top of page
Search

ni Sis. Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | June 5, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig

Dear Sister Isabel,


Magandang araw sa inyo riyan sa BULGAR. Ang isasangguni ko sa inyo ay tungkol sa aking in-laws, ang hirap pala talagang makisama ‘no?


Ang tinutukoy ko ay ang magulang ng asawa ko. Akala ko magiging masaya kami ng anak ko na maka-bonding sila, pero konsumisyon pala.



Bawat kilos namin ay napupuna, maski sa pagluluto ng pagkain, dapat daw ay isama silang lahat. Eh maliit lang ang budget namin dahil maliit lang naman ang pinapadala ng asawa kong nasa abroad. Kung tutuusin, kulang na kulang iyon sa pag-aaral ng mga bata at panggastos namin. 


Napilitan kami ng mga anak ko na magbakasyon muna rito sa in-laws ko dahil bakasyon din ng mga bata.


Gusto ng asawa ko maka-bonding ng mga anak namin ang in-laws ko. Hirap na hirap talaga ako kung paano pakikisamahan ang in-laws ko. 


Doon ko na-realize na sobrang hirap pala talaga makisama, balak ko na sanang umuwi sa bahay namin. May sarili naman kaminb bahay sa Batangas habang sa

Laguna naman nakatira ang in-laws ko. Hindi ko naman maikuwento sa asawa ko na nahihirapan akong pakisamahan ang magulang niya. Kaya sinarili at kinikimkim ko na lang ang konsumisyong nararanasan ko.


Tama bang umuwi na kami ng mga anak ko sa sarili naming bahay? Hindi ko na kasi kaya ang ugali at pagtrato nila sa akin. Hihintayin ko ang payo n’yo.


Nagpapasalamat,

Dolor ng Batangas


 

Sa iyo, Dolor,


Lawakan mo pa ang pang-unawa mo, maging broad minded ka at matutong makisama sa ibang tao lalo na sa in-laws mo.


Kung hindi mo na talaga kaya ang ugali at pagtrato nila, tama lang na bumalik kayo sa sarili n’yong bahay kaysa mamatay ka sa konsumisyon dahil sa hindi magandang pagtrato nila sa iyo. 


Gaano na ba kayo katagal d’yan? Kung 2 weeks na kayo riyan, sapat na ‘yun upang maka-bonding ng mga anak mo ang mga kamag-anak nila. 


Huwag ka rin magpakita ng attitude sa kanila, pakisamahan mo pa rin sila, dahil ganyan talaga ang buhay.


Ang taong marunong magtiis at makisama  ay ginagantimpalaan ng langit.


Huwag kang mag-alala dahil nakatingin sa iyo ang  Diyos. May gantimpala kang makukuha kapag nalampasan mo ang pagsubok na iyan sa buhay mo.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo



File Photo

 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-27 Araw ng Abril, 2024





MATAGAL ding pinangarap ni Via na magkaroon sila ng bonding ng kanyang tunay na ama. Pero, wala siya maramdaman na kasiyahan ngayon, at para bang hungkag na hungkag ang kanyang puso. 


Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan dahil napagtanto na niya ang dahilan, ‘yun ay dahil kay Nhel, muli na naman kasi niyang naalala ang kanyang asawa. 


“Hindi mo na ba ako kayang patawarin?” Malungkot na tanong ng kanyang ama. 


Hindi man sila nagkasama ng matagal na panahon, para pa ring nilamutak ang kanyang puso dahil sa sakit na naaaninag niya sa boses nito. 


“Ho?”


“Naalala mo na naman ba ‘yung asawa mo?” Tanong nito sa kanya pagkaraan. 


“Mahal ko siya.”


“Pero, bakit mo siya iniwan?”


“Eh, hindi niya naman ako mahal,” matabang niyang sabi kaya bigla siyang napapiyok. 


“Paano ka nakakasiguro? Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal niya sa iyo kahit kaunti?” Tanong nito. 


Hindi niya magawang sagutin ang tanong ng kanyang ama dahil alam niya sa sarili na ‘di nagkulang si Nhel upang ipinaramdam iyon.


“Ang dahilan kaya niya ako pinakasalan ay para makapaghiganti siya,” matabang niyang sabi. 


“Siya nga pala ang tunay na ama ni Pedro Pedral.” Wala sa loob nitong sabi pagkaraan. 


Bigla siyang natigilan nang makita niyang nagbago ang hitsura nito. Naningkit ang mga mata nito na para bang binalot ng pagkamuhi ang puso. 


“Oho,” sabi niya pagkaraan ng ilang sandali. 


“Mas maigi pang huwag mo na siyang balikan.”


‘Yun naman talaga ang gagawin niya, pero hirap na hirap siyang panindigan ito.

“Parang hindi ko na ho kaya.”


Naningkit ang mga mata nito pagkaraan at sabay sabing, “At sa palagay mo ba pahihintulutan kita?” Mabalasik na tanong nito.



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-26 Araw ng Abril, 2024





Alam na alam ni Jake kung ano ang sasabihin ni Nhel, kaya nakaramdam siya ng kasiyahan nang umayon ito sa kanyang kagustuhan. 


Kahit hindi sila magkaibigan, alam niya kapag nade-deny lang ito, at iyon nga ang nangyari. Kung malalaman ni Nhel na may ibang nagugustuhan si Via, talaga ngang mas gugustuhin nitong ipagkaila ang kanyang nararamdaman. 


Mahal niya si Via, pero mas gusto niyang itago ang kanyang nararamdaman kesa na mapahiya. 


“Kung ganu’n, akin na siya?”


“Iyung-iyo.”


Kumunot ang noo niya, at sabay hirit na, “Bibigyan kita ng ilang araw–,”


Hindi ko na kailangan ang ilang araw upang makapag-isip. Gawin mo na kung ano’ng gusto mo ngayon. Sa iyo na si Via.”


“Ang sakit naman niyan para kay Via.”


“Umalis ka na. Wala ka nang mapapala sa akin.”


Ikinabigla niya ang reaksyon at sinabi ni Nhel. Kung umasta ito ay parang wala siyang pakialam sa kanyang asawa. Kunsabagay, wala naman sa bokabularyo niya ang magmahal.


Ipinilig niya ang kanyang ulo para itaboy sa kanyang isipan na nagkakaila lang ito. Kunsabagay, hindi man niya nakita ang gusto niyang reaksyon sa mata ni Nhel, magagamit niya iyon upang mapatunayan kay Via ang kanyang sinasabi. 


“Ipaparating ko sa kanya ang lahat ng sinabi mo.”


“Eh ‘di iparating mo,” naghahamon pa nitong sagot. 


“Okey,” wika niya sabay labas sa office ni Nhel. 


Alam niyang madaming nakasunod sa kanya, pero nakakasiguro siya na hindi ito makakasunod sa kanya, dahil may iba siyang pinaplanong gawin. Sa rooftop siya dumaan ngayon, na kung saan naroon ang helicopter na sasakyan niya para hindi siya masundan ng mga tauhan ni Nhel Zamora.



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page