top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 16, 2025



Photo: Kobe Paras - IG


May nagsasabing ang girl na inili-link kay Kobe Paras ay married na. Ito raw ang third party sa hiwalayan diumano ni Kobe at ni Kyline Alcantara.  


Sa TikTok/Reddit ay may post na galing umano sa girl na sinasabing happily married siya sa dalawang taon na nilang pagsasama.  


Komento ng mga netizens:  


“For all of you. Holy Week naman, sana peaceful breakup naman this time. Dati kasi, ang ingay nu’ng kay Mavy.”  


“May umasa ba talaga na magtatagal sila? Nag-e-experiment pa lang ‘yang Kobe, ‘di pa ‘yan ready na mag-stick sa isang karelasyon.”


“Kung walang apoy, walang usok. Unless promo lang ‘to for their proj (project).”

“Mala-Tita B ang galawan ni Kyline, may template sa breakup.” 


“ANG O-OA (overacting) N’YO! PAPA BEAR ALREADY CONFIRMED, THE TWO LOVEBIRDS ARE STILL TOGETHER! TALO NA KAYO!”  


Hindi malaman kung ano ba talaga ang totoo sa dalawang ito. Kung si Benjie Paras ay nagsasabi na hindi pa break ang anak at si Kyline, ang mga netizens naman ay naniniwalang wala na nga ang dalawa. 


Sey pa ng ibang fans, “Ganda-gandahan pala ang peg ni Kyline rito? Taas ng tingin sa sarili at s’ya raw nakipag-break dahil may finollow lang? If I know, inaway niya nang malala kaya nakipag-break ang guy. ‘Di ako naniniwala na siya ang nakipag-break.”

“I looked up the alleged girl on IG, ang ganda at ang sexy.”


“What is everyone so buzzed about? Kobe was always the guy you just show off and play with. Wala naman sigurong nag-expect na tatagal ‘yan. Kyline knows that, kaya ang bilis kumalas.”  


“Said this before and will say it again. Kyline arrogantly thought she was the one that could change a Kobe Paras prototype. He will never change for a girl. This guy has deep trauma issues that are open wounds. What he needs is a woman of faith that can bring him closer to God. ‘Yun ang kulang sa buhay ni Kobe. Not bars, not partying, not girls, not influencers, not show business, not money.”


“Seems Kobe is okay with the breakup. He still follows the girl in IG and vice-versa. And he is partying in Bali now with his fellow bar owners. We don’t know if he tried to fix things with Kyline or win her back but his actions now prove he doesn’t care for the drama. Oh well…”

Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?


 

Binawalan daw ng mga bossing… SHARLENE, TUMANGGING MAGPAPIKTYUR SA FANS


VIRAL si Sharlene San Pedro dahil umano sa ‘kasungitan’ ng Kapamilya actress.  

Nasabihan si Sharlene ng mga netizens na ‘suplada’ o ‘masungit’ nang hindi ito pumayag na magpakuha ng larawan sa isang fan na naroroon nu’ng gabi ng ABS-CBN Ball 2025.  


Ang paliwanag ni Sharlene, sumusunod lang siya sa rules na ibinigay sa kanila kung saan hindi raw sila puwedeng magpa-picture sa mg fans.


Aniya, “Uy, viral pala ‘yung isang video ko sa Facebook (FB). Sumunod lang naman ako sa sinabi sa ‘kin na bawal, parang kasalanan ko pa.”  


Sa video, makikitang nakiusap ang fan ng selfie kay Sharlene pero sumagot ang aktres ng “Bawal, eh,” in a friendly manner. 


Dahil dito, maraming netizens ang nang-bash kay Sharlene at itinag pa siya. 

“Saka okey lang sa ‘kin masabihan ng masungit kasi hindi naman totoo, so hindi ako nasasaktan. And to set the record straight, hindi ko po gusto ng atensiyon that night… um-attend lang po ako,” dagdag pa niya.


 

IBINAHAGI ng magkapatid na Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez ang mga huling sandali ng kanilang ina, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.  


Nagpaunlak ng maigsing interbyu ang magkapatid at ibinahagi nila ang final moments nila sa kanilang ina.  


“She died in her sleep, which I’m very thankful for, because she didn't have to endure any pain,” pagbabahagi ni Jackie Lou.  


Naging sentimental naman si Monching nang malaman ng buong pamilya na hindi nag-suffer ang kanilang ina sa pagpanaw nito.  


Natanong din si Jackie Lou kung may mga gusto pa ba siyang sabihin sa ina na hindi niya nasabi nu’ng nabubuhay pa ang Asia’s Queen of Songs.  


Aniya, “I think I was able to tell her everything.


“But, just to tell her how much I love her and to thank her for everything, and to tell her that I will continue to honor her by the way I work, by the way I live, by telling people how wonderful she is.” 


Nabasag na rin ang kanyang boses nang sabihin niyang, “I will miss her so much. I will miss how wonderful she smelled. She smelled so good. She always smelled so good.”

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 15, 2025



Photo: Nadine Lustre - Instagram


Isang netizen ang nagkomento sa Instagram (IG) page ni Nadine Lustre na dapat daw ay maghanap siya ng lalaking magmamahal at ibibigay ang family name sa kanya. Meaning, isang lalaki na pakakasalan siya.


Hindi nagustuhan ng aktres ang komento, kaya agad niya itong sinagot, “I think you should stop judging people based on a short clip.” 


Isang short video clip kasi ang ipinost ng aktres kasama ang boyfriend na si Christophe Bariou at dahil nga ru’n ay hinusgahan na agad si Nadine na ‘di siya kaya o gustong pakasalan ng kanyang BF.


Well, hinay-hinay nga naman kasi sa pagko-comment, huwag epal!

Ilang taon na rin ang relasyon ng aktres kay Christophe Bariou. Nasa kanilang dalawa na iyon kung kailan nila gustong magpakasal.


 

NAGBIGAY ang former beauty queen na si Rabiya Mateo ng isang babala para sa publiko. Aniya, huwag maniniwala sa kumakalat na maling impormasyon na siya ay naka-affiliate sa LVNA jewelry brand.  


May mga companies ding ikinokonek ang pangalan ng Kapuso actress-beauty queen bilang kanilang endorser, just like the company called LVNA.  


Kumalat na sa online ang isyu, kaya naman sa latest Instagram (IG) post ni Rabiya ay ishinare niya ang official statement mula sa kanyang legal counsel.  


“Ms. Mateo’s endorsement engagements with LVNA are exclusively for its jewelry products and do not, in any way, include the solicitation of investments or securities in LVNA,” Geco Law Offices stated.  


Idiniin ng lawyer na ang investment ni Rabiya is ‘restricted solely to the receipt of guaranteed interest returns for a specified period’.  


She was not issued any shares, stocks, or ownership interests in the jewelry company.  


Base kasi sa mga naglabasang artikulo, may alegasyon na nagbebenta ng fake

diamonds ang kumpanya.  


The company stressed that it is a legally registered business with a commitment to uphold transparency, authenticity, and product quality.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 14, 2025



Photo: Ka Leody De Guzman at Robin Padilla - FB


Nakabalik na si Senator Robin Padilla mula sa pagbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.  


Binisita ng senador si FPRRD dahil gusto raw niya itong kausapin kung saan ang former president ang chairman ng kanilang partido, ang Partido Demokratiko Pilipino at ang aktor-pulitiko naman ang president ng nasabing partido.  


Um-attend si Robin ng Senate inquiry na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos tungkol sa pag-aresto kay Duterte.  


Hindi napigilan ni Robin ang mapaiyak habang ongoing ang hearing na nakakuha ng attention ng mga taong naroroon.  


Isa na sa very vocal na nag-react sa reaction ng senador ay si Ka Leody de Guzman, isang social labor rights activist na tumakbo ring presidente noong 2022 pero natalo ni Pres. Bongbong Marcos.  


Sa Facebook (FB) post ni Ka Leody ay pinuna niya ang pag-iyak ni Robin.  

Aniya, “ANO 'TONG INIIYAK NI ROBIN PADILLA?  


“Ginagastusan ng taumbayan ang walang saysay na Senate hearing ni Imee Marcos para lang panooring umiyak si Robin Padilla. Kung ganyan lang din ay bumalik na lang siya sa pag-aartista. Ilang linggo um-absent ‘tong si Robin para magbakasyon sa Hague at pag-uwi lang sa Pilipinas ang una niyang gagawin ay iiyak?  


“Akala ko ba, ‘Aksyon hindi drama’? Sayang ang buwis ng taumbayan sa mga ulupong na ito.  


“‘Wag na tayo magluklok ng mga artista, boksingero at elitista. Panahon na para suportahan ang mga kandidato na magsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at mamamayan.  


May nagtanggol naman para sa mga artistang pumasok sa mundo ng pulitika.  

Aniya, “Ka Leody, kung ikaw ang alternatibo, sana naman, may napatunayan ka na bukod sa pa-cool na soundbites at porma ng aktibista. Hindi lahat ng artista ay walang silbi, at hindi rin lahat ng self-proclaimed ‘para sa masa’ ay tunay na naglilingkod. Ang problema, mas madaldal pa kaysa kumikilos. Kung may mali si Robin, sabihan ng maayos — pero ‘wag kang magmalinis na parang ikaw lang ang may karapatang magserbisyo. Baka nga mas may ambag pa ‘yung artista kaysa sa mga taong puro rally, pero wala namang batas na naisulong o proyekto para sa mahihirap.”  


May nagbigay naman ng payo sa aktor-pulitiko.  

Sey nito, “‘Wag mo iyakan, Sen. Robin. Itama mo ang batas ng Pilipinas at ipaglaban ang tama at karapatan mo bilang mambabatas.”


 

Nakisimpatya raw kay Dennis… JANNO, TINAWAG NA ‘ENABLER’, MINURA ANG MGA BASHERS


Nag-react si Janno Gibbs sa post ni Gene Padilla tungkol sa kasal ni Claudia Barretto.  

Ipinagtanggol ni Gene ang kapatid na si Dennis Padilla regarding sa ginawa lang umanong bisita ang komedyante sa kasal ng anak nitong si Claudia Barretto.  


Pagbabahagi ni Gene, “Ngayon lang po ako magsasalita. By 1 PM nasa church na po ako galing Bulacan going to Alabang, si mama po namin, 5 AM gumising na excited, same kay Kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya, ngayon lang ako naka-witness ng kasal na hindi part ng program ang ama ng bride sa aga namin du’n na nandu’n mga event organizer wala man lang nagsabi na ‘di s’ya part ng program… 


“‘Di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar, nagtanong kami kung saan uupo ang nanay namin, ang sabi kahit saan du’n at ‘yung ama du’n na lang DAW tumabi sa mga ninong... kaya kami ni Kuya Dennis, pumunta na lamang sa likuran... 


“Napaluha at napaiyak si Kuya sa mga nangyari, kaya sabi ko, umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa ikinasal. Naawa rin ako sa nanay ko kasi naiyak na rin, naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama rin ako…  


“Puro kayo karangyaan at kasikatan, sa inyo na lahat ‘yan, sanay kami sa hirap at ‘di talaga kami nababagay sa inyo.


“Dennis Dominguez Padilla… ‘di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!” 

Nag-iwan ng komento ang singer na si Janno na tatlong crying emojis na nagpapakita ng kanyang simpatya para sa kaibigang si Dennis.  


Prangka niyang sinagot ang mga commenters. Ang komento ng singer ay nakatanggap ng “enabler” remarks, kaya nag-publish si Janno ng isang matinding sagot.  


Prangkang sagot ng singer, “Mga puta** in*. Wala naman ako sinabing sang-ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na? Hindi ko siya ipinagtatanggol, mga ul*l. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga t*nga.”


 

NAGBIGAY-PUGAY si Jericho Rosales para sa namayapang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales, ang Mamita ng girlfriend na si Janine Gutierrez.  


Sa Instagram (IG) ng aktor ay ibinahagi niya ang isang video ng kanyang ina habang kinakanta ang Ang Pipit na isa sa mga awitin ni Pilita.  


Sey ni Echo, “(white heart emoji) and big hugs to the family of a legendary and most beloved singer of my mother. Her songs went beyond memory.


“It was a great honor to have met her. Maraming-maraming salamat po.”  


Wala pang makapagsabi kung nakabalik na ng Manila ang aktor para damayan ang girlfriend dahil kasalukuyang nagsu-shoot si Echo ng Quezon movie outside Metro Manila.  


Pero ang komunikasyon nina Echo at Janine ay still strong. Katunayan, bago pa ini-announce ni Janine na pumanaw na ang kanyang Mamita ay nakatanggap pa siya ng bouquet of red roses mula sa boyfriend, tanda na mahal na mahal niya ang apo ni Pilita.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page