ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 22, 2021
Malapit na ang susunod na planting season, kaya problemado ngayon ang ating mga magsasaka. Bakit? Sumirit kasi ang presyo ng pataba.
Sa sumbong ng mga magsasaka natin sa ilang probinsiya, umaaray na sila hindi pa man nakapagsisimulang magtanim, dahil hindi na nila alam kung saan sila huhugot ng perang pambili ng abono.
Biruin n'yo naman, idinaing ng mga magsasaka na mahigit sa doble ang itinaas ng presyo ng mga pataba. Ang 50-kilos kada sako ng Urea ay nagkakahalaga na ngayon ng PhP2,300;
]Complete Fertilizer (14-14-14) na mabibili na sa PhP1,750; at 16-20-0 mix na ibinibenta na ngayon sa PhP1,650.
Ang mga nasabing presyo ay mas mataas pa sa naisapublikong presyo ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) nitong nagdaang linggo na nasa average lang na PhP2,0333.58 para sa Urea, PhP1,542.28 para sa Complete Fertilizer at PhP1,422.08 naman para sa 16-20-0 fertilizer, meaning, malayo 'yan sa reyalidad na nai-publish nila! Naku, ha?
Tanong lang natin, eh, nasaan ba kasi ang subsidiya ng DA, eh, hindi ba dapat ipinamamahagi 'yan ilang buwan bago pa ang planting season? Take note, hindi 'yan apektado ng pandemya dahil meron na dati pang badyet na inilaan d'yan!
Nakakaalarma ang pagsirit ng presyo ng fertilizer kasi kapag mataas ang presyo ng pataba, awtomatik may epekto 'yan sa rice production ng mga magsasaka at tiyak na may domino-effect din 'yan sa presyo ng mga lokal na bigas na ating binibili! Santisima!
Eh, aaray na naman tayo na mataas ang presyo ng bigas niyan!
IMEEsolusyon d'yan, plis naman DA, 'wag n'yo namang patutulugin ang pondong laan sa subsidiya sa pataba para sa mga magsasaka, sila ang mapeperwisyo niyan. Pakibigay na habang puwede pang maihabol, now na!
IMEEsolusyon din para naman hindi na tayo umasa sa mga imported na mga pataba, aba, mag-produce na kasi ng sariling atin. Plis, pakitutukan ito para naman hindi tayo nakadepende lang doon. Remember, matatangkilik na ang sariling atin, less pa 'yan sa ating gastusin, 'di ba?
Pahalagahan natin ang mga magsasaka sa ating bansa, unahin ang kanilang mga pangangailangan para naman maging matatag ang seguridad at supply ng ating pagkain!
Agree?