ni Fely Ng @Bulgarific | Abril 29, 2024
Hello, Bulgarians! Iniulat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang netong kita na Php37 bilyon para sa unang quarter ng 2024, mayroong 21% na pagtaas mula sa neto na kita nitong Php30.75 bilyon noong first quarter ng 2023.
Sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso, “Our commitment to support the nation’s growth story saw increases in GSIS investments in key sectors such as real estate, infrastructure, food, energy and mining. Further, the GSIS is boosting revenue streams as it focuses on building efficiencies in its various businesses.”
Ayon pa kay Veloso nais ng GSIS na maging isang katalista na sumusuporta sa mga pamumuhunan sa iba’t ibang sektor upang mapababa ang gastos ng enerhiya at payagan ang vertical integration para sa mga kumpanya ng pagmimina na magproseso ng mga raw material sa mga intermediate at finished products.
Sa pagtatapos ng Marso 2024, ang kabuuang asset ng GSIS ay tumaas sa Php1.74 trilyon, na may 10% na pagtaas o Php156 bilyon na mas mataas kumpara sa mga antas ng Marso 2023.
Ang pangakong palakasin at suportahan ang 2 milyong miyembro nito, pinahusay ng GSIS ang programa sa pagpapautang upang payagan ang mga miyembro na mas pamahalaan ang kanilang mga pananalapi at, para sa ilan, upang mapagaan ang kanilang pasanin sa utang. Noong Marso 2024, ang Multi-Purpose Loan Flex (MPL FLEX) program ay nag-disburse ng PHP136 bilyon mula noong Setyembre 2023, na na-avail ng 506,000 miyembro.
Dagdag pa, ang mga netong kita sa pagbebenta at mark-to-market valuation ng mga local equities at exchange-traded funds (ETFs) ay nagresulta sa mga kita na nagkakahalaga ng Php10 bilyon. Mas mataas ito ng 234% kumpara noong Marso 2023.
Ang GSIS interest income mula sa fixed income securities ay umabot sa Php9 bilyon para sa Q1 2024. Kabilang dito ang mga USD at PHP sovereign bond, short-dated Treasury Bills, at corporate bonds.
Ang maintenance at iba pang gastusin sa pagpapatakbo ay 41% mas mababa sa budget at ang administrative cost ratio ay 2.98%, mas mababa sa 12% limitasyon na pinapayagan ng GSIS Charter.
Sinabi ni Veloso na ang GSIS ay nasa track sa pagpapatupad ng strategy, na sumusuporta sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya, na nagbibigay-diin sa mga pamumuhunan at programa nito tungo sa pabahay (housing), power (energy), pagkain (food), at pangangalaga sa kalusugan (healthcare).
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.