top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Nov 22, 2024



Kapihan sa Bagong Pilipinas

Hello, Bulgarians! Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Social Security System (SSS) Executive Vice President para sa Branch Operations Sector na si Atty. Voltaire P. Agas bilang Officer-in-Charge (OIC) ng SSS.


Isang memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na may petsang Oktubre 17, na si Agas ay itinalaga bilang OIC para sa state-run pension fund upang matiyak ang tuluy-tuloy at epektibong paghahatid ng serbisyo-publiko sa mga miyembro nito, mga pensyonado, at kanilang beneficiaries.


Sinimulan ni Agas ang kanyang karera sa SSS noong 2012 bilang chief legal counsel, posisyon na hawak niya hanggang 2022 at mula noong Marso 2022, pinangangasiwaan niya ang SSS branch operation activities nationwide, kabilang ang mga programa sa pagpapalawak ng membership, koleksyon ng kontribusyon, at pagproseso ng benepisyo.


Siya ay batikang lingkod-bayan na may mahigit tatlong dekada ng paglilingkod sa gobyerno sa iba’t ibang kapasidad, tulad sa Public Attorney’s Office (PAO), National Prosecution Service, kapwa sa ilalim ng Department of Justice (DOJ), at bilang trial judge sa Quezon City. Siya ang unang career official na nagmula sa hanay ng SSS na itinalagang magsilbing OIC nito.


Matapos makuha ang kanyang degree sa abogasya mula sa San Beda University, sinimulan ni Agas ang kanyang legal career bilang isang abogado ng PAO, mula 1989 hanggang 1994. Ang kanyang huwarang paglilingkod bilang isang public attorney ay nagbigay sa kanya ng Outstanding Public Servant Award, isang pagkilalang ibinigay kamakailan sa kanya ng PAO noong Agosto 2024 sa panahon ng 8th MCLE-Accredited National Convention of Public Attorneys.


Sa pribadong sektor, pagkatapos ng graduation mula sa Unibersidad ng Pilipinas, siya ay nakikibahagi bilang socio-economist sa mga proyekto sa pagpapaunlad ng komunidad sa ilalim ng Asian Development Bank at ng World Bank. Bilang abogado, mahigit dekada ang kanyang karanasan bilang corporate legal manager at chief compliance and governance officer sa Ayala Life Insurance Group na kilala ngayon bilang BPI AIA Life Assurance Corporation (BPI AIA).


Pinalitan niya si Commissioner Robert Joseph M. De Claro na nauna nang itinalaga ng Social Security Commission (SSC), ang policymaking body ng SSS, bilang OIC upang matiyak ang tuluy-tuloy na pang-araw-araw na operasyon ng pension fund “until a replacement is designated or appointed by the President.”  Si De Claro ay mananatiling miyembro ng SSC, kung saan siya ang kumakatawan sa Employers’ Group.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Nov 14, 2024



Kapihan sa Bagong Pilipinas

HELLO, Bulgarians! Sa pakikipag-ugnayan ng Presidential Communications Office (PCO), lumahok ang Pag-IBIG Fund sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency (PIA) noong 12 Nobyembre 2024.


Kasunod ng isang makasaysayang milestone noong Agosto, ang Pag-IBIG Fund ay lumampas sa PHP 1 trillion mark in total asset, ang organisasyon ay nagpatuloy sa malakas na paglago nito. Sa ikatlong quarter, ang Pag-IBIG Fund ay patuloy naman na lumalaki na may higit sa 16.37 milyong aktibong miyembro, na sama-samang nakaipon ng P98.72 bilyon -- P49.27 bilyon na nakolekta mula sa mandatoryong Regular Savings program at P48.86 bilyon na nakolekta sa ilalim ng voluntary MP2 savings.


Mula Enero hanggang Setyembre 2024, nakatulong ang Pag-IBIG Fund sa mahigit 2.5 milyong miyembro na nangangailangan ng agarang short-term cash financing, na nag-apruba sa mga aplikasyon ng Multi-Purpose Loan ng higit sa dalawang milyong borrower na nagkakahalaga ng kabuuang P49.72 bilyon, 16% na pagtaas sa parehong bilang ng mga nanghihiram at kabuuang halaga ng pautang kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. 


Natulungan din ang halos 461,000 biktima ng iba’t ibang kalamidad ngayong taon sa pagpapalabas ng P5.92 bilyon sa Pag-IBIG Calamity Loan. Ang mga aplikasyon at pagproseso para sa Short-Term Loan ay walang bayad. Hindi rin ibinabawas ang mga advanced payments or interests sa mga pautang.


Bukod sa calamity loan, inaprubahan din ng Pag-IBIG Fund ang pagpapatupad ng isang buwang moratorium para sa pagbabayad ng housing loan ng mga apektadong borrowers na naninirahan at nagtatrabaho sa mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Kristine. Ang isang buwang housing loan payment moratorium ay nagpapahintulot sa mga biktima ng kalamidad na unahin ang pananalapi upang matulungan silang makabangon mula sa epekto ng bagyo. Maaaring mag-apply ang mga kuwalipikadong miyembro para sa availment ng programang moratorium hanggang Disyembre 31, 2024, sa pamamagitan man ng Virtual Pag-IBIG o sa pinakamalapit na sangay ng Pag-IBIG.


“Our accomplishments this year underscore our dedication to serving the financial needs of Filipinos across the country. Participating in the PIA’s Kapihan sa Bagong Pilipinas serves as a good opportunity for us to directly engage with our members and inform them how Pag-IBIG Fund is working towards a stronger financial institution. After all, our members are the true owners of the Fund. It is just proper that they know how their savings are used and how effectively managing Pag-IBIG’s finances will result to their benefit through dividends and returns on their savings,” pahayag ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta.


Ang paglahok ng Pag-IBIG Fund sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ay bahagi ng pangako nito sa transparency and stakeholder engagement, na naglalayong panatilihing batid ng mga miyembro at partner ang epekto ng mga operasyon nito sa mga manggagawa, employer, at negosyo sa bawat rehiyon.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Oct. 27, 2024




Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ang mga miyembro at pensyonado na apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine ay maaaring agad na mag-avail ng salary at pension loan para sa kanilang mga pangangailangan.

“As part of our proactive response to the urgent financial needs of our members and pensioners during natural calamities, the SSS loan programs are readily available to support their recovery,” pahayag ni SSS Senior Vice President for Lending and Asset Management Group Pedro T. Baoy.


Upang maging kuwalipikado para sa one-month salary loan, ang mga empleyado, self-employed, at voluntary member ay dapat magkaroon ng 36 buwanang kontribusyon, anim sa mga ito ay dapat nasa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ng loan application. 


Samantala, ang mga miyembro ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 72 posted contributions kung pipiliin nilang mag-avail ng dalawang buwang salary loan.

“They must be under 65 years of age at the time of loan application and have not been granted any final benefit like total disability, retirement, or death benefits,” saad ni Baoy. 

“Employers’ compliance is crucial in these situations since their updated contribution and loan payments are essential for their employee’s loan eligibility,” dagdag pa ni Baoy.


Ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring magsumite ng kanilang salary loan application online sa pamamagitan ng My.SSS Portal. Kapag naaprubahan, ang loan ay itatalaga sa rehistradong Unified Multi-Purpose Identification (UMID)-ATM Card ng miyembro o active account na may Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet)-participating bank.


Maaaring bayaran ng mga miyembro ang salary loan sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng 24 equal monthly amortizations na may taunang interest rate na 10 porsyento.


Samantala, ang mga retiree-pensioners ay maaaring mag-avail ng kanilang SSS pension loan na katumbas ng tatlo, anim, siyam, at 12 beses ng kanilang Basic Monthly Pension plus P1,000 karagdagang benepisyo, ngunit hindi lalampas sa maximum na P200,000.


Ang loan amortization, kasama ang 10 porsyento na annual interest rate sa balanse ng principal loan, ay dapat ibawas sa buwanang pensyon na nagtitiyak ng Net Take Home Pension na hindi bababa sa 47.25 porsyento ng Basic Monthly Pension (BMP) kasama ang P1, 000 karagdagang benepisyo. Ang mga tuntunin sa pagbabayad ay anim, 12, o 24 na buwan, depende sa halaga ng loan.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page