ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 2, 2024
Aliw ang pagpo-promote ni Coco Martin para sa kanyang TikTok account.
Join na rin si Tanggol ng Batang Quiapo (BQ) sa TikTok na nakalikom ng higit 68,000 followers sa loob ng anim na oras at mahigit 200,000 na sa kasalukuyan. Inanunsiyo ni Coco ang desisyon sa kanyang verified account na @cocomartinofficial, at ang kanyang unang video ay umani ng mahigit 6.6 million views at higit 400,000 likes.
Bago ang TikTok, mayroon nang mahigit 486,000 followers ang kanyang Facebook (FB) page at 396,000 followers sa Instagram (IG).
Kakaiba ang pag-anunsiyo ni Coco ng kanyang pagpasok sa TikTok, aakalain ng mga netizens na magsasalita ang actor para sabihing tatakbo siya sa pulitika.
“Matagal ko pong pinag-isipan ito at ngayon, desidido na ako. Gagawin ko ito para sa kinabukasan ko, sa kinabukasan ng aking pamilya at sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino,” aniya sa kanyang video.
Dagdag pa niya, maraming tao ang nagkumbinse sa kanya, “Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, i-follow n’yo na ako.”
Hahahaha!
AYAN, lumabas na rin ang totoo na magkasama sa Italy sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial dahil sa lumabas na photo nila na kuha sa Manila Restaurant na maaaring pag-aari ng isang Pinoy na roon na naka-based.
Dahil d’yan, kani-kanyang opinyon ang mga netizens.
“Ano kaya’ng meron kay Barbie at nagustuhan ni Richard, ‘no? ‘Di ba s’ya nahihiya sa mga anak n’ya? Same with Barbie, maganda naman siya pero of all people, why Richard?”
“For R naman, I guess youth? At madali ma-control kasi nga bata plus maganda as you said. Pero palaisipan pa rin sa ‘kin, and no offense kay B, pero what do they even talk about? From Georgina (Wilson) to Sarah (Lahbati) na let’s be honest, mas may class and appeal.”
“Nagsawa na s’ya sa class at appeal.”
“How did you know? Have you talked to both of them? Baka nga it’s the other way around? Men and also women prefer to be with someone who they can share laughter with, that’s even the secret ingredient to a long lasting relationship - humor. Minsan sa totoo lang, ang hirap makipag-relationship sa mga pa-deep na tao, “classy” or super serious based from my experience, mas masarap to be with someone who you can be with your silly self.”
“Yes, maganda si B pero sa true, walang laman.”
Hala, grabe naman!
NAG-CELEBRATE si Robi Domingo ng kanyang 35th birthday kamakailan. Meron siyang video kung saan may emotional message ang TV host. Birthday wish para sa sarili ang nasabing video na magkaroon na sana siya ng anak which is alam niyang hindi pa matutupad dahil sa kondisyon ng kanyang misis.
Aniya, handa na raw siyang maging ama, pero sa kondisyon ni Maiqui na may autoimmune condition ay hindi pa pupuwede.
Ipinauubaya na lang daw nila kay God ang pagkakaroon ng anak.
Last year, ini-announce ni Robi ang kondisyon ni Maiqui but despite this, nagpakasal pa rin sila.
“My plan in the next five years is to be a better houseband and husband. And hopefully next year, when the Lord permits it and when her [Pineda’s] condition permits it – depende sa clearance ng doctors – I hope to introduce you to a baby Robi or baby Maiqui, or why not twins?”
Maraming mga netizens ang nag-react sa kanyang sinabi dahil pressure raw ito kay Maiqui, pero ang iba naman ay naiintindihan ang kanyang feeling.
Para naman kay Maiqui, ang video na ginawa ng kanyang mister ay no issues at all which she has already mentioned before.