top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-6 Araw ng Abril, 2024



Hindi pa man nagsasalita si Madame Marie, kabadung-kabado na si Via. Mapanuri kasi ang tingin na binibigay nito sa kanya. 


Paano na lang kapag nalaman nito kung sino siya? 


Napatingin siya kay Nhel nang hawakan nito ang kanyang kamay. Sa klase nang tingin na ibinibigay nito sa kanya, parang binibigyan siya nito ng assurance na hindi siya puwedeng saktan ninuman. 


“Hindi nga ba?” Tanong niya sa sarili. 


“Sino siya?” Tanong ng matandang babae. 


“Via po,” wika niya. 


“My wife,” wika ni Nhel sabay hawak sa bewang ni Via. 


“Your wife?” Wika nito sabay tawa na para bang isang pagkakamali ang maging asawa ni Nhel. 


“Pipili ka lang ng babae, ‘yung mukhang ordinaryo pa!” Dagdag pa nito.


Medyo nasaktan si Via sa kanyang narinig. Para kasing iniinsulto siya ng matandang babae. Kunsabagay, talaga naman kasing wala siyang maipagmamalaki. 


“I love her,” mariing sabi ni Nhel, mas lalo pang hinigpitan ni Nhel ang pagkakayakap sa kanyang misis.


“May alam ka ba sa pag-ibig?” Sarkastikong tanong ni Marie kay Nhel.


“Hindi ba ang alam mo lang ay mamerhuwisyo at pumatay ng ibang tao?” Dagdag pa nito.


“Iyon kasi ang itinuro ng magaling mong asawa!”


Gulat siyang napatingin kay Nhel. Nakakunot ang noo nito na para bang iritable na sa kanyang ina. 


“Ayoko sa kanya,” diretsong sabi sa kanya ng matandang babae. 


“Ipinakilala ko lang sa inyo si Via.” Malamig nitong sabi. 


“Mas gusto ko si Mariz.” 


“Pero, kasal na kami. Wala ka nang magagawa. Via, let’s go,” wika ni Nhel, sabay hila sa kanyang misis. 


Agad namang naging sunud-sunuran si Via sa kanyang asawa. Mahal niya si Nhel kaya talagang susundin niya ito. Iyon nga lang, hindi niya maiwasan ang masaktan. 

 

Itutuloy…

 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-5 Araw ng Abril, 2024



Dumagundong nang husto ang dibdib ni Via nang makita niya si Nhel sa kanilang pintuan. Hindi niya kasi inaasahan na magpapakita pa ito sa kanya.  Sa ngayon, gusto na lamang niyang burahin sa kanyang isipan ang ideya na niloko lang siya nito. Panigurado kasing hindi iyon totoo. 


Ang importante lang ngayon kay Via ay nakita na niya muli si Nhel. Wala na siyang pakialam kung sumagi man sa isipan niya na lolokohin lang siya nito o hindi.  


Mahal niya si Nhel. Kaya lahat ay gagawin niya para sa kanyang mister. Kung hindi man siya nito mahal, gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito. Naniniwala naman siya na makukuha rin niya ang puso nito. 


“Ano’ng ginagawa mo rito?” Nahagilap niyang tanong. 


Bahagyang kumunot ang noo nito na para bang hindi nagustuhan ang kanyang tanong.


“Susunduin ko na ang asawa ko,” buong diing sabi nito.


Nang sabihin ni Nhel ang katagang ‘asawa’ parang ibig niyang ngumiti. Para kasing napaka-possessive nito nang sabihin ang mga katagang iyon. Pakiwari tuloy niya, hindi nito hahayaan na may mang-agaw sa kanya. 


“Paano si….” Umiling siya dahil hindi niya matandaan kung alam ba niya ang pangalan ng fiancée ng kanyang asawa. 


“Wala akong pakialam kay Mariz. Ikaw lang ang mahalaga sa akin,” mariing sabi nito na para bang gustong pakadiinan sa kanyang utak ang mga sinabi. 


“Uuwi na ba tayo?” Excited niyang tanong. 


“Wala ba si… Tatay Pedro mo?”


“May pinuntahan lang, ngunit nangako siya na hindi na siya magsusugal.”


Umungol ito na para bang ayaw maniwala sa kanyang sinabi. 


“Mas maigi siguro kung mag-uusap kayo.”


“Next time.”


“Okey.”


“Pupunta tayo sa bahay – sa mansyon ng pamilya ko,” mariing sabi nito. 


Hindi niya alam kung bakit may kaba siyang naramdaman sa sinabi ni Nhel. 


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-4 Araw ng Abril, 2024




““Shit!” Bulalas ni Nhel. 


Gusto niyang magsisi na hinayaan niyang umalis si Via. Malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Alam niyang nasira na ang kanyang plano dahil hindi na niya maitutuloy ang kanyang binabalak na paghihiganti.


“Pero, hindi naman sila magkadugo!” Buong diin niyang sabi. 


“Boss…”


“What?” 


Pasinghal niyang tanong sa tauhan niyang bahagyang napaigtad sa sobrang gulat, at para bang gusto niya itong sesantehin nang mga oras na iyon.


Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong iniistorbo siya. Napamura na naman siya dahil napagtanto niyang wala rin naman siyang ginagawa.


“May tawag kayo, sir,” wikà nito


“Who?” Tanong niya kahit alam na niya ang sagot.


“Ang mama n’yo po.”


Kahit na wala siyang gustong makausap kundi si Via, kinuha pa rin nito ang cellphone.

Hindi na siya nagtaka kung bakit hindi niya cellphone ang iniabot nito.


Una sa lahat kasi ay hindi niya ipinagkakatiwala sa kanyang mga tauhan ang kanyang gamit kahit gaano pa ito ka-loyal sa kanya. Mahirap na siyempreng magkamali.


Pangalawa, kahit naka-loudspeaker ang kanyang phone, hindi pa rin niya ito napapansin dahil nagla-landing ang kanyang isipan kay Via.


“Boss…”


“Damn!”


“Gusto niya pong makasama kayo sa lunch.”


“Pupunta ko!” Matigas niyang sagot. 


Kahit wala siya sa mood, naisip niyang hindi siya dapat nag-iisa. Kailangan niyang gamitin ang kanyang isip. 


Marahas na buntong hininga lang ang kanyang pinawalan. Ngunit, nais niyang isama roon si Via. Nang pumasok sa isip niya ang kanyang asawa, napangiti siya. At kitang-kita sa kanyang mukha ang pagka-miss sa kanyang misis. Kaya agad siyang tumayo at gumayak para puntahan si Via.

 

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page