ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 15, 2024
Photo: Sandro Muhlach - FB
Naghihintay na lamang daw ng resolution mula sa DOJ ang kaso ni Sandro Muhlach laban kina Richard Cruz at Jojo Nones.
Marami ang nagtatanong sa kakaibang katahimikan ng usapin dahil noong mga nakaraang panahon, halos naging national issue ito.
May mga netizens pang sobrang invested sa kaso at nag-aakusa na tuloy ngayon ng sari-saring “baka raw” may ayusan nang naganap. ‘Yung iba pa nga ay bina-bash si Sandro at ang tatay nitong si Niño Muhlach dahil kung gaano raw kaingay ang mga ito na dinala pa sa Senado ang usapin “in aid of legislation” ay siya namang sobrang tahimik ng mga ito ngayon.
“Granting na naghihintay sila ng resolution from DOJ, ‘di ba’t dapat naka-monitor sila sa mga update? Na ‘yung ginagawa nilang pagkalampag sa socmed gaya ng dati ay dapat nand'yan pa rin at ‘di hinahayaang matulog? Nakapagtataka kasi ang sobrang pananahimik nila,” sey ng mga netizens.
Well, baka naman po kasama sa moving-on process at therapy ng umano’y biktima ‘yung pagpaubaya na lang sa tamang venue ng paglutas sa kaso?
NAGING usap-usapan kamakailan ang binitawang sagot ni Sen. Bong Revilla, Jr. patungkol sa suportang ibibigay nito sa isa sa mga best friends niyang si Kuya Phillip “Ipe” Salvador, na tatakbo ngang senador sa 2025.
“Mahal ko siya,” or something to that effect ang ipinahayag ng senador, na siyempre ay hindi ‘yun ang ine-expect na sagot para sa isang ‘best friend’ na tatahakin na rin ang mundo ng pulitika.
“Masyado lang eklay,” komento ng mga nakarinig dahil dapat daw isipin ni Sen. Bong na noong mga panahon mula nang magsimula raw ito sa pulitika, nakaagapay na si Kuya Ipe sa kanya.
May sumagot namang, “Baka kasi hindi naman aprub para kay Sen. Bong dahil, as a best friend nga, alam n’ya ang kakayahan nito. At saka, ‘di ba, nasa magkaibang partido sila?”
Nakakaloka namang tunay, ‘di ba? Hindi pa nag-uumpisa ang kampanyahan sa lagay na ‘yan, pero ang mga intriga, hayan na!
Hmmm, let’s see kung paano nga babaguhin, if ever, ang mga ganitong relasyon ng mag-best friend sa darating na 2025 midterm elections.
Ano rin kaya ang magiging sagot ni Sen. Jinggoy Estrada kapag ito naman ang natanong sa suporta kay Kuya Ipe?
AFTER nating mapanood si James Reid, si Maja Salvador naman ang nakita nating nagbalik-ASAP.
Although hindi naman talaga tuluyang nawala sa TV scene si Maja, iba pa rin talaga ang impact kapag nakikita ka sa isang show na sobrang lakas at identified ang isang artista as ‘magaling’.
Hindi pa rin kumukupas ang husay nito sa dance floor, at kahit isa na rin siyang nanay, pang-single pa rin ang appeal ni Maja.
May mga narinig tayong mas tututukan ni Maja ang mga collaboration projects niya sa ABS-CBN dahil na nga rin sa kanyang estado ngayon.
May pinatatakbong artist house o artist management team si Maja, plus ine-enjoy nga nito ang motherhood, kaya roon daw iaangkla ang mga projects na gagawin niya.