na nanalo ng pitong kabayo ang layo sa mga kalayo na ilang sa mga panolo sa entry sa pick 5 sa Race 1.
Sumunod na panalo ang Batas Kamao sa Race 2 at sumunod na nanalo ang Money Changer sa Race 3, at Toy for the Big Boy ang nanalo sa Race 4 at magandang ang dividendo ang ibinigay sa Pick 5 sa P18,487.00 sa panalo Ka Emon sa Race 5 at nagkaloob ng P51,495.20 sa Pick 6 sa pagkakapanalo ng Troubadour.