ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2020
Nag-imbento ng beetle robot ang ilang siyentipiko na may timbang na 88 milligram at may sukat na 15 millimeters na binansagang “RoBeetle” na gumagana sa pamamagitan ng methanol at may kakayahang gumapang at magbuhat ng mga bagay sa loob ng 2 oras.
Ayon sa imbentor nitong si Xiufeng Yang, ito ay "one of the lightest and smallest autonomous robots ever created.
"We wanted to create a robot that has a weight and size comparable to real insects.”
Hindi battery o motor ang ginagamit upang mapaandar ang naturang “RoBeetle” dahil gumamit si Yang at ang kanyang mga kasamahan ng “artificial muscle system” na gawa sa nickel-titanium alloy wires na nababalot ng platinum powder at based on methanol.