top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Dec. 19, 2024



Kapihan sa Bagong Pilipinas

Hello, Bulgarians! Pormal na isinagawa kamakailan ng Pag-IBIG Fund ang partnership nito sa Office of Transportation Cooperatives, upang palawakin ang financial and housing opportunities para sa mga trabahador sa buong bansa. 


Dumalo sa ceremonial signing sina Rizal Transportation Cooperatives Chairperson Arcadio Inso, Pag-IBIG Fund Deputy CEO Alexander Aguilar, Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega, Office of Transportation Cooperatives Chairperson Misael Melinas, at National Federation of Transport Cooperatives Chairperson Reymundo De Guzman, Jr.


Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, layunin ng Pag-IBIG Fund at ng Office of Transportation Cooperatives na tulungan ang mga transport worker na magparehistro sa Pag-IBIG, bumuo ng ligtas na ipon para sa kanilang kinabukasan, at makamit ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng bahay sa pamamagitan ng accessible at abot-kayang home financing. 


Ang partnership na ito ay nagsisilbing testamento sa pangako ng Pag-IBIG Fund na iangat ang buhay ng mga manggagawang Pilipino, na sumasalamin sa ika-44 na anibersaryo na may temang, Isang Pag-IBIG: Kasama sa Pagtupad ng Pangarap.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Dec. 17, 2024



Kapihan sa Bagong Pilipinas

Hello, Bulgarians! Naglabas ang PhilHealth ng paglilinaw sa malisyosong akusasyon ni Dr. Tony Leachon sa kanyang social media account tungkol sa diumano’y labis na budget ng ahensya para sa Christmas party.


Pahayag ng PhilHealth, sumusunod ang ahensya sa direktiba ng Malacañang na gawing simple ang selebrasyon ngayong Pasko. Katunayan ay naglabas ang PhilHealth ng Management Advisory No. 2024-003 “Panawagan para sa simpleng pagdiriwang ng Pasko” noong Nobyembre 25, 2024, na nag-utos sa lahat ng tanggapan kabilang ang mga regional office na magtipid sa pagsasagawa ng naturang aktibidad. Kinansela ang ilang aktibidad at ang maiipong pondo ay ido-donate sa mga naapektuhan ng mga bagyo kamakailan.


Ang listahan sa post ni Dr. Leachon ay hindi pa pinal, at ayon sa ahensya ang mga ito ay para sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng PhilHealth sa 2025 na isang milestone year. Sa temang “Panatag Kami Dito!” ang mga aktibidad ay bilang paggunita rin sa National Health Insurance Month ayon sa Proclamation 1400. Ang mga aktibidad na ito ay pambuong taon at pambansa ang saklaw, at lalahukan ng mga empleyado, stakeholders, champions at advocates, at higit sa lahat ng mga miyembro.


Ang mga inaprubahang aktibidad ay makatwiran, binadyetan kasunod ng mga umiiral na limitasyon na itinakda ng gobyerno, at bibilhin alinsunod sa RA 9184. Ang mga aktibidad na ito ay naglalayong magkaroon ng makabuluhang pagdiriwang ng milestone year, at gagamitin upang lalo pang hikayatin ang mga miyembro at stakeholder na palakasin ang interes at kamalayan sa maraming repormang ginagawa ng PhilHealth gaya ng pagpapahusay ng mga benepisyo ayon sa Universal Health Care Law.


Kasunod nito, pinapaalalahanan ng PhilHealth si Dr. Leachon na maging mas responsable at maingat bago maglabas ng anumang pahayag na maaaring makalito at magbunga ng hindi tamang pang-unawa mula sa publiko.


Tinitiyak ng PhilHealth sa publiko na nakatuon ang ahensya sa maingat at masinop na pangangasiwa ng pondo ng mga miyembro.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Dec. 16, 2024



Kapihan sa Bagong Pilipinas

Hello, Bulgarians! Naglabas ang Social Security System (SSS) ng nagkakahalaga ng P32.19 bilyon para sa 13th month at December pension sa mahigit 3.6 milyong pensioner na naibigay noon pang Nobyembre 29. 


Sinabi ni SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas na itinulak ng SSS ang maagang pagkredito ng 13th month at December 2024 pension bilang pre-Christmas gift sa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.


“We are also aware of the plight of our pensioners who were not spared by the recent tropical cyclones that lashed the country in less than a month. The early crediting of these pensions can help address some of their financial needs as they try to rebuild their lives after a series of calamities struck the country,” sabi ni Agas.


Ipinaliwanag ni Agas na ang unang batch ng 13th month at December pensions ay ipinamahagi sa 2.09 million pensioners na nagkakahalaga ng P17.9 billion noong Nobyembre 29, na sumasaklaw sa mga pensioner na may mga petsa ng contingency sa loob ng una hanggang ika-15 araw ng buwan. 


Samantala, sinabi niya na ang ikalawang batch ay inilabas noong Disyembre 4 na nakinabang sa 1.52 milyong pensioner na nagkakahalaga ng P14.3 bilyon. Ang mga pensyonado na ito ay may mga petsa ng contingency sa loob ng ika-16 hanggang sa huling araw ng buwan.


Gayundin, sinabi ni Agas na ang SSS ay naglabas ng humigit-kumulang P41.6 milyon na halaga ng 13th month at December pension sa mahigit 6,000 pensioners sa pamamagitan ng non-PESONet participating banks and checks. Dagdag pa niya, ang mga pensioner na nag-avail ng advance 18-month pension para sa kanilang inisyal na benepisyo ay nakatanggap ng kanilang 13th month pension noong Disyembre 4.


Mula noong Disyembre 1988, nagbibigay ng 13th month pension sa SSS at EC pensioners, na katumbas ng kani-kanilang buwanang pensyon. Ang pamamahagi ng SSS ng 13th month pension ay isang taunang tradisyon sa nakalipas na 36 taon upang mapahusay ang mga benepisyo ng mga pensyonado at bilang isang paraan ng pagkilala sa mga kontribusyon ng mga ito sa bansa sa panahon ng kanilang produktibong taon.

Ipinaliwanag ni Agas na ang mga retirement at survivor pensioners ay nakakakuha ng 13th month pension na katumbas ng kanilang regular monthly pensions, habang ang total disability pensioners ay tumatanggap ng 13th month pension na katumbas ng kanilang buwanang pension nang walang medical allowance.


“Member’s children receiving dependent’s pensions are also entitled to the 13th month pension and partial disability pensioners can receive it if they have a pension duration of at least 12 months,” dagdag pa niya.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page