top of page
Search

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | May 13, 2024



Nakabitin ngayon sa Kamara at Senado ang panukalang buhayin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) para bumili at magbenta ng bigas.


Matagal kasi silang natengga na puro pag-iimbak lang ang kanilang function.


Bago ang lahat, maaalala natin nitong nagdaang Marso lang mismong ang administrator ng NFA, kasama ang iba pang opisyal, ang isinuspinde ng Ombudsman.


Eh, ‘di ba nga ilegal ang pagbebenta nila ng ating buffer stocks sa dalawang pinaboran nilang traders? Hay, naku no! Biruin n’yo ha, P93.75 million ‘yan, kung saan nabenta ang buffer stock sa P25 kilo lang?! 


Samantalang ang presyo nito sa merkado eh, nasa P70 per kilo?! Que horror! Grabe ‘di ba?


At lumipas lang ang ilang araw, isinuspinde naman ang OIC ng NFA at isa pang mataas nitong opisyal. Puro na lang iskandalo at ‘korupsiyon’.


Kasama na d’yan ‘yung mga isyu dati ng sobrang importasyon, smuggling, nawawalang sako-sakong bigas at kickback, Santisima! Tapos ngayon pinamamadali pang ibalik ang power nila? Heler!!!


Ito’y para raw makabili ng murang bigas ang ating kababayan!?


Sa ganang akin, IMEEsolusyon para maging mura ang bigas, unang-unang kalusin eh, ‘yung mga traders! Sila ang nagpapatong at sanhi ng overpricing sa merkado! Mura nilang bibilhin sa farmers, ibebenta nila ng mas mahal!


Kaya naman, dapat matigil na ‘yan! Alisin na ‘yang mga traders, IMEEsolusyon na direkta na dapat ang pagbili ng LGUs sa mga farmers! Agree?

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 26, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Lalo pang tumindi ang init ng panahon, at kamakailan lang pumalo sa 42 degrees sa Metro Manila at noong isang araw sa Zamboanga naman pumalo sa 45 degrees. Grabe to the max ang init.


Oy ah aking mga friendship at sa ating mga lolo at lola, gayundin sa ating mga madaling ma-highblood na mga friendship, abah, abah, mag-iingat po, ah!


Ayon sa pagtaya ng PAGASA, posible pang umabot sa 52 degrees ang temperatura pagpasok ng Mayo ha! Hay naku, juicekolord! Katakot.


Lalo na sa mga heat stroke, at iba pang mga sakit na dahil sa init ng panahon o summer diseases, gaya ng sore eyes, oy ha ‘yung may skin asthma, ihanda ang mga gamot na cream. 


Nitong mga nakaraang araw, umabot sa 31 ang lugar na nakita ng PAGASA na nasa dangerous heat index na may temperaturang mula 42 degrees Celsius hanggang 45 degrees Celsius.


Reminder mga friendship sa mga lugar na ang temperature ay mula 42 degrees hanggang 51 degrees na prone kayo sa heat stroke at heat exhaustion.


Kaya naman ‘yung mga nakakaranas ng mga ganitong sintomas narito ang mga IMEEsolusyon: Una, pumunta kayo sa mga malilim at malamig na lugar na may bentilasyon, alisin ang damit ng nakakaranas ng exhaustion, lagyan ng cold compress, ice packs, painumin ng malamig na tubig,  o dampian ng malamig na face towel sa ulo, sa mukha, sa leeg, kili-kili sa mga braso sa mga paa at singit.


Kapag nawalan ng malay, paamuyin muna ng ammonia, ‘pag bahagyang nagkamalay saka pasipsipin paunti-unti ng tubig at isugod  na sa pinakamalapit na ospital.


IMEEsolusyon naman para maiwasang ma-heat stroke, limitahan ang oras sa labas, uminom ng maraming tubig, umiwas sa pag-inom ng mga tsaa, kape, soda at alak.


Magsuot naman ng sumbrero, magpayong at mga sleeveless o maluluwag na damit.

Mga sis at bro, ‘wag balewalain ang init ng panahon ngayong El Nino ha, mahalin natin ang ating life! Agree?


 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | Abril 12, 2024



Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga tinatamaan ng pertussis o tusperina sa bansa at kaliwa’t kanan na ang nagdedeklara ng state of calamity.


Karamihan dito’y mga taga-probinsya.


Ayon sa DOH, pumalo na sa 1,112 ang naitalang kaso ng pertussis sa bansa.


‘Yan ay mula Enero 1 hanggang Marso 30 lang ng taong ito.


Ako eh, nagulat kasi laban-bawi lang ang peg ng DOH. Sabi nila noong una, kontrolado na ‘yan, eh, bakit ngayon, patuloy pa pala ang pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito, ha!  

Abah eh, nasa 54 na raw ang nasawi mula noong Enero hanggang ngayon, ayon sa datos ng DOH! Juicekolord! Dumarami ha! 


At kabilang sa mga rehiyon na nakitaan ng patuloy na pagtaas ng kaso ay sa Eastern Visayas, Cagayan Valley, CARAGA, Central Luzon, at Cordillera Autonomous Region.


Una rito, kinumpirma ng World Health Organization na ang tigdas at pertussis ay concern na sa maraming bansa dahil sa COVID-19 pandemic lockdowns... ‘di ba alarming ‘yan?! Santisima!!


Isa pang naging problema, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa ang vaccine hesitancy.


Aminado naman ang DOH na mababa na ang suplay ng pentavalent o 5-in-1 vaccine sa bansa ngayon na nasa 64,400 doses na lamang.


Umorder na nga raw ang gobyerno ng dagdag na 3 milyong doses ng bakuna.


Sa ganang akin, IMEEsolusyon ang maging maagap na tayo… “prevention is better than cure”.


Magboluntaryo na tayo magsuot ng face mask, lalo na ‘yung ating mga batang tsikiting! Hihintayin pa ba natin na magkasakit sila?! Hello!!


IMEEsolusyon din na ngayong tag-init kung may mga outing kayo dahil sa sobrang init ng panahon, pili kayo ng lugar na ‘di matao lalo na kapag may kasama kayong mga bata at mga baby! Eh, ‘di ba nga ambilis ng hawahan sa pertussis-mala-COVID!


IMEEsolusyon na kung hindi naman necessary na isama ang bata lalo na sa mga mall o grocery o anumang public place, ‘wag nang isama, plis lang! Iwan na sa bahay para ‘di magkasakit!


‘Wag nang isugal ang buhay ng ating pamilya… sa matataong lugar! Super-ingat tayo mga ka-IMEEsolusyon! Agree?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page