ni Chit Luna @Brand Zone | December 5, 2023
Ilang bansa na sumuway sa payo ng World Health Organization (WHO) ang nakaranas ng matinding pagbaba sa paninigarilyo nang payagan nila ang paggamit ng vapes, heated tobacco at iba pang smoke-free na produkto, ayon sa mga eksperto sa pampublikong kalusugan.
Ayon kay Prof. David Sweanor, tagapangulo ng advisory board ng Center for Health Law, Policy and Ethics sa University of Ottawa, bumaba ang paninigarilyo sa mga bansang tulad ng Sweden, United Kingdom at Japan matapos nilang payagan ang mga alternatibong produkto na itinuturing na hindi gaanong nakakapinsala kumpara sa karaniwang tabako.
Sinabi na Prof. Sweanor na base sa mga pag-aaral ng sa loob ng maraming dekada, ang dahilan kung bakit namamatay ang mga tao sa paninigarilyo ay dahil sa paglanghap ng usok, at hindi dahil sa nikotina.
“We know that the countries that have had the biggest declines in cigarette smoking in recent times are countries that are essentially ignoring the advice of the World Health Organization—places that have allowed substitutes to replace cigarettes,” pahayag ni Prof. Sweanor sa isang virtual event na ginanap sa Italy ng Formiche at Healthcare Policy noong Nobyember 24.
Tinalakay sa virtual forum ang mga patakaran ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) at ang Conference of the Parties (COP) meeting sa dapat sanang ginanap sa Panama noong Nobyembre. Ipiagpaliban ng WHO FCTC ang nasabing pagpupulong at sinabing itutuloy na lamang ito sa taong 2024.
Sinabi ni Prof. Sweanor na maaaring malunasan ang problema ng paninigarilyo sa buong mundo sa pamamagitan ng paglipat sa mga produktong may mababang dulot ng panganib. Si Prof. Sweanor ang unang abogado sa mundo na nagtrabaho para sa mga patakaran na naglalayong bawasan ang pinsala mula sa paninigarilyo.
Isa din siya sa mga internasyonal na eksperto na sumulat sa WHO upang ituro ang mga problemang kinakaharap dahil sa pagtutol nito sa konsepto ng tobacco harm reduction o THR.
Sinabi ni Prof. Sweanor na maraming mga bansa ang binabalewala ngayon ang payo ng WHO dahil sa patuloy nitong pagbabawal sa mga makabagong produkto tulad ng vapes, heated tobacco at snus na nakatulong sa ilang bansa na bawasan ang paninigarilyo.
Aniya, nawawalan din ng tiwala ang mga tao sa mga awtoridad katulad ng WHO. Salungat sa dikta ng WHO, ang mga bansa ay maaaring gumawa ng mga bagay na ikabubuti ng kalusugan ng mga tao, dagdag niya.
Kasabay nito, binatikos niya ang WHO FCTC dahil sa kawalan ng pagsusuri sa mga ebidensya at sa pagpupulong na hindi ibinubukas ang pinto sa ibang mga kalahok tulad ng mga konsyumer.
Ang ganitong uri ng saradong talakayan ng mga taong may isinusulong na ideolohiya, paniniwala sa pulitika o relihiyon ay nakakasagabal sa kalusugan ng publiko, sabi nig Prof. Sweanor.
Sinabi naman ni Dr. Anders Milton, isang doktor at dating presidente ng World Medical Association, na may mahigit isang bilyon naninigarilyo sa mundo ngayon.
“Fifty percent of them will die unless we do something. So 500 million will die without us doing anything. As you know, the World Health Organization wants to forbid everything but cigarettes, really, and I think that's the wrong way to go. I think we should use harm reduction instead,” ayon kay Dr. Milton.
Ayon kay Dr. Riccardo Polosa, isang propesor ng Internal Medicine sa Unibersidad ng Catania at tagapagtatag ng Center of Excellence for the Acceleration of Harm Reduction (CoEHAR) sa Italy, na madaming siyentipikong ebidensya na ang nagpapakita na ang mga vape at heated tobacco products ay 80 porsyento hanggang 90 porsiyento na may mas mababang panganib kumpara sa sigarilyo na sinusunog at nagbubuga ng mga nakakalason na kemical.
Sinabi ni Dr. Polosa na ang mga patakaran sa pagkontrol ng tabako ay nangangailangan ng pagbabago.
Kinatigan ito ni Maria Alejandra Medina, coordinator ng Corporación Acción Técnica Social sa Colombia na nagsabing sinusubukang itago ng Conference of the Parties (COP) ng WHO FCTC ang katotohanan.
“The COP is not telling the difference between nicotine and tobacco and the alternatives that are potential solutions for too many people. This sows misinformation and confuses users about the profile rates between different products,” ayon kay Medina.
Ang hindi pagsali sa mga mamimili ng nikotina sa paggawa ng regulasyon ay paglabag din sa kanilang karapatang pantao, sabi niya.
Sinabi ni Medina na ang kasalukuyang patakaran sa tabako ng WHO ay lumilikha ng higit na pinsala dahil sa pagtutol nito sa mga alternatibong produkto na maaaring makatulong sa mga naninigarilyo.