top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Dec. 27, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, HELLO?! Ano na ang ganap sa suporta natin sa lokal na pelikula? 

Habang busy tayo sa kaka-stream ng foreign dramas at Hollywood blockbusters, nalilimutan na yata natin na ang kuwento natin bilang Pilipino ay kasing ganda ng kahit anong international hit.


Real talk: Bakit ang hirap magbenta ng local films sa sariling bansa? Kasi tayong audience kulang sa suporta. Lagi nating tanong — “May sikat bang artista?” or “Maganda ba ang CGI?” Mare, hindi lang mukha at effects ang basehan ng maganda! Paano na ang kuwento, substance, at lalim?


Ang tagumpay ng mga pelikula tulad ng ‘Himala’ ay kuwento ng Pilipino — faith, resilience, at kultura. Pero paano magkakaroon ng bagong ‘Himala’ kung hindi natin susuportahan ang mga direktor, manunulat, at aktor na gumagawa ng ganitong mga obra?


Kung naghahanap kayo ng panimula, perfect ang Metro Manila Film Festival (MMFF)! Isa itong pagkakataon na panoorin ang mga kuwentong Pilipino sa big screen na may kasamang paandar mula sa pinakamahuhusay na filmmaker at aktor ng bansa.


At dahil d’yan, let me flex this law na tumutulong sa industriya — Philippine Creative Industries Development Act (RA 11904) na siyempre bet na bet natin! Layunin nitong palaguin ang creative industries para mabigyan ng trabaho ang mga artist at creators, may proteksyon sila sa karapatan, at magkaroon ng mas maraming platform para i-showcase ang kanilang talent! Bongga, ‘di ba? Pero, ano ang silbi ng batas kung walang audience?


Bilang manang n’yong nasa creative industries, sinasabi ko na oras na para itodo ang tulong sa lokal na pelikula. Kahit ano pa ‘yan — drama, romcom, indie, o experimental — panoorin natin!


Deserve ng local films natin ng ganu’ng spotlight! Let’s give them the love they deserve. Hindi lang sila pang-aliw — sila ang puso ng ating pagkakakilanlan. Go na! Push na sa suporta sa lokal! Dasurv nila ‘yan!

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Dec. 20, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Breaking news! P50B ang tinapyas sa 2025 badyet ng 4Ps! Yes, ganu’n kalala, parang inisnab lang ng isang iglap. Kalerki!


Papaano na ang mga mahihirap na kababayan natin? Literal na sa gitna ng nagtataasang presyo ng bilihin, tinanggalan pa sila ng lifeline! Parang breakup na walang closure mga beshie!


From P114 billion naging P64 billion na lang! Ang lufet! At ang pinakamasakit? Ano ‘yan kailangan nating pumili? Kung hanggang June lang ang ayuda para sa 4.4 milyong pamilya o kalahati lang ng beneficiaries ang matutulungan. After that? Bahala ka na sa kanila Lord? Ganu’n na lang?


Mga teh, seryoso ‘to. Hindi emeng eksena! Ang 4Ps ang tumutulong para may pambili ng gamot, pang-ulam at pambayad ng tuition ang mga mahihirap. Kapag tinanggalan mo ng pondo, parang sinabihan mo silang, “Sorry, hanggang June 2025 na lang ang ayuda. Diskarte mo na ‘yan. Move on!” Ang harsh, beshie! ‘Di ko keri!


Kung meron ngang pangbonggang gastos para sa kung anu-anong palpak na projects, bakit hindi ito ilaan sa 4Ps?


Ano na mga mars at sa ading kong si PBBM? May mas priority pa ba kaysa sa pagtulong? Charotera na lang ang peg natin kung ganu’n!


Ibalik ang pondo para sa 4Ps! ‘Wag natin tanggalan ng pondo ang mga programang lehitimong tumutulong.


Kaya ito na tayo, magtulungan para mabigyan ng justice ang 4Ps at ang ating mga kababayan. Walang bitter ending, lahat dapat happy lang! Dasurv natin ‘yan! Agree?

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Dec. 14, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, just like that, Pasko na naman! Ayan na ang Christmas rush at imbey na traffic! May mga panregalo na ba kayo mga sis? Easy lang maghanap ng gifts pero super hard i-afford ng budget natin! Kaloka!


No worries, mga sismars, at narinig ko ang mga Christmas SOS ninyo. Kasing sikip ng eskinita ang budget natin this year dahil sa napaka-OA na presyo ng mga bilihin!


Kaya ito na nga ang ating Christmas Tipidity Tips: Una, mag-all out sa pagtulong at pagbibigay! Puwede kang mag-volunteer sa community activities tulad ng feeding program, outreach para sa mga nangangailangan, o maki-join sa charity groups na tumutulong sa mga bata, matatanda, homeless, o may sakit. Hindi lang puso ng ibang tao ang mapapasaya mo, pati sarili mong puso, super busog sa pagmamahal! Antaray, ‘di ba?


At ito pa, puwede ka ring mag-donate ng dugo! May mas maganda pa bang regalo sa chance na maka-save ng life? Wala itong price tag pero ang value nito hindi matutumbasan.


Forda fambam and friendships, ito ang ilang tipidity gift ideas na siguradong special at puno ng effort!Magbigay ng homemade o personalized gifts! Gumawa ng mga cute na vouchers para sa parentals at relatives — FREE linis ng kuwarto, hugas ng pinggan, foot massage, car wash o kahit ano pang kaya mong gawin.


Playlist? Check! Gumawa ng curated playlist with all the feels. Basta’t may puso, best gift ‘yan, teh!


Photos? Yes, please! Magpa-print ng special photos ninyo together o gumawa ng photo collage. Mas thoughtful, mas memorable, mas kabog!


Hindi naman kailangang expensive ang gifts! Ang pinaka-essence ng regalo ay love, love, love! Gaya nitong gift ko para sa inyong lahat: ang DASURV ninyong serbisyong tapat at totoo! DASURVICE para sa lahat hindi lang ngayong Pasko, kundi everyday! Ang bongga, ‘di ba?


Have a merry tipidity Christmas, mga beshie!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page