ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | July 25, 2020
Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa bawat animal sign ngayong 2020, talakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa ngayong Year of the Metal Rat. Ang Sheep o Tupa ay tinatawag ding Goat o Kambing.
Alalahaning ang Sheep o Tupa ay nahahati sa limang uri, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:
Metal Sheep o Bakal na Tupa - silang mga isinilang noong 1931 at 1991
Water Sheep o Tubig na Tupa - silang mga isinilang noong 1943 at 2003
Wood Sheep o Kahoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1955 at 2015
Fire Sheep o Apoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1967
Earth Sheep o Lupa na Tupa - silang mga isinilang noong 1979 at 1939
Sa nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Sheep at Water Sheep, kaya pagkakataong ito, dumako na tayo sa magiging sadlakang kapalaran ng Wood Sheep o Kahoy na Tupa.
Kilala sa pagiging may ambisyon at dedikasyon ang Kahoy na Tupa at talaga namang nagsisikap siya upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay, lalo na kung para sa kapakanan ng kanyang pamilya. ‘Yun nga lang, minsan, dahil sa sobrang ingat at may hindi maunawaang takot na nadarama sa kaibuturan ng kanyang puso, may mga gawain na kadalasan ay iniiwanan niya o hindi tinatapos. Maaaring dahil may kinatatakutan o lihim na alinlangan sa kanyang sarili, minabuti niya na iwanan na lang basta-basta at hindi na tapusin ang proyektong nasimulan niya.
Kung uugaliin ng Kahoy na Tupa na tapusin ang anumang bagay na nasimulan niya, tiyak na may pangako ng maunlad, matagumpay at maligayang buhay ang aanihin niya hindi lamang ngayong 2020 kundi maging sa 2021.
Sa negosyo at pangangalakal, ang mga Wood Sheep ay magaling sa pagsisimula ng negosyo kaya naman, napapaunlad nila ang negosyong dating may simula na, pero hindi nila ito napapanatili sa mahabang panahon. Ibig sabihin, halimbawang may existing na negosyo at ito ay pinamahalaan ng Kahoy na Tupa, mapapaunlad niya ito sa loob ng lima hanggang sampung taon, pero kapag sobrang tagal na, mahihirapan din siyang patakbuhin ito, kaya ang nasabing negosyo ay malamang na ma-bankrupt o tuluyang malugi.
Kaya naman sinasabing napakahalaga sa Kahoy na Tupa na may iba pang source of income, investment o negosyo na hindi siya ang namamahala kundi pinamamahalaan ito ng ibang tao para palaguin. Puwede rin namang parang diskarteng stock market, may nagsusugal o may nagnenegosyo para sa kanya. Sa ganu’ng paraan, napaghiwa-hiwalay ng Kahoy na Tupa ang kanyang investment o financial interest, upang kapag dumating ang panahon ng pagkalugi, hindi ito masisimot agad-agad, bagkus, may matitira o may maitatabi pa siya para sa future.
Bukod sa paghihiwa-hiwalay ng investment, mahalaga rin sa Kahoy na Tupa ang pangingibang-bansa o ang pagi-invest ng kanyang pera sa ibayong-dagat. Sapagkat sinasabing kapag ang Kahoy na Tupa ay sa ibang lugar o bansa nagnegosyo o nanirahan, maaaring doon siya lalong umunlad hanggang sa maging ubod ng yaman.
Bukod sa pagbu-business sa ibayong-dagat, ang real estate o pamimili ng mga lupa upang i-develop ay bagay na bagay din sa Wood Sheep.
Sa pangkalahatan, lubhang magiging maunlad at masagana ang 2020 sa Wood Sheep, pero hindi naman siya pinapayagang magdagdag o magbukas ng bagong investment.
Upang maiwasan ang tuluy-tuloy na pagkalugi ng negosyo ngayong 2020, dapat panaigin ng Kahoy na Tupa ang dati na niyang ugali na sobrang maingat at dahan-dahan lang sa pagdedesisyon.
Bagama’t may mga problemang hatid ang 2020 dahil sa Covid-19 pandemic, may posibilidad naman na ang mga negatibong pangyayaring ito ay mai-convert ng Kahoy na Tupa sa positibo at mahusay na diskarte, na kung tatama siya ng desisyon o pagpapasya, may malaki siyang tutubuing salapi na lalo pang ikauunlad at ikadaragdag ng materyal na biyaya sa kanyang umaapaw ng kaban-yaman.
Kaya naman kung may oportunidad na biglang darating at magiging dahilan upang magkaroon ng malalaking halaga ng salapi na makakasalubong ang Kahoy na Tupa ngayong 2020 hanggang 2021, walang pag-aalinlangang sunggaban niya dapat ito agad dahil ang minsang pagkakataong bibigyan siya ng langit ng napakalaking tsansa upang lalo pang yumamaman ay maaaring matataglan o sadyang hindi na ito babalik kailanman.
Itutuloy