top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-21 Araw ng Abril, 2024




Kinakabahan si Via sa sinabi ni Jake. Kitang-kita niya kasi ang galit sa mga mata nito. Kahit na hindi iyon para sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng takot. 


“Kailangan natin magtulungan,” wika nito sa malambing na tinig.


Bigla siyang natigilan, dama niya kasi na may kakaiba sa ikinikilos nito. Humagikgik pa nga pagkaraan na para bang may kung ano’ng iniisip. 


“Huwag kang umasa na tutulungan kita,” inis na sabi ni Via. 


“Mahal mo pa rin ba si Nhel?”


“Sobra,” hindi niya napigilang sabihin. 


Kahit na may takot siyang nararamdaman sa ipinapakitang ugali ni Jake, parang sa isang sandali ay lumipad iyon, ang tangi kasing naisip niya ay si Nhel. 


Mahal na mahal niya ito, kaya kahit sabihin pang kunwari lang ay hindi niya hahayaan na magamit siya ng lalaking ito na tila nababaliw na yata. Nakakasiguro rin siya na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinasabi kaya tumalim ang tingin nito sa kanya at parang gusto siyang sugurin at saktan. 


“Tumigil ka, Jake!” Sigaw ng matandang lalaki. 


Hindi alam ni Via ang pangalan nito. Basta nakakasiguro siya na ninong ito ni Jake.


Gayunman, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kinakabahan siya kapag nasa paligid ito. Dahil ba iyon sa mapanganib niyang aura? Gusto niyang maniwala na iyon nga ang dahilan, ngunit ramdam niyang may iba pang dahilan. 


“Ninong…”


“What?”


“Asawa pala ni Nhel Zamora ang babaeng ‘yan,” inis nitong sabi. 


“Leave her!”


Umiling si Jake at sabay sabing, “Ito na ang pagkakataon ko para makapaghiganti sa Nhel na ‘yan. Aangkinin ko…” 


Hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin niya, dahil biglang bumunot ng baril ang matandang lalaki at akmang puputukan siya sa paa. 


“Ninong…”


“Wala akong pakialam sa galit na nararamdaman mo kay Nhel Zamora, hindi kita mapapatawad kapag idinamay mo ang anak ko sa galit mo sa lalaking iyon.”

Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-20 Araw ng Abril, 2024



Kahit nangangati ang kamay ni Via na damputin ang telepono at tawagan si Nhel, hindi niya pa rin ito magawa. 


May takot din kasi siyang nararamdaman. Paano kung hindi naman talaga nasisiyahan si Nhel kapag nakikita siya? Napapikit na lamang siya habang kinakagat ang kanyang labi, mas nanaisin pa niyang saktan ang kanyang sarili, dahil pakiramdam niya mas matinding sakit pa rin ang mararamdaman ng kanyang puso kapag sinabi sa kanya ni Nhel na hindi siya nito nami-miss, at wala talaga itong pag-ibig sa kanya. 


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Iyon kasi ang dahilan kaya hindi niya rin magawang lapitan si Nhel para ipaalam kung ano ang kanyang nararamdaman. 


Ang nais niya pa naman sana niya ay iparamdam kay Nhel kung gaano niya ito kamahal, ngunit nagdadalawang-isip siya, panigurado kasi na maaapektuhan lang ang kanilang anak kung ganito ang isasagot sa kanya ni Nhel,“I’m sorry. Kailanman hindi kita magagawang mahalin.”


Natatakot siyang masaktan, kaya tinitiis na lang din muna niyang hindi kausapin ang kanyang Tatay Pedro. Kahit ito ang kasama niya habang siya’y lumalaki, si Nhel pa rin ang kadugo nito. ‘Ika nga sa kasabihan, “Blood is thicker than water.”


“Alam mo ba ang pinakamagandang ganti kay Nhel?” Tanong sa kanya ni Jake. 


Alam niyang kaaway nito si Nhel, kaya bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Sa halip na magtanong, kumunot ang kanyang noo. Gayunman, hinihintay pa rin niya ang sasabihin nito. 


“Iyon bang malaman niyang may relasyon tayo.” 


“No way!” Mariin niyang sabi. 


“May magagawa ka ba kung bihag kita?” Nakangising tanong ni Jake sabay halakhak na para bang walang ibang tumatakbo sa kanyang isipan kundi kasamaan. 


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-19 Araw ng Abril, 2024



“Mahal ko si Nhel,” hindi niya napigilang sabihin. 


Wala namang masama kung ibulalas niya iyon, dahil ‘yun naman talaga ang kanyang nararamdaman. 


“Nhel?!” Pag-uusisang tanong ni Jake. 


Kitang-kita sa mukha nito ang pagbabago, at para bang na-badtrip sa pangalan ng kanyang asawa. 


“Ano’ng apelyido?” Paniniguradong tanong nito.


“Zamora.”


Bigla itong tumingin sa kanya. Gusto sana niyang isipin na normal lang reaksyon na ipinakita nito, subalit mas lalong dumilim ang aura ng kanyang mukha. At nakakasiguro siya na matinding galit ang nararamdaman ngayon ni Jake.


“Nhel Zamora?”


“Kilala mo ba siya?” Kabadong tanong ni Via.


“No,” madiin nitong sabi. 


“Mabuti naman.”


“Kung sasabihin ko ba sa iyo na mortal enemy ko siya, kanino ka kakampi?” Natatawa nitong tanong. 


Agad namang kumunot ang noo ni Via. Hindi kasi siya sure kung seryoso ba ito o hindi.


Pakiramdam niya, napapagitnaan siya ng dalawang nag-uumpugang bato. 


“Joke lang.” 


Muli siyang napatingin kay Jake. Gusto na sana niyang isipin na gusto lamang nito na biruin siya, pero naisip niyang masyado itong seryoso. Para tuloy gusto niyang tumakbo paalis.


Anuman ang isyu sa pagitan nila, hindi niya hahayaan na ma-involve siya, kaya malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan.       


“Kung sakali man na magkaaway kami, huwag ka mag-alala dahil hindi kita idadamay. Isa pa, hindi ako ‘yung tipo na mapaghiganti.”


Dapat sana ay kumalma siya sa assurance na binigay ni Jake, pero parang hindi pa rin sapat ang sinabi nito.


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page