ni Angela Fernando @Business News | Nov. 5, 2024
Photo: Stock Market
Lumobo ang headline inflation nu'ng Oktubre ngayong taon dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain, mga non-alcoholic na inumin, at transportasyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.
Batay sa paunang datos ng ahensya, tumaas ng 2.3% ang consumer price index (CPI) nu'ng Oktubre, mula sa 1.9% nu'ng Setyembre.
Gayunman, mas mabagal pa rin ang kasalukuyang antas ng inflation kumpara sa 4.9% na naitala nu'ng nakaraang taon (2023).
Pasok naman ang nasabing inflation rate sa 2 hanggang 2.8% forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).