ni Chit Luna @Brand Zone | February 17, 2023
Ilang kumpanya sa industriya ng nicotine ang nagsimulang gumamit na ng mga makabagong teknolohiya para gumawa ng mga alternatibong produkto na may lubhang mas maliit na peligrong dulot kumpara sa sigarilyo.
Ito ay matapos mapatunayan ng mga siyentipikong pag-aaral na ang pagsunog sa sigarilyo, at hindi nicotine, ang lumilikha ng mga mapanganib na kemikal na nagdudulot ng pagkakasakit.
Kinumpirma rin ng mga health institutions sa Estados Unidos, United Kingdom, Canada, Germany, Netherlands, Ukraine, Japan, China at New Zealand na ang mga alternatibong produkto tulad ng vapes at heated tobacco products ay may lubhang maliit na idinudulot na panganib.
Binigyan-diin ni Mark Kehaya, chairman ng AMV Holdings LLC na gumagawa ng vape products sa Estados Unidos, ang kahalagaan ng pagbibigay ng mas mainam na produkto kaysa sigarilyo para mabawasan ang pagkakasakit ng mga tao.
Sinabi niya ito sa Global Tobacco & Nicotine Forum (GTNF) na ginanap kamakailan sa Washington D.C
Ayon kay Kehaya, mahigit 30 milyong Amerikano pa rin ang naninigarilyo na kailangang tumingin sa mga makabagong produkto tulad ng vapes at heated tobacco products, kung wala silang balak huminto.
Pinag-aaralan din aniya ng industriya ng nicotine kung paano mapapabuti ang nicotine delivery, ang lasa at ang mga sangkap para mas paboran ang mga bagong produkto ng mga naninigarilyo na walang intensyon na tumigil.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang tumanggap sa mga makabagong alternatibo. Ang PMFTC Inc., ang lokal na kumpanya na bahagi ng Philip Morris international, ay nagpakilala ng smoke-free products tulad ng IQOS at ng mas murang BONDS by IQOS.
Ang mga device na ito ay ginagamit para sa mga espesyal na idinisenyong tobacco stick na tinatawag na HEETS at BLENDS. Ang mga produktong ito ay hindi nangangailangan ng pagsunog ng tabako at hindi nagdudulot ng usok. Pinapainitan lang ang tobacco sticks para makapag-release ng vapor o aerosol.
Ang mga kalahok sa GTNF, kabilang ang ilang opisyal ng mga kumpanya, dalubhasa sa regulasyon at mga siyentipiko ay pinahalagahan ang kontribusyon ng teknolohiya sa kinabukasan ng industriya ng nicotine.
Ayon kay George Cassels-Smith, CEO ng kumpanyang Tobacco Technology Inc., ang susi sa paglutas ng suliranin sa paninigarilyo ay ang patuloy na pagbabago at paghingi sa awtoridad ng mas maayos na regulasyon.
Ang pakakaroon ng mas superior na produkto kaysa sa sigarilyo ang magtutulak sa mga konsyumer na lumipat mula sa paninigarilyo, dagdag ni Smith.
Sinabi naman ni Lisa Smith, managing director ng Btomorrow Ventures, na ang transpormasyon ng industriya ng nicotine ay nangangailangan ng makabagong teknolohiya.
Base sa pag-aaral ni Dr. Ming Deng, isang professor sa Yunnan University sa China, malaki ang merkado para sa mga makabagong alternatibo sa sigarilyo. Ito ang simula ng makabagong era para sa next-generation products, ayon pa kay Dr. Deng.
Ayon kay Kevin Peng, isang scientist sa ALD Group, ang mga makabagong produkto tulad ng electronic cigarettes ang papalit sa tobako sa loob ng lima hanggang 10 taon.
Mahalaga, sabi ni Peng, na bawasan din ang epekto ng mga produktong ito sa kalikasan. Pinaalalahanan ni Peng ang industriya ng nicotine na magkaisa para sa mas malinis na kinabukasan.