MAHINHING AKTRES, NASILAW SA PERA, IPINAGPALIT ANG MISTER NA DRAMATIC ACTOR KAHIT MAY 2 SILANG ANAK SA RICH MILITARY MAN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 27, 2020
BLIND ITEM:
Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi makapaniwala sa istorya sa likod ng paghihiwalay ng maganda, mabait at mahinhing aktres at ng mister niyang dramatic actor. Dalawa na ang kanilang anak nang sila ay maghiwalay.
Maraming aktor ang nagkagusto sa mahinhing aktres noong bago pa lang siyang nag-aartista. Halos lahat ng sikat na action stars ay nakapareha niya sa pelikula. Siya kasi ang typical leading lady na sweet ang image na babagay sa mga action stars.
Pero sa dinami-rami ng nagkagusto, nanligaw at nagparamdam sa mahinhing aktres, sa kapareha niyang aktor sa isang serye sa TV siya na-in love at nauwi sa pagpapakasal.
After magkaroon ng dalawang anak na babae, napabalitang naghiwalay na ang aktres at ang dramatic actor. Ang bait-bait at ideal husband ng aktor, kaya takang-taka ang kanilang mga kaibigan kung bakit nagawa pa itong hiwalayan ng aktres. Dinala ng aktres ang dalawang anak at nanirahan na sa Amerika.
May umugong namang tsika na may pumasok na third party sa mag-asawa. Isa raw itong man in uniform na may mataas na katungkulan. May mga properties itong military man sa USA kaya nagawang talikuran ng aktres ang kanyang career at ang kanyang mister na dramatic actor.
Hanggang ngayon ay nasa Amerika pa ang aktres at ang mga anak niyang dalaga na ngayon. Sabi tuloy ng mga showbiz observers, mabait at mahinhin ang imahe ng aktres sa publiko pero hindi naman pala siya ideal wife. Segurista sa buhay at nasilaw sa yaman!