ni Ka Ambo @Bistado | Nov. 5, 2024
Tapos na ang kampanyahan sa US.
Anumang oras ay matutukoy na ang makabagong hari sa daigdig.
----$$$--
WALANG Pasko sa mga biktima ng Bagyong Kristine.
Nagdarahop na, lalo pang nagdahop!
----$$$---
LAGANAP na uli ang nakawan at mga panggogoyo.
Sintomas ng tuyot na Pasko.
----$$$--
DIRETSO lang ang serye ng mga pagpatay sa iba’t ibang lugar.
Simoy ng maruming halalan.
----$$$--
KUMPIRMADO ang pagsali ng North Korea sa giyera ng Russia kontra Ukraine.
Matik, kasali rin ang South Korea.
Bakit kaya hindi doon na lang sila sa Korean Peninsula maggiyera?
----$$$--
IBA’T ibang klase ng opinion survey sa election ang ibinababad sa media.
Kasama po ‘yun sa sinasabi ninyong ‘fake news”.
Mapipigil ba ninyo?
----$$$--
TRILYON-TRILYON-TRILYON piso na ang utang ng Republika ng Pilipinas.
Utang versus utang.
----$$$--
WALANG kongkretong programang pang-ekonomiya ang bansa.
Walang landmark program.
Tsk, tsk, tsk.
-----$$$--
BUMABA raw ang trust rating ni VP Sara.
Batay ‘yan sa pa-survey ng kanyang mga kalaban sa 2028.
----$$$--
HINDI pa matukoy kung nasaan ang kinidnap na Kano sa Zamboanga.
Hindi kaya “prank” lang?
----$$$--
NAGSAGUPAAN ang magkaaway na paksyon ng MILF.
Huh, akala ko nabuwag na ang MILF?
-----$$$---
IPAPATAWAG daw uli ng Senado si ex-PRRD.
Kumbaga, isa pa ngani!
----$$$--
MAYROON bang maituturing na outstanding cabinet secretary ngayon?
Iisipin ko muna.
-----$$$--
NAGKASUNDO na ang China at India matapos ang mano-manong bakbakan sa Himalayas.
Ayon kay Sen. Imee, puwede rin daw magkasundo ang Beijing at Maynila matapos maputulan ng daliri ang isang Pinoy sa WPS.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.