ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Marso 25, 2024
May mala-COVID na namang banta sa kalusugan natin.
Nitong mga nagdaang linggo, nakapagtala ang Quezon City government ng apat na namatay dahil sa nakahahawang viral o bacterial infection na tinawag na pertussis.
Tinawag din nila itong whooping cough at ayon nga sa Department of Health, mala-COVID talaga ito dahil mabilis makahawa na naisasalin din sa droplets at hangin.
Kaya talaga ring nakakaalarma bagama’t mas marami na ang naiulat na kaso nito sa QC kaya nagdeklara na sila ng pertussis outbreak!
Sa huling tala, halos nasa 500 ang mga tinamaan na ng pertussis sa buong bansa.
Ayon pa sa DOH, mas prone rito ang mga sanggol o mga bata. Kaya naman plis, mag-ingat naman tayo. ‘Wag na nating hintayin pang maging COVID-19 na naman ito.
IMEEsolusyon na agapan na natin ang sakit na ito. Well whether we like it or not, abah eh, IMEEsolusyon na magbalik-face mask na tayo para makasiguro ‘di bah?!
Lalo na ‘yung mga pumapasok sa eskwela, abah eh, magsuot muli ng face mask!
IMEEsolusyon rin na umiwas-iwas na muna tayo sa mga pagtitipon malapit sa mga lugar na sinasabing may mga taong dinapuan nito.
IMEEsolusyon na ibalik na rin natin ang paggamit ng mga alcohol at iba pang health protocols na ginawa natin noong kasagsagan ng pandemya.
Remember, iba na ang nag-iingat, kaysa muling mabiktima ng panibagong viral infection na mabilis na makahawa. ‘Wag maging kampante! Agree?