ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 12, 2024
Photo: Dominique Cojuangco Hearn - IG dominique
Ifinlex ni Dominique Cojuangco ang kanyang video sa Instagram (IG). Walang make-up ang mukha ng anak ni Gretchen Barretto but she looked so stunning.
Maging ang mga netizens ay na-amaze sa looks ng anak nina Gretchen at Tony Boy Cojuangco, dahil hindi maipagkakailang anak nga siya ni La Greta at very proud siyang sabihin na she’s Gretchen’s daughter.
Sabi nga ng mga netizens, ang beauty ni Dominique ay nagmula sa mga Barretto.
Sa video ay proud din niyang isinuot ang t-shirt na may mukha ng ina.
Komento ng netizens:
“Kayumanggi version ng mommy n’ya, ganda talaga n’ya.”
“So pretty just like your mama.”
“Stunning execution of gorgeousness courtesy of Gretchen & Mr. Tony Boy Cojuangco.”
“I thought si Julia M sa thumbnail."
“Yes, may hawig sila.”
“She said she hates it when ppl (people) say that.”
Pero may mga nega comments din sa beauty ni Dom.
“Ito 'yung ugly duckling turned swan. Ganda n’ya.”
“Best beauty secret: money.”
“There’s no such thing as ugly people. They’re just poor.”
“Enhanced na rin ang ganda n’ya, ‘di ‘yan ganyan nu’ng bata, especially lips and jaw/face shape. Hanapin n’yo mga pics n’ya nu’ng bata pa s’ya. Pareho sila ng pinsan n’ya na si Dani, prominent gums and teeth, kaya nagpaganyan s’ya ng lips and malamang nagpaayos na rin ng gums.”
“‘Pag may pera…”
“Ang laki ng ginanda n’ya ngayon.”
Ayon naman sa isang commenter, “I wonder if nakasulat sa t-shirt ‘yung title ni Greta na ST Queen, that was her title back then.”
NIREGALUHAN ni Angel Locsin ng aso si Vice Ganda.
Sa kanyang bagong vlog, naibahagi ni Meme Vice ang natanggap na regalo mula sa kaibigang si Angel Locsin, pati na rin sa asawa nitong si Neil Arce.
Ayon sa It’s Showtime (IS) host, nalaman daw ni Angel na labis siyang nalungkot sa pagpanaw ng aso niyang si Chip In.
Binigyan siya ng mag-asawa ng bagong pet, isang giant poodle na anak din ng alagang aso nina Angel.
Nang malaman ito ng mga netizens, marami ang lalong naka-miss sa mahusay na aktres. Matagal na rin kasing hindi nagpaparamdam maging sa socmed (social media) ang misis ni Neil.
Ayon kay Vice, labis niyang ikinalungkot ang pagkawala ni Chip In, kaya’t nagbigay ng bagong pag-asa sa kanya ang regalo ng mag-asawa.
Samantala, maraming mga fans na ang nag-e-expect na magpapakita na ang aktres sa showbiz. Feeling daw nila ay unti-unti nang nagpaparamdam si Angel na sinimulan niya kay Meme Vice.
TULAD ng amang si Vic Sotto ay malawak din ang sense of humor ng anak niyang si Pasig Mayor Vico Sotto sa aktres na si Coney Reyes.
Kamakailan ay nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) si Pasig Mayor Vico. Kasama niya ang mga magulang na very supportive sa kanyang political career.
Kung tutuusin ay puwedeng-puwedeng mag-artista ang butihing alkalde tulad ng kanyang mga magulang, pero mas pinili niya ang pulitika.
Habang iniinterbyu ang alkalde after niyang mag-file ng COC para sa last term niya bilang mayor ay may sumigaw ng: “I love you, Mayor!”
Maingay man ang kapaligiran ay narinig pa rin ni Vico ang sigaw ng netizen. Kahit busy ang alkalde sa pagsagot sa mga tanong ay naisingit din niyang sagutin ito.
Aniya, “I love you too pero quiet muna, ha!”
Nagtawanan ang mga taong nakapaligid kay Vico at maging ang mga nakapanood ng viral video.
Komento ng mga netizens, handsome raw kasi at charming si Vico katulad ng kanyang ama na si Vic.
Ang lakas daw ng charming personality, style, at charisma niya tulad ng ama kaya maraming nabibighaning kababaihan.
Sabagay, may kasabihang: "Like father, like son."