ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 25, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 25, 2025 (Martes): Huwag mong sayangin ang lakas at talino mo sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Bagkus, ituon mo na lang ito sa pagpapayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo kung wala na sa panahon ang kasalukuyang sistema ng pagnenegosyo mo. Dapat mong matanggap na ang mga pormula noon ay hindi na epektibo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-23-27-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamasyal ka. Sa pamamasyal, makakalaya ang isip mo at ang malayang kaisipan ay makakadiskubre ng mga bagong pananaw na magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-7-10-13-24-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniwala sa magagandang salita, lalo na ngayong mahina ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-19-25-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw kung saan ‘di mo kailangang gamitin ang iyong awa. Sa halip, isip at praktikalidad ang gamitin mo upang mas madali kang lumigaya at umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-22-38-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling darating ang mga suwerte mo. Sobra at sapat na ito upang tumigil ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-26-29-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Wala kang maaasahan maliban sa sarili mong talento. Sa katunayan, nakaasa sa iyo ang mga taong nasa paligid mo, dahil alam nilang ikaw ang sagot sa kanilang mga suliranin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-20-25-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sarili. Kung babalikan mo ang iyong nakaraan, langit mismo ang umayos ng buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-21-33-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malihim at madalas mong itinatago ang iyong saloobin. Pero ang ‘di mo alam, may mga lihim din pa lang humahanga sa iyo, subalit hindi nila ito ibibisto sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-28-30-35-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na hindi ka dapat masunod. Ang dapat mong sundin ngayon ay ang iyong mga mahal, kapag nagawa mong sumunod sa kanila, ru’n na rin kayo mag-uumpisang suwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-25-31-36-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibababa ng langit ang senyales na matagal mo nang hinihintay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-23-32-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aalisin ng langit sa buhay mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-13-29-34-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Kaya naman, gawin mo na anumang gusto mong gawin at puntahan mo na ang mga lugar na matagal mo nang gustong puntahan. Ito ang magdadala sa iyo ng suwerte at pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-17-25-33-37.