ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | June 24, 2020
Ang peras o pear.
Marami ang naiintriga sa prutas na peras. Minsan, bago kainin ang peras, napapaisip ka lalo na kung ikaw ay babae.
Ang maaring maitanong ng isip mo, “Am I belong to the people with pear-shaped body?” Tapos, maaari ring bigla mong hawakan ang iyong balakang o dibdib at maitanong kung ano ang body shape mo.
Ang “pear-shaped” body ay malaki ang balakang at sa totoo lang, maraming lalaki ang naaakit sa mga babae na may malaking balakang dahil para sa kanila, ang malaking balakang ay super-sexy.
Samantala, ang mga babaeng may maliit na balakang ay lihim na malungkot dahil alam ng lahat na ang balakang ay mahalagang bagay na pang-akit sa mga lalaki.
Kaya lang, sikolohiyal ang usapan sa itaas, as in, likhang isip lang, pero mahirap pasinungalingan na ang malaking balakang ay naglalarawan ng kaseksihan.
Gayunman, ang may malaking balakang o pear-shaped body, ayon sa larangan ng medisina ay healthier kaysa sa iba pang porma o hugis ng katawan. Ito ay sa dahil ang fat na nakadeposito sa balakang ay hindi aakyat at hindi makakaapekto sa buong katawan kaya mas kaunti sa mga may pear-shaped body ang may heart disease, gayundin, hindi gaanong mapanganib sa kanila ang stroke at diabetes.
Magandang balita ang nakaugnay sa pear-shaped body, ano naman kaya ang tungkol sa mismong prutas na pear o peras?
Ang pear o peras ay nagtataglay ng iba’t ibang compounds na may anti-cancer properties. Tulad ng anthocyanin and cinnamic acid contents na sinasabing panlaban sa cancer, lalo na ang lung cancer, stomach at cancer sa bladder.
Mayaman din ang peras sa flavonoids na panlaban sa breast at ovarian cancer. Kaya ang peras ay ang numero-unong prutas na gustung-gusto ng kababaihan kaysa sa iba pang mga prutas.
Higit sa lahat, ang peras ay nagsisilbing gamot sa kakulangan ng sustansiya sa katawan dahil ito ay nagtataglay ng mahahalagang vitamins at minerals kung saan ang isang pangkaraniwang laki ng peras ay may:
Protein: 1 gram
Carbs: 27 grams
Fiber: 6 grams
Vitamin C: 12% of the Daily Value (DV)
Vitamin K: 6% of DV
Potassium: 4% of the DV
Copper: 16% of DV
Gayundin, ang karaniwang size ng peras ay nagtataglay ng:
Folate
Provitamin A
Niacin
Copper
Potassium
Polyphenol antioxidants
Apple, orange, grapes o pear, ano ang pinakamalapit sa puso ng kababaihan?
Sana all!
Kaya lang, ayon sa isinagawang pag-aaral tungkol sa mga prutas at kababaihan, peras ang much loveable ng kababaihan sa buong mundo.
Good luck!