ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | January 11, 2022
Kaliwa’t kanan ang nakararating sa ating kwento na nagkakaubusan ngayon ng paracetamol, gamot sa lagnat, ubo’t sipon. Bakit?!
Ano na naman bang pakulo ‘to – ano meron? Pansin lang natin, mula nang maging aktibo na naman ang COVID-19 sa pagbungad ng taon at dumami ang nagka-flu, ‘yan na nga’t naubusan na ng mga supply ng paracetamol sa tindahan, botika at iba pang pamilihan.
Ang sabi ng ilang Marites, aba, eh, pinipeke na raw ito para kumita ang mga negosyante, itinatago o hino-hoard. Sabi naman ng ilan, nagkukulang talaga ang supply. Ano ba ang true?!
Aba, something fishy ‘yan, ha?! Pero this time, maagap ang DTI at ating mga kasamahan sa gobyerno. Iimbestigahan kung fake news o sadya talagang merong nagho-hoard.
Well, IMEEsolusyon nito, talagang tutukan ng DTI, dapat puspusan at talagang kung may tao sila sa bawat LGUs, personal na puntahan at tingnan ang malalaki o maliliit na botika kahit ‘yung mga nasa mall, ‘di ba?
Iba lang ang personal na biglaang inspeksiyon para naman walang makapagtago ng totoong impormasyon at ma-check na rin ang presyuhan nito sa merkado kung nagtaas.
At most of all, papanagutin talaga ang mga nananamantala! Juiceko naman, pati ba naman tayong Pinoy, eh, pagkakakitaan pa ang gamot?
Plis naman, magkakabayan tayong lahat! Nasa krisis tayo ngayon at buhay ng bawat isa ang nakataya rito. Paano kung kaanak ninyong hoarder kung totoo man ‘yan, ang nangailangan ng gamot at walang mabili, sige nga, aber? Paano ‘yan?! LGUs, plis, pakitulungan na rin ang DTI vs hoarders!
Pakiusap DTI, ‘wag ningas-kugon, ha?! Siguraduhin nating hindi pinepeke ng mga negosyante ang kakapusan ng mga paracetamol o hini-hoard lang para kumita lalo na’t panahon ngayon ng pandemya! Kilos na! Now na!