top of page
Search

by News @Balitang Probinsiya | Oct. 26, 2024



Aklan — Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Manika, Libacao sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek sa alyas “Lito,” nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay. 


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


 

2 BEBOT, KELOT, TIKLO SA BUY-BUST


BACOLOD CITY -- Dalawang babae at isang lalaki ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Purok Kabugwason, Brgy. Mansilingan sa lungsod na ito.

Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek na pawang nasa hustong gulang habang iniimbestigahan sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek nang pagbentahan nila ng shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit 200 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 

NEGOSYANTE, TIMBOG SA MGA PEKENG YOSI


ZAMBALES -- Isang negosyante ang inaresto ng mga otoridad nang makumpiskahan ng mga pekeng sigarilyo kamakalawa sa public market ng Brgy. Dirita-Baloguen, Iba sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad. 


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek habang nagbebenta ng mga pekeng yosi sa palengke ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng mga kahon na naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga pekeng sigarilyo.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa mga kaukulang kaso.


 
 

by News @Balitang Probinsiya | Oct. 16, 2024



Iloilo — Isang 62-anyos na lolong rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Salngan, Passi City sa lalawigang ito.

Pansamantalang hindi pinangalanan ng mga otoridad ang suspek habang iniimbestigahan pa ito.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad pinuntahan at inaresto ng mga operatiba ang rapist na lolo sa naturang lugar.

Sumama at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad.


 

DRUG TRAFFICKER, ARESTADO


AKLAN -- Isang drug trafficker ang inaresto ng pulisya sa buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Estancia, Kalibo sa lalawigang oto.


Ang suspek ay kinilala ng mga otoridad na si Daniel Alayon, nasa hustong gulang at residente ng Roxas City, Capiz.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya naaresto ito sa buy-bust operation.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng mga pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 

KELOT, TINEPOK NG UTOL


ISABELA -- Isang 36-anyos na lalaki ang namatay nang hampasin sa ulo ng palakol ng kanyang nakatatandang kapatid kamakalawa sa Brgy. Villapaz, Naguillan sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jimmy Lobendino, samantalang ang suspek ay ang kapatid nito na si Dario, 42, at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid hanggang kumuha ng palakol ang suspek at inihampas ito sa ulo ng biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.


 

ESTUDYANTE, TODAS SA HOLDAP


DAVAO DEL NORTE -- Isang estudyante ang namatay nang barilin ng isa sa dalawang holdaper kamakalawa sa Brgy. Manay, Panabo City sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng biktima na edad 18 at residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktima, kasama ang kanyang mga kaklase nang harangin sila ng dalawang holdaper na lulan ng isang motorsiklo.


Nabatid na nagtakbuhan ang mga kaklase ng biktima at naiwan ito, at nang kunin ang kanyang cellphone ay tumanggi ang estudyante na ibigay kaya pinagbabaril siya ng isa sa mga suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.


 
 
  • BULGAR
  • Oct 9, 2024

by News @Balitang Probinsiya | Oct. 9, 2024



Agusan Del Sur — Isang pulis na drug pusher ang dinakip ng mga otoridad sa drug-bust operation kamakalawa sa Butuan City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang pulis na suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga otoridad. 


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang pulis kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng mga pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 

BINATILYO, NALUNOD SA KANAL


ALBAY -- Isang 11-anyos na batang lalaki ang namatay nang mahulog at malunod sa malalim na kanal kamakalawa sa Brgy. Lanigay, Polangui sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima sa pangalang “Mak” nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, naligo sa ulan si “Mak” nang madulas ito at nahulog sa malalim na kanal na may rumaragasang tubig-ulan.


Mabilis na sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan ang biktima at makalipas ang may 30 minuto ay lumutang ito. 

Dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


 

MOST WANTED CRIMINAL, TIKLO


CAPIZ -- Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Poblacion Ilawod, Pontevedra sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang suspek na 27-anyos, habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong falsification of public documents sa lalawigan.


Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


 

ANAK, PINATAY NG AMA


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 25-anyos na binata ang namatay nang saksakin ng kanyang ama kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Malingin, Bago City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Pablito, samantalang ang suspek na ama nito na 60-anyos ay hindi na isinapubliko ang pangalan na sumuko sa mga otoridad.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang suntukin ng anak ang kanyang ama. Dahil dito kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak sa dibdib ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nahaharap ang suspek sa kasong parricide.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page