top of page
Search

Ulat ng People's Television Network, Inc. (PTNI) @Info | Jan. 12, 2025



Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng administrasyon naBinigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng administrasyon na maglaan ng puhunan para sa pag-unlad ng Hilagang Mindanao sa pamamagitan ng paglagmaglaan ng puhunan para sa pag-unlad ng Hilagang Mindanao sa pamamagitan ng paglag--da sa Laguindingan International Airport Public-Private Partnership (PPP) Project Concesda sa Laguindingan International Airport Public-Private Partnership (PPP) Project Conces--sion Agreement sa Malacañan Palace noong Oktubre 28, 2024.sion Agreement sa Malacañan Palace noong Oktubre 28, 2024.



Nagsimula na ang modernisasyon at pag-upgrade ng mga paliparan sa Laguindingan, Panglao, Caticlan, Bukidnon, at Tacloban bilang bahagi ng estratehiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing global tourism at investment hub ang bansa.


Ayon sa Pangulo, “Ito ang paraan natin upang magkaroon ng isang ingklusibo at masaganang Bagong Pilipinas. Pinagbubuti pa natin ang karanasan ng mga turista sa pamamagitan ng pagpapalawak at pag-upgrade ng mga paliparan na nag-uugnay sa Visayas at Mindanao sa buong mundo. Ang mga paliparan natin ay magbubukas ng mga bagong oportunidad para sa turismo at pag-unlad ng ekonomiya.”


Nagbibigay-daan ang mga paliparan sa pag-taas ng bilang ng mga turista sa pamamagitan ng pagpapabuti ng accessibility, pagpapasigla ng ekonomiya, at pagpapahusay sa karanasan ng mga manlalakbay. “Sa utos ng Pangulo, layunin nating iangat ang transport sector ng bansa sa global standards. Ang mga inisyatibo natin sa transportasyon ay magdudulot ng paglago ng turismo at pang-ekonomiyang pagbabago,” ayon kay Secretary Jaime J. Bautista ng Department of Transportation (DoTr).



PHP 712 bilyon mula sa turismo noong 2024


Pinatutunayan ito ng pinakabagong da-tos. Sa kabila ng mga hamon sa buong mundo, umabot sa PHP 712 bilyon ang halagang ginugol ng mga turista noong 2024, na 119% na pagtaas mula sa PHP 600.01 bilyon noong 2019 bago ng pandemya. Mas mahaba na rin ang itinatagal ng mga turista sa kanilang destinasyon, mula 9 hanggang 11 gabi. Ang Pilipinas ay may pinakamataas na tourism per capita spend sa ASEAN na higit sa USD 2,000 at mahigit 70% ng mga bisita ang patuloy na bumabalik.



Sa isang inspeksyon sa Ormoc Airport noong Oktubre 20,Sa isang inspeksyon sa Ormoc Airport noong Oktubre 20, 2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na ang2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na ang pagbubukas ng paliparan para sa mga komersyal na flight aypagbubukas ng paliparan para sa mga komersyal na flight ay maghahatid ng higit pang kaunlaran sa lungsod at sa rehiyon ngmaghahatid ng higit pang kaunlaran sa lungsod at sa rehiyon ng Silangang Visayas.Silangang Visayas.



Bukod pa sa pagdaragdag ng mga atraksyon, tinitiyak din ng administrasyong Mar-cos na ligtas na makararating ang mga turista sa mga beach, food adventures, at wellness tours sa pamamagitan ng world-class na mga paliparan.



Laguindingan Airport: Gateway ng Northern Mindanao sa mundo


Kilala sa makapigil-hiningang Maria Cristina Falls at mga luntiang nature park, matagal nang nakaaakit ng turista ang Northern Mindanao.


Upang higit pang tumaas ang bilang ng makabibisita sa Maria Cristina Falls, nilagdaan ng DoTr at Aboitiz InfraCapital noong Oktubre 2024 ang isang kasunduang nagpapalawak at nagpapaunlad sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. Mahigit doble ang madaragdag sa taunang kapasidad nito mula 1.6 milyon hanggang 3.9 milyong pasahero sa 2026, at aabot ng 6.3 milyon pasahero taon-taon sa pagtata-pos ng proyekto.


Sa paglalagda ng concession agreement kasunod ng Notice of Award noong Setyembre 30, 2024, maisasagawa ang pag-upgrade ng paliparan sa ilalim ng P12.75 bilyong Public-Private Partnership (PPP) arrangement. Magsisimula ang 30-taong concession period sa Abril 2025 at pamamahalaan ng Aboitiz InfraCapital (AIC) ang operasyon at maintenance ng paliparan.


Ang Laguindingan Airport ay magiging pan-gunahing gateway para sa lokal at internasyonal na mga manlalakbay. Mula nang buksan noong 2013, naging mahalagang trans-portation hub ito para sa Northern Mindanao, na nagbibigay-serbisyo sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, at Marawi, gayundin sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Lanao del Norte, at Bukidnon. Sa kasalukuyan, ito na ang pangalawang pinaka abalang paliparan sa Mindanao, kasunod ng Francisco Bangoy International Airport sa Davao City.


Noong 2023, umabot sa 2.6 milyon ang domestic travelers at 39,000 foreign tourists sa Northern Mindanao. Ang modernisasyon ng paliparan ay makatutulong upang higit pang makilala ang rehiyon bilang premier destination.


Aprubado ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong Hulyo 2023 ang PPP initiative na ito na nagpapahusay sa karanasan ng mga pasahero at nagpapalawig ng kapasidad at functionality ng paliparan.



Bohol-Panglao at Caticlan airports: Mga sentro ng turismo


Isa pang paliparan na sumasailalim sa malawakang pagbabago ay ang Bohol-Panglao International Airport, ang ika-siyam na pinaka abalang paliparan sa bansa.


Pamamahalaan ito ng Aboitiz InfraCapital sa pamamagitan ng PHP4.53 bilyong unsolicited bid, na naglalayong taasan ng 25% ang kapasidad nito mula 2 milyon hanggang 2.5 milyong pasahero sa loob ng dalawang taon. Sa taong 2030, inaasahang aabot ito sa 3.9 milyong pasahero taon-taon.


Kasunod ng Notice of Award noong No-byembre 18, 2024 at ng 30-taong concession period na magsisimula sa 2025, mapapabilang sa proyekto ang pagpapalawak ng passenger terminal building, paglalagay ng state-of-the-art equipment, at modernisasyon ng airside at landside facilities.


Layunin ng upgrade na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga manlalakbay na hanap ang mga likas na atraksyon ng Bohol tulad ng Chocolate Hills, serene beaches, at mga tarsier, gayundin ang mayaman at makulay nitong kultura.


Ayon sa Bohol Provincial Tourism Office, mahigit isang milyong turista ang bumisita noong 2023. Sa bilang na ito, 67% ay domestic travelers, habang 33% ay international visitors, at ang mga South Koreans ang pinakamalaking grupo na may 41.8%. Kabilang din sa mga bumisita sa Bohol ang mga turista mula sa China, Taiwan, United States, Germany, at France. Iniugnay ng provincial government ang pagtaas ng bilang ng mga bisita sa pagbubukas ng direct flights papunta at mula sa Bohol.


Makatatanggap din ng mas modernong pasilidad ang Caticlan Airport, ang pangunahing gateway sa isla ng Boracay. Ang paliparan, na nagbigay-serbisyo sa mahigit 1.7 milyong turista noong Enero hanggang Oktubre ng 2024, ay magkakaroon ng bagong terminal building at higit pang palalawakin ang runway para sa mas malalaking jet aircraft.


Samantala, ang Megawide Construction Corp., na nagtayo ng world-class passenger terminal sa Mactan-Cebu International Airport at Clark International Airport, ang nakakuha ng kontrata para sa disenyo at konstruksyon ng bagong terminal building sa Cat-iclan Airport.


Kilala rin bilang Godofredo P. Ramos International Airport, nagsisilbi itong pan-gunahing gateway para sa mga bumibisita sa white sand beaches ng Boracay. Ang paliparan ay pinamamahalaan ng Trans Aire Develop-ment Holdings Corp., isang subsidiary ng San Miguel Corporation Infrastructure.


Bukidnon at Tacloban airports: Magpapalakas ng regional connectivity

Dalawang paliparan pa ang magpapabuti sa air connectivity sa Pilipinas. Inaasahang makukumpleto ang mga pag-upgrade sa Bukidnon at Tacloban airports sa taong 2025 at 2026.


Patuloy naman ang mga pagbabago sa Bukidnon Airport sa Maraymaray, Don Carlos na nakumpleto na ang Phases 1 at 2 ng proyekto, kasama ang runway, embankment, at apron areas. Nakatuon naman ang Phase 3 sa aerodrome development, habang ang passenger terminal building ay inaasahang matat-apos sa Enero 2025.


Sa kasalukuyan, nakapaglilingkod ito sa maliliit na turboprop aircraft, at sa huling bahagi ng 2026, inaasahang makapagbibigay-serbisyo ang paliparan sa A320 jets. Magsisilbi rin ito sa 1.5 milyong residente ng Bukidnon at karatig na lalawigan, at magpa-pasigla sa turismo at ekonomiya ng rehiyon.


Samantala, ang Tacloban Airport, kilala rin bilang Daniel Z. Romualdez Airport, ay sumasailalim sa komprehensibong upgrade na naaayon sa international standards.


Kasama rito ang pagtatayo ng bagong passenger terminal building, pagpapahaba ng runway, at pagpapabuti ng access roads, na inaasahang matatapos sa 2026.


Noong 2022, nakapaglingkod ang paliparan sa 1.48 milyong pasahero at nag-proseso ng 40 daily flights. Makikinabang din ito sa PHP4.58 bilyong Tacloban Causeway na magpapaikli ng travel time mula sa city center patungong paliparan na tatagal lamang ng limang minuto.


Ang Phase 1 ng terminal building renovation ay may badyet na PHP761.91 milyon, habang ang susunod na phases ay nangangailangan ng karagdagang pondo, kasama ang halagang gagamitin para sa site acquisition at airport facilities, upang masiguro ang pangmatagalang epekto nito sa koneksyon at pag-unlad ng rehiyon.

 
 

by People's Television Network, Inc (PTNI) @Info | Jan. 9, 2025



Personal na lumibot si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kasalukuyang pasilidad ng NAIA. 



Ang matagumpay na pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay patunay ng epektibong pamumuhunan ng pamahalaan sa imprastruktura sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 


Sa kasalukuyan, ang NAIA ay unti-unting nakikilala sa maayos at mahusay na pamamalakad ng paliparan, malayo sa una nitong naging imahe ng katiwalian at kawalang-kaayusan. 


Isang holiday traveler kamakailan ang nakaranas ng mabilis na airport processing na tumagal lamang ng 30 minuto mula sa curbside ng paliparan hanggang sa boarding gate ng NAIA Terminal 3 - taliwas sa mga dating mahahabang pila at mga luma nitong pasilidad. Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng dedikasyon ng Pangulong Marcos na gawing moderno ang 76-taong gulang na paliparan. 


Ang transpormasyong ito ay bunga ng pasya ng Pangulo na ipagkatiwala ang rehabilitasyon at pamamahala ng pambansang paliparan sa ilalim ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), isang konsorsyum sa pamumuno ng San Miguel Corporation. Sa loob lamang ng tatlong buwan, ang Public-Private Partnership (PPP) project ay nagdulot ng mas maayos na proseso, pagkabawas ng pagsisikip ng mga pasahero, at mas maginhawang paglalakbay. 


"Ito ang pagbabagong pinapangarap natin para sa bawat manlalakbay na Pilipino," ani Pangulong Marcos. "Layunin natin na gawing maayos at maginhawa ang bawat paglalakbay ng Pilipino na sumasalamin sa isang bansang may malasakit at dedikasyon sa lahat niyang mamamayan." 


Sa Terminal 3 ng NAIA, makikita ang malaking pagbabago, mula sa check-in hanggang sa immigra- tion at security checks. Ang pinaigting na seguridad at mas maayos na proseso ay nagbawas sa oras ng paghihintay at nagbigay ng mas magandang karanasan sa mga pasahero. Ilan sa mga pangunahing pagbabago ay ang paglalagay ng baggage screening bago ang immigration counters at paglalagay ng biometric "fly-to-gate" systems na nagpabilis pa sa daloy ng mga manlalakbay. Ang resulta ay mas komportableng karanasan, malayo sa mga dating problema ng paliraparan tulad ng pagsisikip ng mga pasahero. 



Mga Makabuluhang Pagbabago 


Mula nang maipailalim pamamahala ng NNIC ang paliparan noong Setyembre 2024, malaki ang naitulong ng mga bagong sistema sa pagpapabilis ng daloy ng mga pasahero. Ang karagdagang lanes sa arrival areas at pinalawak na curbside ay nagpabilis sa daloy ng mga sasakyan. Ang curbside lanes sa mga terminal ay planong palawakin pa. Ang Terminal 1 ay magkakaroon ng walong lanes mula sa tatlong lanes nito; ang Terminal 2 ay magiging walo mula sa apat; at ang Terminal 3 ay magkakaroon ng labindalawa mula sa walong lanes. 


"Malaki ang naitulong ng ating mga concessionaire kung ikukumpara sa ating naging karanasan noong Disyembre 2023," ani Sec. Jaime J. Bautista ng Department of Transportation sa kanyang isinagawang inspeksyon sa paliparan apat na araw bago ang pagdiriwang ng kapaskuhan. 


"Halimbawa, nabawasan ang pagsisikip sa arrival area dahil sa karagdagang lanes. Sa loob ng 90 araw, nagawa nilang magdagdag ng lanes, kaya naging kapansin-pansin ang kawalan ng matinding trapiko at naging maayos ang daloy ng mga sasakyan," dagdag ni Sec. Bautista. 


Ayon pa sa kalihim, masaya ang mga pasahero sa mga pagbabago sa paliparan: "Lahat ng pasaherong nakausap namin ay masaya. Sa pangkalahatan, maganda ang karanasan natin ngayong Christmas season." Batay sa ulat, mas bumilis na rin ang security checks. Ang paglalagay ng modernong explosive detection system at mas maayos na proseso ng baggage screening at immigration ay magpapabilis pa sa seguridad. 


Personal na tinututukan ni Pangulong Marcos ang planong modernisasyon sa NAIA, ang pangunahing paliparan ng bansa. 


Patuloy na Pagbabago 


Ang rehabilitasyon ay higit pang paiigtingin. Sa kasalukuyang renobasyon ng Terminal 4, titiyakin na gumagana ang lahat ng air bridges at maglalagay ng OFW lounges sa Terminal 1 at 3 - mga pagbabagong lalong magpapabuti pa sa karanasan sa NAIA. Ang libre at mabilis na internet sa paliparan na may bilis na hanggang 115 Mbps ay dagdag na kaginhawaan sa mga pasahero. 


Sisiguruhin din na magagamit nang maayos ang lahat ng pasilidad. Upang maiwasan ang power fluctuations at masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon, naglagay ang paliparan ng dedicated 115KV substation at advanced na uninterruptible power supply (UPS) system. 


Ang mga ito ay hindi lamang panandalian kundi sistematiko at pangkalahatang pagbabago sa operasyon ng NAIA. Ang resulta ay isang natatanging paliparan na ang maay- os na operasyon at kasiyahan ng mga pasahero ang prayoridad. 


Positibong Feedback Mula sa mga Pasahero 


Sa pangkalahatan, naging positibo ang feedback ng mga pasahero. Inilarawan nila ang malaking pag- babago ng NAIA na malayong-malayo ang kalagayan nito sa nakalipas lamang na isang taon. "Dati'y kinatatakutan ko ang pagdaan dito, pero ngayon, napakadali na. Maayos at mabilis ang proseso; may oras pa ako para makapagtrabaho sa isang coffee shop sa paliparan," kwento ng isang madalas na pasahero ng ΝΑΙΑ. 

Ang mga holiday travelers, na kadalasang nakararanas ng matinding pagod at hirap sa paliparan, ay nag-ulat din ng mas maayos na byahe. 


"Okay na ang NAIA Terminal 1. Matagal na talaga ang mga terminal, kahit ang mga upuan ay kailangan nang palitan. Mabagal man, kitang-kita ang mga pagbabago," ani ng isang Pilipinong manlalakbay na nagtungo sa Macau kasama ang kanyang pamilya noong Disyembre 

23. 


Maliban sa ilang maliliit na problema, ang pagproseso ng NAIA sa mahigit 150,000 pasahero araw-araw sa peak season ay nagpakita ng malaking pagbabago at pagtiyak ng maayos na serbisyo sa holiday travel period. 


Inilahad ni PBBM ang mga inobasyon at pagbabagong dapat abangan ng publiko sa NAIA. 



Financial Milestones 

Ang desisyon ng pamahalaan na makipagtulungan sa isang pribadong concessionaire ay naging epektibong aksyong pampinansyal na nag-alis ng pasanin sa mga taxpayer. Ang pamumuhunan at kahusayan ng pribadong sektor ang nagbigay-daan upang magkaroon ang bansa ng world-class na imprastruktura. 


Kabilang sa sentro ng modernization plan ang sustainability. Ang solar panels, energy-efficient systems, at mas maayos na waste management protocols ay isinasagawa upang mabawasan ang environmental footprint ng airport. Ang mga drinking water fountains na may paper cups ay nakatakda ring ilagay para sa lahat ng pasahero upang ma- bawasan ang plastic waste.

 
 

ni Chit Luna @News | Dec. 19, 2024




Isang tanyag na ekonomista ang nagmungkahi sa gobyerno ng Pilipinas na suriin ang antas ng buwis sa tabako kasunod ng pagbaba ng koleksyon at paglaganap ng puslit na sigarilyo sa merkado.


Ayon kay Dr. Arthur Laffer, dating miyembro ng Economic Policy Advisory Board ni Pangulong Ronald Reagan at chairman ng Laffer Associates, isang kilalang consulting firm sa Estados Unidos, kailangang ihanay ang tax rate sa tabako sa antas na magdudulot ng pinakamalaking kita sa gobyerno.


Ipinaliwanag ni Dr. Laffer na ang kita sa buwis ay tumataas kasabay ang pagakyat ng antas ng buwis hanggang sa maabot ang pinakamataas na kita.


Pagkatapos nito, ang anumang karagdagang pagtaas sa antas ng buwis ay nagreresulta sa pagbaba ng kita. Aniya, ang karagdagang pagtaas ng buwis na nagdudulot ng pagbaba ng kita ay hindi kailanman isang makatwirang solusyon.


Ayon sa datos, bumababa ang koleksyon ng excise tax ng tabako sa nakalipas na dalawang taon mula sa pinakamataas na P176 bilyon noong 2001 sa P160 bilyon noong 2022 at P135 bilyon noong 2023.


Sa parehong panahon, tumaas din ang insidente ng ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo mula 13.6 porsiyento noong 2021 hanggang 15.2 porsiyento noong 2022. Noong 2023, naitala ito sa 19.6 porsiyento, ayon sa Euromonitor.


Iminungkahi ni Laffer na ang mataas na presyo dulot ng taunang pagtaas ng buwis sa sigarliyo ay nagtulak sa mga mamimili na tangkilikin ang murang ilegal na sigarilyo na hindi nagbabayad ng buwis.


Sinabi ni Dr. Laffer na bagama't ang Pilipinas ay nakagawa ng mahusay na pagbabago sa sistema ng pagbubuwis sa tabako mula sa isang komplikadong multi-tiered system tungo sa isang simpleng istraktura na may pare-parehong antas ng buwis para sa lahat ng sigarilyo, ang tobacco excise tax rate ay umabot na sa "prohibitive: range, at ito ay pinatunayan ng pagbaba ng kita ng gobyerno.


Ayon kay Dr. Laffer, ang mainam na sistema ng pagbubuwis ay isa sa nagtataas ng kinakailangang kita para sa pamahalaan.


Sa kaso ng excise tax sa tabako ng Pilipinas, ang mekanismo na nagresulta sa taunang pagtaas sa antas ng buwis ay nabigo na makamit ang inaasahang kita, sabi niya.


Si Dr. Laffer ang lumikha ng Laffer Curve na naglalarawan ng kaugnayan sa pagitan ng antas ng buwis at kita ng gobyerno. Ito ay nagsusulong sa isang sistema ng buwis na nagpapataas ng kinakailangang kita habang pinapaliit ang pinsala sa ekonomiya.


Napansin ni Dr. Laffer na sa Pilipinas, ang antas ng buwis sa tabako ay lumagpas na sa punto ng pag-maximize ng kita sa Laffer Curve, at anumang karagdagang pagtaas sa antas nito ay malamang na magreresulta sa pagbaba ng kita at paglaganap ng illicit trade.

Sinabi niya na ang paglaganap ng ipinagbabawal na kalakalan ay naiimpluwensyahan ng mataas na antas ng buwis kasabay ang pagtaas ng presyo ng produkto.


Dahil sa pagbaba ng kita sa buwis at paglaganap ng ipinagbabawal na kalakalan ng tabako sa Pilipinas, oras na para muling suriin ang pinakamainam na antas ng buwis sa sigarilyo, sabi ni Dr. Laffer.


Pinuri rin ni Dr. Laffer ang diskarte ng Pilipinas sa pagbubuwis ng mga makabagong produktong tabako at nikotina, ngunit hinimok niya ang pamahalaan na pasimplehin ang istraktura ng buwis nito sa e-cigarettes.


Hindi tulad ng iba pang produkto ng tabako at nikotina, ang e-cigarette ay binubuwisan sa ilalim ng dalawang antas na sistema sa Pilipinas, na humahantong sa problema sa pagpapatupad.


Ang pagpapa-simple sa pagbubuwis sa e-cigarette tulad ng ginawa para sa iba pang mga produktong tabako at nikotina ay dapat maging priyoridad ng pamahalaaan, aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page