Dear Roma Amor - @Life & Style | September 28, 2020
Dear Roma,
Tawagin mo na lang akong Ruthie. May BF ako at wala akong doubt sa pagmamahalan namin dahil 10 yrs. na kami. Pero recently, lagi akong napapaisip sa future. ‘Yung BF ko kasi ay walang maayos na work at hindi nakapag-college, kaya wala rin siyang ipon.
Naisip ko lang, paano ‘yung future namin together? Siya ‘yung tipo ng tao na mabait at aalagaan ka, pero sa financial part, wala talaga siya.
Laki ako sa hirap kaya tumagal kami dahil hindi ako naging judgmental sa capacity niya to provide my needs, pero ngayon na future na ang pinag-uusapan, natatakot ako bigla, lalo na para sa mga magiging anak namin. Itutuloy ko pa ba ang relasyon namin o hindi? Sa totoo lang, 10 years ko na siyang pinupush na maghanap ng permanent work, pero mahina masyado ang loob niya. Sana, mabigyan n’yo ako ng advice. – Ruthie
Ruthie,
Kung tutuusin, sobrang haba ng 10 years para sa magkarelasyon. Kung frustrated kang malaman kung may plano siya para sa future, ‘wag kang mahiya na magtanong sa kanya. Pero siyempre, kasama ng mga planong ito ang pagsisikap na matupad ito. Mahirap kasi kung ikaw lang ‘yung mga plano tapos, naka-depende lang siya sa ‘yo. Kung wala talaga, it’s your call. Ikaw pa rin ang magdedesisyon niyan dahil future mo ang nakasalalay dito. Good luck!