ni Imee Marcos @Imeesolusyon | April 10, 2023
Nag-abiso ang Maynilad nitong nakaraang mga araw na magkakaroon sila ng 19 oras na water interruption araw-araw.
Kapos daw kasi sila ng tubig na isu-supply sa kanilang mga customer. Pero tinanggihan nga raw ng National Water Resources Board (NWRB) ang hirit nilang dagdag-alokasyon sa harap ng krisis sa tubig.
Sa harap niyan, matagal ko nang IMEEsolusyon ang mamuhunan tayo sa pagtatayo ng mga water impounding system, kung saan maaaring mag-imbak tayo ng mga rain water tuwing tag-ulan at magagamit natin ito ngayong may water crisis.
IMEEsolusyon din na i-rehabilitate na natin ang ating mga dam na source ng ating water supply.
Abah, eh, mayroon na nga raw sira ang mga aqueduct na dinaraanan ng tubig mula sa mga dam, saka kopong-kopong pa ang mga dam na ‘yan. Eh ‘di ba, mula nang buksan ang Angat, Pantabangan at Magat Dam way back 1976 hanggang 1983, kahit isang beses ay hindi pa ito nakatikim ng rehabilitasyon.
Take note, tiyak na darami pa ang water rationing na mangyayari dahil hindi biro ang araw-araw na water interruption na ‘yan, ha. Santisima!
Remember, hindi lang mga ordinaryong household ang apektado sa tuwing bumababa ang supply ng tubig mula sa nasabing mga dam kundi maging ang mga magsasaka natin sa Pampanga at Bulacan.
‘Yung Cloud-seeding, eh, pansamantalang pansalo lang ‘yan sa problema sa tagtuyot.
Mahalagang unahin natin na itayo ang maliliit na water impounding system at ang rehabilitasyon ng ating mga dam. Dapat isagawa ‘yan ASAP, lalo na't may inaasahang El Niño. Agree?