ni Delle Primo - @Sports | June 23, 2022
Bonus na lang ang awards sa record-setting haul ng NU para sa unang titulo matapos ang 65 taon. "'Yung individual awards naman po is parang bonus lang po 'yun sa goal po namin, kasi ang goal po talaga namin is mag-champion po this season. Sobrang happy ko lang po na ngayon nakagawa po kami ng history sa NU," ayon kay Mhicaela Belen na may 3 tropeo na nangakong iuuwi ang kampeonato kamakalawa ng gabi sa UAAP women's volleyball kontra DLSU Lady Spikers, 25-15, 25-15, 25-22 sa MOA Arena, Pasay City. .
"Siguro yung pagiging coach ko nag-champion pero marami kaming hardships na pinagdaanan. Sobrang saya and sobrang nakakasaya para sa team," pahayag naman ni Lady Bulldogs head coach Karl Dimaculangan nang masungkit ng NU Lady Bulldogs ang korona matapos ang 65 taon.
"Sobrang saya ko po actually kasi sa training po namin halos makita po namin yung (pagod at sakripisyo), nagbunga naman po lahat," pahayag ng Finals MVP na si Princess Robles na nagtala ng 9.0 puntos at 9.5 digs sa dalawang laro. Dagdag ni Princess Robles, "Sobrang happy po kami at kay coach dahil nakuha namin yung championship crown."
Impresibo naman ang 19-anyos na si Mhicaela Belen na itinanghal na MVP at Rookie of the Year na nasa ranked ng to 10 ng seven skills sa pagtatapos ng elims at pamunuan ang NU sa scoring -203 total points matapos ang 14 matches. "Grabe po," saad ni Nierva kay Belen. "Nag-rookie [of the year], nag-best open hitter, tapos MVP. Wala akong masabi. At 'pag nakikita niyo po 'yan sa training namin, parang hindi po siya nahihirapan."
Idinagdag ni Belen na makakapanood na siya ng Volleyball Nations League para mag-cheer sa idol niyang si Ran Takahashi ng Japan.
"Naniniwala naman po ako na they will stay humble. Kasi ayun nga, kahit naman noong high school, ang dami na nilang na-achieve," ayon kay Nierva tungkol kay Belen at teammates niya. "But look at them now, hindi pa din tumitigil magpagaling, magpalakas, and i-master 'yung craft na meron kami."