ni Thea Janica Teh | August 25, 2020
Nahukay ng dalawang 18 year-old ang isang clay jar sa Israel na halos 1,100 taon nang nakabaon dito. Ang clay jar ay naglalaman ng halos 425 gold coins!
Natagpuan ito noong isang linggo habang nagsasagawa ng archaeological excavation sa hillside ng Yvneh.
Kuwento ng nakahukay na si Oz Cohen, sa paghuhukay nito, nakakita ito ng manipis na dahon. Noong tiningnan niyang mabuti, napag-alaman niyang gold coins na pala ito. Aniya, “it was really exciting to find such a special and ancient treasure.”
Ang dalawang teenager ay mga volunteer sa vast project ng construction community sa Yavneh, south ng Tel Aviv. Ang programa ay may layuning makonekta ang mga kabataan sa history at culture.
Ibinahagi naman ni Robert Kool na isang coin expert sa Israel Antiquities Authority na ang natagpuang gold coins ay “rare treasure” na makatutulong sa mga archaeologist na magkaroon pa ng mas malalim na pagkakaintindi sa rehiyon noong araw.
Ang mga coin ay may bigat na 2 pounds at gawa sa purong guro. Ito ay may petsang 9th century kung saan pinamumunuan ni Abbasid Caliphate mula Persia sa east hanggang North Africa sa West.
Bukod pa rito, natagpuan din ang 270 small gold cutting at ilang gold dinars. Ito umano ay kasama sa monetary system ng Islamic countries matapos ang pagkawala ng bronze at copper coins. Ito rin umano ay magpapatunay na isinasagawa noon ang international trade sa pagitan ng mga residente at remote area.