ni Thea Janica Teh | October 8, 2020
Namataan ng ilang residente ngayong Huwebes ang 70 patay na dolphin sa baybayin ng
Barangay Bon-ot sa bayan ng San Andres, Catanduanes.
Ayon sa team leader ng Fisheries Regional Emergency Stranding Response Team ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bicol na si Nonie Enolva, ang mga nakitang dolphin ay melon-headed whaled.
Sa kanilang imbestigasyon, nakita na lumalangoy ang mga ito sa baybayin nitong Miyerkules.
Pagdating ng Huwebes nang umaga, nakita na ang mga itong palutang-lutang at na-
stranded sa baybayin at tuluyan nang namatay.
Posible umanong ang dahilan ng kanilang pagkamatay ay blast fishing o malakas na
pagsabog kung saan natagpuan ang mga dolphin.
Makikita sa video na ipinadala ng BFAR na mga nakaangat ang mga ulo ng mga dolphin na indikasyon na may ininda ang mga ito.
Kaya naman pinaalalahanan ng BFAR ang lahat ng mga residente rito na huwag lumapit sa mga dolphin at ‘wag kuhanan ng litrato upang maiwasan na ma-stress ang mga ito.