Pinakikilos ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na ligtas at may sapat na suplay ng karneng baboy sa pamilihan.
Kinumpirma rin ng Dept. of Agriculture (DA) na ASF o African swine fever nga ang ikinamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa Pilipinas. Tiniyak naman ng Dept. of Agriculture at gayun din ng Dept. of Health na ligtas pa rin ang pagkain ng karne ng baboy.