ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 8, 2024
Photo: Vice at Ion - IG @praybeytbenjamin
Hindi na itinuloy ni Ion Perez ang pagtakbo bilang konsehal sa kanilang lugar sa Concepcion, Tarlac.
Ang daming nagulat lalo na si Vice Ganda nang magdesisyon ang mister na si Ion na mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) bilang konsehal. Na-surprise raw talaga ang It's Showtime host.
Pero, sinabi naman niya sa isang panayam na hindi raw kasi nila pinag-uusapsn kapag may gustong gawin ang isa sa kanila. Nagdedesisyon daw sila sa kani-kanilang sarili.
Kaya nang i-announce ni Ion na aatras na sa 2025 midterm elections ay hindi na raw siya nagtaka. Ibinunyag ni Vice Ganda ang dahilan ng pag-atras ni Ion.
Tinanong siya ng kanyang kaibigan na si Ogie Diaz kung may role ba siya sa pagwi-withdraw ng mister sa candidacy nito.
Ani Meme Vice, “Kaming dalawa, we don’t decide for each other. Hindi ako sasabihan ni Ion na dapat ganito ‘yung gawin ko. Ako rin sa kanya, hindi ko rin sasabihin na dapat ganito ‘yung gawin mo. Hinahayaan namin 'yung isa’t isa na pumroseso ng mga bagay pero nakaalalay kami.
“Puwede kaming magbigay ng suhestiyon, opinyon, lalo na kapag pinag-uusapan namin, ‘pag nagpapalitan kami, pero we will not decide for each other.”
Nang mag-decide raw si Ion na hindi na itutuloy ang pagpasok sa pulitika, hindi na rin daw siya nasorpresa dahil kilala niya ang mister ever since.
“Nu’ng sinabi n’ya na hindi rin s’ya tutuloy, ‘di na rin ako nagtaka. Kasi ‘yun din s’ya, eh, kilala ko ‘yung pagkatao n’ya na… mabuti kasi ‘yung puso ng asawa ko. Hindi siya mag-aaksaya ng pagmamahal at tiwala at suporta sa kanya ng mga tao,” lahad ng Unkabogable Phenomenal Star.
“Sabi niya, ‘Hindi na ako tutuloy.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niyang ganu’n, ‘Kung tutuloy man ako, kailangan ko s’yang paghandaan, pagplanuhan, lahat. So ngayon, ayokong ipahiya ‘yung mga magtitiwala sa ‘kin,’” wika pa ni Vice Ganda.
Tama naman! At least, matitigil ang pamba-bash kay Ion kesa kung tumuloy siya sa pagtakbo kahit wala siyang alam sa pulitika.