top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-25 Araw ng Abril, 2024





Hindi kumikibo si Jake na siyang nagpainit sa ulo ni Nhel. Ramdam niya na hindi lang basta-basta ang namamagitan sa kanila, at para bang may kuryente na anytime ay maaaring isa sa kanila ang masunog. 


“Nasaan ang asawa ko?” Gigil niyang tanong. 


“Wala kang karapatan sa kanya. Iniwan ka na niya dahil hindi ka niya mahal.” Mayabang na sabi ni Jake. 


Alam na alam ni Nhel na nais lang naman makita ni Jake na siya’y magalit. Marahas na buntong hininga ang pinawalan niya. Walang kasing kaide-ideya si Jake sa kung ano ang kaya niyang gawin. Siguro ang tingin nito sa kanya ay isang mahina, at madaling makaramdam ng takot. Ngunit, wala itong ideya na kaya niya itong durugin anumang oras, lalo na pagdating kay Via. 


“Wala ka talagang takot, ano?” Sarkastikong tanong niya rito. 


“Hindi naman kita dapat katakutan.”


“Masakit ba?” Tanong nito sa kanya. 


“Ano’ng sinasabi mo riyan?” Agad niyang tanong. 


“Iniwan ka ng asawa mo dahil sa akin?” Nakangising sabi nito sa kanya. 


Doon mas biglang uminit ang ulo ni Nhel. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong gumagawa ng kuwento. Nakakasiguro siya na hindi siya iiwan ni Via para sa lalaking ito. Kaya, awtomatikong lumipad ang kamao niya sa mukha nito. 


Hindi nito inaasahan ang kanyang gagawin, kaya hindi agad ito nakaiwas. Para tuloy gusto niyang humagalpak ng tawa. 


“Ang tapang-tapang mong sumugod dito, hindi ka naman pala marunong umiwas.” 


“Hindi ko siya ituturo sa iyo.”


“Fine, sawa na naman ako kay Via kaya puwede mo na siyang makuha,” wika niya habang nakatingin sa mga mata ni Jake. 


Gusto niyang ipakita rito na balewala lang sa kanya ang lahat. Kahit na ang totoo ay miss na miss na niya ang kanyang asawa, ayaw niya lang ipakita rito na masyado siyang nag-aalala, dahil tiyak na mas gigipitin lang siya nito.



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-24 Araw ng Abril, 2024





Kunot na kunot ang noo ni Nhel, matapos niyang maihagis ang kanyang cellphone.


Malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya maintindihan kung bakit siya tinawagan ni Jake, pero ramdam niya na hindi ito tumawag upang mangamusta. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapailing. Hindi naman siya ang tipo ng tao na naghahanap ng kaaway, ngunit hindi rin siya umaatras sa anumang laban. 


Hindi lang niya maintindihan kung bakit matindi ang galit nito sa kanya. Basta ang alam niya, lumala iyon dahil lahat ng nagugustuhan nito ay siya ang natitipuhan. 


“Kasalanan ko bang maging pogi?” Natatawa niyang tanong sa sarili. 


Napabuntong hininga lang siya nang pumasok sa kanyang isipan si Via. Wala na siyang pakialam kung lahat ng babae ay magkagusto kay Jake. Basta ang nais niya ay makita at mayakap ngayon si Via. 


“Damn,” hindi niya napigilang sabihin pagkaraan. 


Kung bakit ba naman kasi hindi niya nagawang ipagtapat kay Via ang kanyang nararamdaman. 


“Bakit manhid din ba ito?” Inis niyang tanong sa sarili.


Tuwing aangkinin niya ito, pinaparamdam niya rito kung gaano niya ito kamahal. 


Nabigla siya nang bumukas ang pinto ng private office. 


“Hello, my friend!” Buong kasarkastikuhang bati ni Jake. 


“Sir, hindi ko siya…”


Takot na takot ang boses ng kanyang sekretarya, kaya sumenyas siya para pahintuin ang pagsasalita nito. 


“Iwan mo na muna kami,” wika niya sabay sabi kay Jake na, “Ang tigas din ng ulo mo ‘no? Hindi ka ba makaintindi na ayoko ngang–,” 


Kapag nalaman mo bang tungkol sa asawa mo ang dahilan kaya ako narito, hindi ka pa rin magkaka-interes?” Mala-demonyo ang pagkakangiti nito sa kanya. Kaya naman hindi niya napigilang ilabas ang kanyang pagkadiyablo. Sa isang saglit ay nagawa itong lapitan at suntukin ni Nhel. 


Nanlilisik ang mga mata niya at sabay tanong na, “Nasaan ang asawa ko?” 


Kapag hindi siya nakahagilap ng sagot dito, tiyak na dudurugin niya ang buto nito.



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-22 Araw ng Abril, 2024




“Anak….?” hindi makapaniwalang sabi ni Via.


Nanlaki ang kanyang mga mata. Talagang hindi niya inaasahan na maririnig dito ang mga katagang iyon. 


“Yes,” mariing sabi ng matandang lalaki na hindi naman niya kilala. 


“So, ikaw si Dennis Jose?” Wala sa loob niyang tanong. 


Iyon kasi ang pangalan na madalas binabanggit ng kanyang ina. Pero, mula nang dumating sa buhay nila si Pedro,  hindi na ito nabanggit ng kanyang ina.  Hindi na rin naman niya hinahanap-hanap ang kuwento tungkol sa kanyang ama, dahil napunan din naman ni Pedro ang pagmamahal na hinahanap-hanap niya.  “Yes, ako nga,” wika nito. 


Unang kita pa lang niya sa matandang lalaki, may kaba na siyang naramdaman. Ngunit, ayaw niyang bigyan iyon ng anumang kulay. Isa pa, ayaw din niyang paasahin ang kanyang sarili. 


“Pero, hindi pa rin ako nakakasiguro na mag-ama tayo,” matabang niyang sabi. 

“Nakasisiguro ako.” 


Tumingin siya rito at ipinakita niya ang pagkunot ng kanyang noo. Gusto niyang magtanong, ngunit hindi niya magawa. 


“DNA test.” 


“Kumuha ka ng sample sa akin nang hindi ko namamalayan?” Hindi makapaniwalang sabi niya. 


“Kaya ba mas kakampihan mo si Nhel?” Matapang na tanong ni Jake sa kanyang ninong. 


Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Jake at sabay sabing, “Lahat na lang kasi ng gusto ko, inaagaw niya. At ngayon, ikaw naman ang…”


“Mag asawa na kami ni Nhel bago kita makilala,” asar niyang sabi. 


Nawala lang ang pagkaasar niya nang biglang rumehistro sa mukha niya ang mukha ng kanyang asawa. At doon niya napagtanto na miss na miss na niya ito. 


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page