ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | October 28, 2023
Lagi kong sinasabi at ipinapaalala bilang tayo ang chair ng Senate Committee on Health na napakahalagang aspeto ng tamang nutrisyon para mapanatili ang pangkalahatang kalusugan ng isang tao.
Importante ito lalo na sa mga pasyente para mas mabilis silang gumaling sa kanilang mga karamdaman, at maging sa mga nagtatrabaho sa medical community na siyang nag-aalaga sa mga pasyente. Dapat nating tiyakin na ang ating mga pasyente sa mga ospital, maging ang ating healthcare workers at frontliners ay may access sa masusustansyang pagkain lalo na sa panahon ngayon na mahirap ang buhay.
Ang importante sa akin ay may laman ang tiyan ng ating mga kababayan. Unahin natin ang kapakanan ng mga mahihirap. Sikapin natin na walang magutom sa kanila.
Bilang ehemplo, sinikap nating maghatid ng libreng pagkain para sa mga pasyente, hospital workers, at frontliners sa mga pampublikong ospital na may Malasakit Centers para palaganapin ang kahalagahan ng tamang nutrisyon sa bawat Pilipino. Hindi lang ito basta pagtulong lang sa kanila, kundi isa ring simbolo ng pangangalaga at pagsuporta sa kanilang mga sakripisyo at kabayanihan.
Nais ko ring bigyang-diin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa ating mga kababayan, kaya sa paglilibot ng aking opisina sa mga komunidad, palagi naming sinisikap na magbigay ng kaunting pagkain upang hindi sila magutom. Sa pagkain tayo kumukuha ng lakas at proteksyon laban sa iba’t ibang sakit kaya dapat lang na ang bawat Pilipino ay may access sa sapat at masustansyang pagkain. Naniniwala tayo na ang malusog na katawan ay isa sa mga pundasyon ng pag-unlad ng bawat pamilyang Pilipino.
Sa ating isinasagawang feeding activities sa iba’t ibang Malasakit Centers sa buong bansa, nakapaghatid tayo ng pagkain tulad ng lugaw sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila, at maging sa mga ospital sa Pampanga, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna at Rizal. Nakabenepisyo na rin dito ang mga pasyente, hospital workers at frontliners sa mga ospital sa Cebu, Aklan at Antique sa Visayas. Sa Mindanao, nakapagdaos din tayo ng feeding initiative sa mga ospital sa Misamis Oriental, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro, Cotabato City, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Sultan Kudarat at marami pang iba.
Sa totoo lang, nababahala tayo sa pagtaas ng kaso ng malnutrisyon sa ating bansa na nakakaapekto na sa milyun-milyong batang Pilipino, na nagpapabagal sa kanilang paglaki at pagkatuto. Kailangang masolusyunan agad ito sa pamamagitan ng sama-samang pag-aksyon ng mga nasa gobyerno.
Kung matatatandaan, noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinatupad ang Philippine Plan of Action for Nutrition 2017-2022 para matugunan ang malnutrisyon sa buong bansa. Isa sa mga naging istratehiya ng naturang plano ay ang magpokus sa unang 1,000 days ng sanggol para matiyak na magkakaroon siya ng pinakamaayos na pag-unlad sa pisikal at mental na aspeto. Maipagmamalaki natin
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.