Sagot sa sumisirit na presyo ng mga bilihan, now na!!!
ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | December 2, 2020
Super mahal ng mga bilihin ngayon, grabe to the max ang sipa ng presyo kahit nasa state of calamity ang buong Luzon. At may umiiral na price freeze pa! Ano ba ‘yan!
Mahigit sampung araw na ang state of calamity pero tuluy-tuloy at hindi makontrol ang halos dobleng pagsirit ng presyo ng mga gulay at root crops, naku, ha?!
Bakit ba arya nang arya itong price hike, eh, wala na ngang makain ang mga sinalanta kamakailan lang ng Bagyong Ulysses, at may pandemya pa.
Aba, eh, calling-calling DA at DTI! Puro na lang ba kayo pangakong napapako? Sabi kayo nang sabi na makokontrol ang presyo ng mga bilihin, pero nganga pa rin ang taumbayan. Santisima!
Hindi na rin makasunod sa SRP ng gobyerno ang mga tindero dahil limitado lang ang supply dulot ng pananalanta ng mga bagyo. Dagdag pa ang mga mapagsamantalang trader o middlemen, kaya ‘yun sirit agad ang presyo ng bilihin.
Ang IMEEsolusyon d’yan, dagdagan ang iilang Kadiwa rolling stores ng DA! Makakamura talaga ng malaki ang mga mamimili since direct ang supply ng mga magsasaka at mga meat manufacturers sa Kadiwa! Take note, umubra ‘yan 40 years ago, kaya magiging epektibo rin ‘yan ngayon!
Tutal din lang may pondo naman ang DA, DTI at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na makukubra sa ilalim ng Price Act sa panahon ng emergency at state of calamity, bakit hindi gamitin ang pondong ‘yan para magparami pa ng mga Kadiwa rolling store, ‘di ba?
Ang Kadiwa rolling store ang kagyat na IMEEsolusyon sa naghihirap nating mga kababayan na kaliwa’t kanan ang pasanin dahil sa pandemya at sunud-sunod na mga bagyo! Kaya, plis lang, mangialam na ang ating gobyerno at magpadala ng mga Kadiwa sa iba’t ibang panig ng ating bansa!