ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 23, 2024
Photo: Billy Crawford - Instagram
Sa isang panayam kay Coleen Garcia, sinabi niyang magiging merry ang Christmas nila ng pamilya dahil sa magandang itinatakbo ng singing career ng asawang si Billy Crawford sa England.
Aside raw sa concert sa France, may 32 more shows pang naka-line-up sa mister, at may wino-workout na bagong new album.
Christmas is indeed going to be merry for Billy, Coleen and their son Amari.
Pero kahit marami nang projects si Billy, marami raw siyang options na puwedeng gawin, pero hindi pa rin daw siya makapag-decide kung lilipat ba sila sa France.
Sa ngayon daw, naka-stay sila sa central Paris while Billy is busy with his projects. Sa Paris daw ay siya lahat ang gumagawa dahil wala silang househelper.
Kapag day-off naman daw ni Billy, doon daw sila nagkakaroon ng time na makapag-bonding ng pamilya by exploring the outdoors.
“I pray and I hope that everybody gets to spend as much time as they can with their family, friends,” ang Christmas wish niya sa lahat.
Aniya pa, “I just pray that in the midst of all the chaos, all of the busyness and even in the middle of all the Mondays, that people celebrate with their loved ones.”
Tinanong kung orig ang shades…
JC, NA-OFFEND KAY ALEX
Nagbalik-tanaw si JC de Vera noong guest siya ni Stanley Chi para sa One News PH nang ma-offend siya noon kay Alex Gonzaga halos dalawang dekada na ang nakararaan.
Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang mga ugali ng mga nakatrabaho na niya sa industriya. Dito na naalala ng aktor ang ginawa sa kanya ni Alex.
Naitanong kasi ni Stanley kay JC kung mayroon na ba siyang naging co-star na may ‘attitude’.
Sumagot ang actor, “Mayroon.”
Aniya, “Mayroon, pero eto naman, nakakatawang pag-a-attitude ‘yun.”
Kuwento ng aktor, “‘Yung bagong lipat ako sa TV5, may ginagawa kami nu’n, ‘yung Lokomoko, ‘yung gag show, tapos… Sige, pangalanan ko na.
“First time kong makilala si Alex Gonzaga. Hindi ko siya kilala personally, pero since makakasama ko siya sa isang show, nakilala ko na s’ya.”
Kakakilala lang nila ni Alex, hindi raw niya sukat-akalain na diretsahan siyang tatanungin ng aktres tungkol sa suot niya noong shades.
Pagbabahagi pa ng aktor, “‘Yung first few taping days namin du’n, eh, nag-out-of-town shoot kami. So, naka-shades ako na pula, Oakley [ang brand], naaalala ko pa, hindi ko talaga makalimutan.
“Tapos, tinanong n’ya ako, ‘JC, original ba ‘yang shades mo?’ Natawa ako kasi hindi ko alam kung maiinis ba ako na maaasar ako sa kanya. Pero definitely, na-offend ako.
“Pero alam ko namang ‘di n’ya mini-mean kasi, ‘yun nga, hindi naman kami talaga magkakilala pa o close.
“Hindi ko rin alam kung intentionally ba n’yang gustong punahin kung totoo ba ‘yung shades ko o fake.
“Sumagot lang ako na, ‘Orig ‘to!’ Pero alam mo ‘yung awkward moment na parang [iniisip ko], ‘Ano’ng isasagot ko sa ‘yo? Bago lang ako dito, tapos tatanungin mo ako nang ganyan.
Parang, mukha ba akong nagsusuot ng fake?’”
Aminado si JC na na-offend at nasaktan siya sa ginawa ni Alex.
Pakli niya, “Parang siguro, mga ten minutes to fifteen minutes, parang na-hurt ako, eh, na tinanong n’ya ako nang ganu’n… Nagulat ako, eh.
“Pero iniisip ko na lang na baka ‘yun ‘yung way n’ya for being friendly.”
Hindi naman daw siya nagtanim ng sama ng loob sa kapatid ni Toni Gonzaga.
Katunayan daw nu’n ay naging magkaibigan sila at muling gumawa ng comedy film.
Sey niya, “After naman nu’n, gumawa pa kami ng project together ni Alex, ‘yung comedy din [so okay kami].”
Ang tinutukoy niyang comedy film ay ang The Entitled na ginawa nila nu’ng 2022.
Ipinasilip ni Pauleen Luna ang masayang Hong Kong trip nila ng kanyang pamilya, si Bossing Vic Sotto and their two kids.
Sa socmed (social media) ni Pauleen ay ibinahagi niya ang ilang photos at clips ng masaya nilang bakasyon.
“Hong Kong hits,” ani Pauleen sa caption.
Ito ang mga sey ng mga netizens:
“Ang cute ng smile ng bunso.”
“Wow! Always in Hong Kong sila, sana ma-meet ko rin kayo ‘pag nagpunta kayo uli. Love you,
guys. Ang cute n’yo.”
“3rd slide is (heart emoji).”
“Family bonding time.”
Napa-“sana all” naman ang isang commenter sa masayang vacay ng mag-anak.
Super-enjoy ang dalawang daughters ng celebrity couple, lalo na nang nasa Hong Kong Disneyland ang mga bagets.