ni Fely Ng @Bulgarific | June 28, 2024
Hello, Bulgarians! Ang sikat sa buong mundo na “Parada ng Lechon” na nagmula sa lumang kaugalian na pasasalamat ng mga pamilyang pinalad na makatanggap ng ilang makabuluhang pagpapala sa nagdaang taon ay nagpaparada ng lechon sa plaza ng bayan tuwing Hunyo 24 – ang Araw ng Kapistahan ni San Juan Bautista, kung saan sentro ang Simbahang Romano Katoliko, ang pinakamagandang pagpapakita ng pasasalamat at pagpupugay sa kanilang patron.
Ipinagdiwang kamakailan ang nasabing okasyon para sa ika-65 Parada ng Lechon, sa pangunguna ni young-talented at visionary Balayan, Batangas Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II, na kilala rin bilang “JR Fronda”. Maraming lechon ang ipinarada at nag-uumapaw ang pagkain, kasabay nito ang mga kantahan, palabas at foam party sa Town Plaza habang game na game ang lahat sa basaan kasama si Mayor JR Fronda.
Bukod sa masayang pagdiriwang, ang samahan ng mga club sa distrito ay nagpakilala ng mga karagdagang sangkap ng beer at mga live band kasama ang Noah Band, Soul Groove Band, Allmo$t at iba pang mga performer na nag-ambag ng kanilang talento at oras para sa mas matinding kasiyahan sa pagdaraos ng pista.
Ang mga lokal at dayuhang turista, maliliit at malalaking negosyo, pati na rin ang national at international media ay dumagsa sa Balayan, Batangas nitong Hunyo 24 upang saksihan at lumahok sa natatanging pagdiriwang ng pista sa bansa.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.