ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 27, 2024
Photo: Rufa Mae Quinto - Instagram
Matagal na ring nakabalik sa 'Pinas si Rufa Mae Quinto. Ang usap-usapan, kaya umuwi na sa bansa ang comedienne-actress ay dahil hiwalay na raw ito sa asawang si Trevor Magallanes.
First time na humarap muli si Rufa Mae sa mga press people kamakailan para i-launch ang produktong DeoFlex na pag-aari ni Ms. Shea Tan, CEO at chemist na gumagawa ng produkto.
Ayon kay Ms. Shea, una niyang ginamit ang gawang produkto sa sarili para gawing trial and error, at if ever na palpak ay ang katawan niya ang unang maaapektuhan.
Nang umepek kay Ms. Shea ay ipinakilala na niya sa publiko ang gawang produkto. By word of mouth ay nakilala ang DeoFlex hanggang sa lumago na ito.
Gusto ng CEO na lalong lumawak ang kanyang produkto kaya kumuha siya ng celebrity endorser. Si Rufa ang naisip niyang maging unang ambassadress dahil sa trademark nitong “Go, go, go!”
Swak umano ang "go, go, go" word ni Rufa Mae sa DeoFlex kasabay na ang “Todo Na ‘To!”
Sa launching ng product ay pinutakti ng tanong ang comedienne-actress tungkol sa kanila ni Trevor. Isiniwalat ni Rufa Mae na walang katotohanang sila ay hiwalay na.
Paliwanag niya, kaya raw siya bumalik ng bansa kasama ang anak nilang babae dahil matagal na rin siyang hindi nakakauwi.
Umalis si Rufa Mae ng 'Pinas noong time na wala pang pandemic. Doon sila inabot ng anak ng pandemya, kaya matagal silang na-stuck doon.
Sa America nagwo-work ang mister ni Rufa Mae na isang Fil-American.
SA Baguio nag-weekend ang family nina Solenn Heussaff at Anne Curtis. Masayang nag-family camping ang mga ito roon.
Ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram (IG) ang mga larawang kuha sa kanilang bonding moment sa Baguio.
Kasama ng Kapuso artist ang husband na si Nico Bolzico and their daughters Thylane and Maëlys, as well as Anne, her husband Erwan Heussaff, and their daughter Dahlia.
“Our country [is] showing off,” ani Solenn sa caption.
“Loved our little weekend in Baguio,” dagdag pa niya.
ISANG netizen ang nagkomento sa Zumba video ni Ai Ai Delas Alas.
Ayon sa netizen, dapat mag-focus na si Ai Ai sa self-care at spiritual walk dahil sa kanyang edad.
Sinagot naman ng komedyanang aktres ang komento nang mahinahon at may patutsadang kailangan niya ng suporta.
Ipinagtanggol naman siya ng kanyang mga supporters at sinabihan ang netizen na
huwag na itong makialam sa buhay ng aktres.
Ang komento ng netizen ay tila may halong panghuhusga sa personal na buhay ng Kapuso actress.
Sey kasi nito, “Then, hanap na naman ng ibang lalaki. Naku, sana nadala ka na sa edad mo ngayon, dapat self-care, family care, and most of all, your spiritual walk ang i-prioritize mo, life is fleeting.”
Sagot ni Ai Ai, “Kung wala kang magandang sasabihin, might as well not support na lang... this is not easy.”
Sa kabila ng natatanggap niyang mga negatibong komento ay hindi na nagpapaapekto ang aktres. Para sa kanya, tuloy lang ang buhay.