ni Imee Marcos - @Buking | July 24, 2020
Hello, sa mga lovers d’yan! Kumusta naman kayo? Hay naku, bakit ba itong COVID-19 pandemic, bukod sa krisis sa ating ekonomiya at sariling kabuhayan pati, pati ba naman sa loving-loving ay krisis pa rin? Petmalu ka talaga, COVID!
Kalokah, mga frennie, diyeta na tayo sa lahat ng bagay, pati sa affection sa ating mga jowa, eh, diyeta rin! Juskoday! Wala tayong magagawa dahil siyempre, mas importante ang ating buhay sa ngayon, safety protocol first bago ang loving-loving! A big no sa kiss muna sa ating mga jowawits, especially kung kayo ay nasa labas!
Gayundin naman, no hugs! Jusko, kung ayaw n’yo magkasakit, eh, medyo, distansiya amiga at amigo sa ating mga kapakner at dabarkads. Alam na, unahin ang social distancing, ang pagsusuot ng face mask at face shield kung talagang gusto natin pare-parehong mabuhay!
Masakit man sa ating kalooban, eh, dito natin mas maipapakita sa ating mga minamahal na ka-boy-prenan at ka-girl-prenan ang ating true love. Opkors ayaw natin sila magka-virus noh! Mahirap na malay ba natin kung tayo, eh, asymptomatic kung hindi pa tayo nagpapa-checkup maigi nang makasiguro, layo-layo muna tayo.
Ang true love, mas mapi-feel natin ngayon, kahit tila tayo L-D-R sabi nga ng mga bagets...as in Long Distance Relationship, meaning isang metro o dalawang metro ang pagitan pag nakasama natin sila. Makuntento na muna tayo sa pakyut-kyut at malalantik na tinginan o ‘yung pa-twinkle twinkle eyes na muna ‘ika nga!
Eh, kung titingnan naman ninyo pati nga mga social gathering sa mga weddings, kung ay limitado na rin. Meron ngang mga ikakasal ang nagkansela na dahil siyempre gusto nila ang bonggacious na wedding at parang hindi puwedeng mangyari ito sa panahon ngayon. Pahupain na muna natin ang pesteng si COVID, bago tayo makipag-date sa ating boyfriend.
Mga frennie, kung talagang mahal kayo ng inyong mga boypren at girlpren, makaka-intindi sila na mas prayoridad ngayon ang kaligtasan at kalusugan ng inyong mga jowa. Makuntento na muna tayo sa virtual love. Konting tiis-tiis, no hugs no kiss muna tayo!