ni Angela Fernando @News | May 19, 2024
Dumating ang negosyanteng si Elon Musk sa isla ng Bali, Indonesia nitong Linggo bilang paghahanda sa planong paglunsad ng Starlink internet service ng SpaceX, na inaasahan ng gobyerno ng Indonesia na magpapataas ng internet penetration at mga serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na bahagi ng malawak na arkipelago.
Sinalubong ni Chief Investment Minister Luhut Binsar Pandjaitan ang pagdating ni Musk sa pamamagitan ng pribadong jet sa paliparan ng Bali nitong umaga, at sinabi na pag-uusapan nila ang ilang mahalagang collaborations, kabilang ang inagurasyon ng Starlink, ayon sa isang post sa kanyang Instagram page.
Iginiit din niya na ang pantay na access sa internet sa pinakamalaking ekonomiya sa Timog-Silangang Asya, na may higit sa 270-milyong katao na naninirahan sa tatlong time zones, ay magbibigay-daan sa mga tao sa malalayong lugar na makaranas ng parehong bilis ng internet tulad ng mga nasa urban.
Ipinaalam din ni Pandjaitan na ilulunsad ni Musk ang Starlink kasama si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa isang community health center sa Denpasar, kabisera ng Bali ngayong araw.